Chapter 19

244 13 2
                                    

CHAPTER 19: That same feeling

Third Person's P.O.V.

Matapos magtanong sa ilang estudyante na datihan nang pumapasok sa Ace Virtuoso University, sa-wakas ay narating na rin ni Mia ang room kung saan gaganapin ang kanyang first subject para sa umagang iyon. Marahan siyang pumasok sa loob ng may kalawakang room kung saan, may ibang estudyante na rin na naka-upo sa loob at tila naghihintay sa kanilang Prof. Ang iba sa mga ito ay nakikipag-kwentuhan sa kanilang mga katabi habang ang iba naman ay tahimik lang na nakaupo at abala sa kani-kanilang mga ginagawa.

Suot ang kulay itim na dress na pinaganda ng lace na collar at black na heels ay tinungo ni Mia ang isang bakanteng upuan na ilang row na lang mula sa likuran. Tahimik siyang naupo dito habang inililibot ang kanyang mga mata sa ibang estudyante. Buong akala n'ya ay masyado s'yang naging O.A. sa suot niyang damit ngunit napagtanto niyang tama si Arnold. Mayayamang estudyante ang napasok sa paaralang ito at sa damit palang ay mahahalata mo na ito sa kanila.

"Mabuti na lang pala at nag-ayos-ayos ako nang konti." sambit niya sa kanyang sarili sabay lingon sa kanyang kaliwa kung saan, naabutan niyang papaupo ang isang lalake sa bakanteng upuan na katabi ng sa kanya.

Sa hindi malamang dahilan ay napatitig siya dito habang magkasalubong ang kanyang mga kilay. Tinitigan niya ang lalakeng deretso at tila seryosong nakatingin sa unahan ng room. Lumipas pa ang ilang segundo na nanatili sila sa ganong posisyon. Napahinga ng malalim ang lalake at napapikit, pagkatapos ay marahan nitong nilingon ang kanyang kanan kung saan, naabutan niyang nakatingin sa kanya ang dalagang naka-upo roon.

Lalo namang bumakas sa mukha ng dalaga ang pagkagulat at ang pagtataka noong masilayan nito ng tuluyan ang mukha ng lalake. Bahagyang naghiwalay ang kanyang mga labi na para bang may nais sabihin ang mga ito pero hindi niya sigurado kung ano.

Muli niyang isinara ang kanyang labi, napalunok siya pagkatapos ay napailing. "Ikaw?" bulalas nito habang gulong-gulo pa ring nakatingin sa lalake.

Nabalot naman ng pagtataka ang lalake dahil sa pagkakatingin sa kanya ng dalaga at dahil sa sinambit nito. "A---Anong problema?" nauutal na sambit nito dahil sa rumaragasang emosyon na dumadaloy ngayon sa kanyang katawan. Magkahalong kaba at pagkasabik sa isasagot ng dalaga ang nananaig ngayon sa kanya. Tiningnan niya si Mia na para bang hintay na hintay nito ang magiging sagot nito sa kanya.

Napaiwas naman ng tingin si Mia sa lalake at napahawak sa kanyang dibdib kung saan, damang-dama niya ang malakas na pintig ng kanyang puso. Iniiwas niya ang tingin sa binata dahil pakiramdam niya ay kakapusin siya ng hininga kung ipagpapatuloy pa niya ito.

Ang pakiramdam na iyon na naramdaman niya noong makita ang lalakeng nakatalikod. Ang pakiramdam niyang iyon noong nasa coffee shop sila nina Arnold, muli niya itong nararamdaman ngayon! Pero sa pagkakataong ito, alam niyang ang lalakeng inaasahan niyang makita nang araw na iyon ay ang lalakeng nakaupo sa kanyang tabi ngayon...

Nakakasigurado siya sa kanyang nararamdaman.

Hindi niya alam at hindi niya maintindihan kung papaano niya ito nakumpirma sa kayang sarili pero, malakas ang kanyang pakiramdaman na ito nga ang lalaking kanyang inaasahang nagmamay-ari ng likod na iyon. Hindi siya maaring magkamali dahil alam niyang makikilala niya ito sa oras na makita niya ang taong iyon.

Gulong-gulo ang isipang napatayo si Mia mula sa upuan habang tila hindi maintindihan kung saan titingin. Papahakbang na sana siya paalis ng bigla naman niyang maramdaman ang marahang paghawak sa kaliwa niyang kamay. Natigilan siya at tila sandaling hindi makahinga dahil tila may kuryenteng dumaloy mula rito.

Nalilito niyang tiningnan ang kanyang kamay kung saan, nakita niya ang kamay na nakahawak dito. Napahinga siya ng malalim at napalunok dahil sa gulo na kanyang nararamdaman.

Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon