Chapter 27:
Mia White's P.O.V.
Andito ako ngayon sa ospital at kasalukuyang hinihintay na lumabas ang doctor mula doon sa emergency room kung nasaan si Warren.
May lumabas naman na nurse kanina at sinabi sa aking okay na naman daw si Warren at wala na akong dapat pang ipag-alala. Pero ganon pa man, 'di ko pa rin maiwasan ang hindi mapakali.
Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko s'ya nakikitang okay.
Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko s'ya nakikita.
Napahinga ako ng malalim at napatingin sa cellphone na hawak-hawak ko ngayon.
Katulad ito ng sa akin at hindi ako maaring magkamali...
Ito ang cellphone ni Arnold.
Pero, bakit na kay Warren ito? Papano naman ito napunta sa kanya?
Kung ganon, yung tumatawag sa akin kanina ay s'ya at hindi si Arnold?
"Pwede nyo na po s'yang puntahan..."
Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Yung nurse pala na lumapit sa akin kanina.
Tumayo ako at agad na ngumiti sa nurse. "Salamat." sabi ko at maya-maya lang ay umalis na ito sa aking harapan.
Napabuntong-hininga na lang ako at itinago sa aking bulsa ang cellphone na hawak ko.
Marahan kong binuksan ang pinto kung saan inilipat si Warren mula sa emergency room. Natanaw ko sya sa kama na tila mahimbing na natutulog.
Naglakad ako ng tahimik palapit sa kanya.
May ilang galos at pasa sya sa kanyang mukha. Ang kanan naman niyang kamay ay nakabenda at tulad ng kanyang mukha, may mga pasa din ito.
Muli kong ibinalik ang aking mga mata sa kanyang mukha. Napansin ko ang ilang hibla ng kanyang buhok na humaharang sa nakapikit niyang mga mata.
Mas lumapit pa ako sa kanya at bahagyang yumuko para hawiin ang ilang hibla ng buhok pero bigla akong natigilan...
Bigla akong natigilan dahil parang bigla akong may naalala.
Parang minsan ko na rin s'yang nakita sa ganitong sitwasyon.
Napahinga ako ng malalim at sa ginawa kong iyon, biglang may nag flash na imahe sa aking isipan!
Napapikit ako ng mariin dahilan para malinaw kong makita ang lahat...
S'ya at ako...
Magkasama kami sa isang lugar kung saan, tanaw na tanaw ang kalangitan. Maliwanag ang paligid at parehas kaming nakasuot ng school uniform.
Puno s'ya noon ng galos at pasa sa mukha. Parang galing sya sa away o kung ano pa man.
Napailing ako at napahawak sa sumasakit kong ulo. This time, nakita ko naman ang sarili ko...
Nakita ko ang sarili ko na umiiyak sa kanyang harapan.
Umiiyak ako sa kanyang harapan habang may hawak-hawak na baril sa aking kamay.
Baril? Bakit naman ako hahawak ng baril?
"Isa akong Assassin..." Sabi ng tinig ko habang umiiyak.
A----Ano?
Isa akong A----Assassin?
Bigla akong napamulat ng aking mga mata noong maramdaman ko ang marahan na pagdampi ng isang bagay sa aking kamay.
BINABASA MO ANG
Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)
Novela JuvenilTunay nga bang magagawang alalahanin ng puso ang hindi magawang maalala ng isipan? Pero pano kung sa pagbabalik nang iyong mga alaala ay marami nang nagbago? Pano kung sa pagbabalik nito ay kumplikado na ang lahat? Pipiliin mo pa ba ang panahong naw...