Chapter 3

359 12 0
                                    

CHAPTER 3: Brothers

Arnold Bosson's P.O.V.

Pagkatapos naming mag-almusal ni Mia ay agad na akong umakyat sa aking silid upang maligo at magbihis. Nakatanggap kase ako ng text mula sa 'king kapatid na nais nitong magkita kami para mag-usap. Hindi man nito binanggit kung ano ang aming pag-uusapan, eh mukhang nahuhulaan ko na kung tungkol saan o kanino ito.

Lalo na't mukhang ayaw nitong dito sa bahay namin ito pag-usapan.

Halos 10:00 am na ako natapos sa paliligo at pagbibihis. Nasa mga maleta pa kase ang aking mga damit kaya naman, medyo nahirapan ako at natagalan sa paghahanda ng maisusuot. 10:30 pa rin naman ang usapan namin ni Harry kaya ayos lang. Walang rason para magmadali. Hindi rin naman kase kalayuan mula dito ang ospital kung nasaan s'ya.

"Aba, mukhang may lakad ka ah." salubong sa 'kin ni Mia na nakaupo sa isa sa mga sofa dito sa sala noong matanaw ako nitong pababa sa hagdan.

Isinara nito ang binabasa niyang libro noong maglakad ako papalapit sa kanya. "Oo. May kailangan lang akong kausapin." sabi ko sabay tingin muli sa librong kanyang hawak. Binasa ko ang title nito at kung hindi ako nagkakamali, tungkol ang librong iyon sa babaeng nawalan ng ala-ala.

Tulad n'ya.

"Ganun ba?" sabi nito sabay simangot. "Kala ko pa naman eh may makakakuwentuhan ako ngayon dito sa bahay." pagpapatuloy n'ya sabay ngiti sa 'kin. Pero yung ngiti n'ya, tila may halong kalungkutan.

Kung sa-bagay. Mula naman noong mapapunta s'ya sa puder nang aking kapatid, palagi ng may halong lungkot ang kung ano man ang kanyang ginagawa. Kahit naman siguro sino, malulungkot kung malalagay sa sitwasyon na tulad nang sa kanya.

Ngumiti rin ako dito at naupo sa kanyang tabi. "Bakit? Naiinip ka ba dito sa bahay?" tanong ko na muli namang nakapagpangiti sa kanya.

Tumango s'ya pagkatapos ay muling tumingin sa 'kin. "Medyo. Palagi kase akong naiiwan dito mag-isa." tugon niya sabay iwas ng tingin. "Pero kasalanan ko din naman kung bakit ako naiinip."

Napa-kunot ako ng aking noo. "Bakit mo naman naging kasalanan?" usisa ko na mukhang naging dahilan upang mapabuntong-hininga ito na para bang may dala-dala s'yang napakabigat na problema.

"Eh hindi kase ako umaalis dito sa bahay." sambit n'ya sabay tingin sa 'kin. "Saka lang ako umaalis kapag niyayaya ako ni Harry na lumabas. Pero minsan lang 'yun dahil busy s'yang tao."

Napa-ngisi ako. "Naiintindihan mo naman kung bakit s'ya busy, 'di ba?" seryoso kong tanong sa kanya na nakapagpatawa naman sa kanya nang mahina.

"Syempre naman! Naiintindihan ko 'yon at hindi ako nagrereklamo o nagdaramdam kung 'yon ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko. Ang gusto ko lang talagang sabihin, nasa akin ang problema kung bakit ako naiinip..." paliwanag nito.

Napatawa ako dahil sa pagiging defensive ng tono ng kanyang boses. "Wala naman akong sinabing nagrereklamo ka o nagdaramdam." sabi ko sabay tawa muli at iling. Napansin ko naman ang pagsimangot niya kaya huminto na ako sa pagtawa at muling nagseryoso. "Eh bakit nga ba nagpapaka-loner ka dito sa bahay?"

Napahinga s'ya nang malalim. "Eh pakiramdam ko kase kapag mag-isa akong namamasyal sa labas, feeling ko mukha akong ewan..." nagbuntong-hininga s'ya. "Para bang mukha akong engot? Parang, mukha akong tanga?" tugon n'ya sabay tingin sa 'kin habang magkasalubong ang kanyang kilay. "Pakiramdam ko, out of place ako." dagdag pa niya sa dismayadong tono ng kanyang boses.

Napaiwas ako nang tingin sa kanya at napabuntong-hininga rin. Parang bigla kase akong nakaramdam sa 'king sarili nang matinding lungkot. Para bang napalipat sa 'kin ang bigat na nararamdaman niya ngayon. Para bang naiintindihan ko ang kanyang nararamdaman at mga pinagdaraanan. Kahit na ang totoo eh wala akong ideya kung gaano kahirap ang mawalan ng alaala.

Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon