CHAPTER 20: In tears
Warren Han's P.O.V.
"Wa---Warren? Warren Han?" patanong na sabi ng babaeng nasa harapan ko ngayon.
Pilit akong nagbigay ng ngiti sa kanya. Pilit akong ngumiti kahit na ang gusto kong gawin ngayon ay ang humagulgol ng iyak sa kanyang harapan. Pinilit kong manatili sa king pwesto ngayon kahit na ang gusto kong gawin ay ang tumayo upang yakapin siya ng buong higpit. Pinilit kong pigilin ang aking sarili na sabihin sa kanya kung gaano ako katagal na nangulila sa kanya. Kung gaano ko ninais na muli siyang makita upang mayakap at mahagkan.
Pinigil ko 'yang lahat.
Pinigil ko dahil alam kong hindi ito makakabuti sa kanyang kalagayan tulad ng sinabi ni Arnold. Tama s'ya, mas maganda kung kusa nitong maaalala kung sino at kung ano ako sa buhay n'ya. Sa buhay ni Zarren na ngayon ay nagtatago sa katauhan ni Mia.
Inilapit ko ang aking kaliwang kamay sa pisngi ni Mia at marahan na pinunas ang mga luha dito. Muli akong ngumiti. "Tama, ako si Warren..." wika ko.
Ang kanyang mukha, walang pinagbago tulad noong huli ko siyang nakita. Napaka-ganda pa rin niya pero 'di tulad ng dati, napaka-inosente na ng dating ng kanyang mukha ngayon. Mas mahaba na rin ang kanyang buhok na tila pinasadya niyang ipakulot ng konti. Pero s'ya nga, s'ya nga si Zarren. Ang babaeng inakala kong patay na sa loob ng halos limang taon.
S'ya nga ang babaeng lubos kong minahal at patuloy na minamahal.
S'ya nga ang aking si Zarren at wala ng iba.
Hindi ko na tatanungin pa ang aking sarili kung papano ito nangyari. Ang mahalaga lang ngayon sa 'kin ay ang makita siyang buhay at puno ng buhay.
Napaka-saya ko.
Napaka-saya ko dahil muli kaming nagkita.
Muli na kaming magkakasama.
Napahinto ako sa aking pag-iisip noong maramdaman kong may humaplos sa 'king pisngi. Napakisap ako nang aking mga mata na tila siyang naging dahil upang mapabalik ako sa reyalidad.
"Bakit ka umiiyak?" tanong nito habang tila nag-aalalang nakatingin sa 'kin.
Nabigla ako at napasinghap. "Ahhh~ Wala, napuwing lang ako." pagsisinungaling ko sabay tayo at punas ng aking pisngi kung nasaan ang mga luha na hindi ko namalayang kumawala na pala sa 'king mga mata.
Naramdaman ko noong tumayo si Mia mula sa bench kaya naman muli akong napatingin sa kanya. Agad itong ngumiti sa 'kin noong magtama ang aming mga mata. Ang kanyang ngiti, ang tagal kong ninais na muli itong masilayan. Nakakainis lang dahil hindi ko maaring ipakita sa kanya ang aking nararamdaman ngayon. Hindi ko maaring ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Kailangan kong kontrolin ang aking emosyon.
"Ako naman si Mia. Mia White..." sambit niya sabay lahad ng kanyang kanang kamay.
Sandali akong napatitig sa kanyang mga mata na ngayon ay kumikislap na parang isang dyamante.
Hindi ko lubos akalain na mangyayari pa ito sa 'kin.
Ngumiti ako sa kanya at inilipat ang aking tingin sa kanyang kamay. Idinikit ko dito ang kanan ko ring kamay pagkatapos ay nagshake-hands kaming dalawa. Ramdam na ramdam ko ngayon ang lambot at init nito na tila nagsasabing heto s'ya ngayon sa 'king harapan at buhay na buhay.
Gaano katagal ko kaya itatago sa kanya kung sino ako sa buhay niya bago s'ya nawalan ng alaala?
"Nice meeting you Mr. Han..." wika nito sabay bitiw sa 'king kamay.
BINABASA MO ANG
Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)
Teen FictionTunay nga bang magagawang alalahanin ng puso ang hindi magawang maalala ng isipan? Pero pano kung sa pagbabalik nang iyong mga alaala ay marami nang nagbago? Pano kung sa pagbabalik nito ay kumplikado na ang lahat? Pipiliin mo pa ba ang panahong naw...