CHAPTER 14: Talkin' about Black
Mia White's P.O.V.
Limang araw na ang nakalilipas mula noong tumapak ang aking mga paa dito sa Pilipinas. Sa limang araw na iyon, wala akong ibang ginawa kung 'di ang maglibot-libot sa paligid. Hindi ako gaanong lumalayo dito sa building kung nasaan ang condominium ni Arnold. Tama naman kasi s'ya na hindi pa ako dapat gaanong naglalayo. Baka imbes na mahanap ko ang aking sarili eh lalo pa akong mawala.
Mahirap na, baka maligaw pa ako.
Sa 'king paglilibot sa paligid, nakakita ako ng coffee shop na maari kong minsan tambayan. Book store na maari kong bilhan ng mga libro at magazines. May malapit ring mall dito kung saan, kamakailan lang ay nagpunta kami doon ni Arnold para mamili ng damit. May kakapalan kase ang mga damit namin sa London kaya medyo hindi ito akma sa klima ng Pilipinas.
Mula sa T.V. ay napalipat ang tingin ko sa pinto ng kwarto ni Arnold noong magbukas ito. Lumabas s'ya dito habang tinatapos ang pagbubutones ng kanyang polo.
"May lakad ka?" tanong ko sa kanya.
Tumingin naman ito sa 'kin at agad na ngumiti. "Oo. May autograph signing si Black mamaya." sambit nito na ikinagulat ko naman at ipinagtaka.
Napakisap-kisap ako. "May autograph sining si Black?" tanong ko na agad naman niyang tinanguhan. "Eh bakit hindi mo sinabi sa 'kin?!" maktol ko sabay paltok ng isang throw-pillow sa kanyang dereksyon. Naiwasan naman niya ito at natatawa-tawa akong muling tiningnan.
"Malayo kase kaya hindi ko na sinabi sayo..." paliwanag nito sabay upo sa sofa para magsuot ng kanyang sapatos.
Napasimangot ako sa kanya. "Eh ano naman kung malayo? Kasama naman kita." sambit ko na naging dahilan para mapatingin ito sa 'kin.
"Gusto mong sumama?" tanong niya.
Nakangiti naman akong tumango-tango sa kanya. "Mas mahirap naman ata kung iiwanan mo ako dito mag-isa eh malayo pala 'yang pupuntahan mo. Mas okay kung kasama mo ako 'di ba?" mungkahi ko sa kanya habang nagbu-beautiful eyes.
Napa-smirk naman ito sa 'kin at napailing. "Oo na, ano pa bang magagawa ko? Magbihis kana." utos nito na agad ko namang sinunod.
Dali-dali akong naligo at nagbihis, pagkatapos ay inilagay ko sa dadalhin kong bag ang magazine na binili ko kahapon kung saan si Black mismo ang cover. Kinuha ko rin sa 'king drawer ang latest album ni Black at inilagay rin ito sa 'king bag. Noong masiguro kong kumpleto na ang aking mga kailangang dalhin ay lumabas na rin ako sa 'king kwarto. Sa 'king paglabas ay naabutan ko si Arnold na tila abala sa pagkutingting ng kanyang cellphone.
Nilapitan ko s'ya sa may sofa at sinilip kung anong pinagkakaabalahan nito at halos humagalpak ako sa tawa noong makita kong naglalaro ito ng MY TALKING TOM! Nilalaro n'ya 'yung mini games doon na WHACK-A-MOUSE.
"HOI!" sigaw ko sabay tulak sa likod ng kanyang ulo. Halos mapasungasob naman ito pauna dahil sa 'king ginawa. Yamot ako nitong nilingon habang hawak ang parte ng kanyang ulo na aking tinulak.
"Buti naman at tapos ka na..." pareklamong sambit nito.
Ngumiti lang ako sa kanya ng nakakaloko. "Hindi ko akalaing naglalaro ka ng ganang klaseng games ha." loko ko dito na ikina-salubong naman ng magkabila niyang kilay. Napatingin ito sa hawak niyang cellphone at mukhang doon lamang niya lubos na naunawaan ang aking tinutukoy.
Ngumiti ito at tumingin sa 'kin habang iniaabot ang cellphone na kanyang hawak. "Mukhang ako dapat ang nagsasabi niyan ah. 'Di ko akalaing naglalaro ka ng ganang application." sambit nito na nakapagpasimangot naman sa 'kin dahil sa pagtataka.
BINABASA MO ANG
Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)
Novela JuvenilTunay nga bang magagawang alalahanin ng puso ang hindi magawang maalala ng isipan? Pero pano kung sa pagbabalik nang iyong mga alaala ay marami nang nagbago? Pano kung sa pagbabalik nito ay kumplikado na ang lahat? Pipiliin mo pa ba ang panahong naw...