CHAPTER 22: Larren's lies
Mia White's P.O.V.
Arnold: 'Wag ka nang mag-alala sa 'kin. Marami naman kami dito at hindi na ako bata para alalahanin mo pa nang ganyan. Isa pa, parte ito ng trabaho ko kaya kailangan ko talaga itong gawin.
Me: Eh bakit ba kase hindi mo masagot-sagot ang tanong ko kung kelan ang balik mo dito? At bakit ba kase ganito kabiglaan, parang wala ka ngang planong sabihin sa 'kin na aalis ka kung hindi pa kita nakita kagabi.
Arnold: Wala naman talaga akong balak tumakas kagabi 'no. Tulog ka na kase nung sinilip kita sa kwarto mo noong dumating ako. Kaya naisip kong itext ka na lang kesa gisingin pa kita. Ang ganda kase ng posisyon mo eh. Nakanganga habang nakatapat sa mukha ang cellphone. Sino ba namang hindi mag-aalinlangang gisingin ka.
Me: Gago ka ahh! Iibahin mo pa talaga ang usapan? So kelan nga ang balik mong bwiset ka? Pinayagan ako ni Harry na bumalik dito sa Pilipinas dahil kasama kita. Dahil nandito ka para bantayan ako. Ano kayang magiging reaksyon n'ya kapag nalaman n'yang iniwanan mo ako dito mag-isa?
Arnold: Hahaha... Ako pa talaga ang paaandaran mo ng ganyan? If I know wala kang balak na sabihin ito sa kapatid ko. Dahil paniguradong pupunta agad s'ya dito sa Pilipinas para sunduin ka at ibalik sa London pag nagkataon.
Me: Bwiset ka talaga! Ano ba naman kase 'yung sabihin mo sa 'kin kung kelan ang balik mo ng hindi na humahaba ang usapan? Nang hindi naman ako nag-aalala ng ganito. Kaaduwa ka.
Arnold: Relax. 'Wag ka nang magalit. Nagbibiro lang naman ako eh. Hindi ko lang talaga masabi pa ngayon kung kelan ako makakabalik. Hindi ako sigurado kung less than or more than two weeks pero for sure, hindi naman aabot ng bwan. Sisikapin kong makabalik agad.
Arnold: 'Wag kang pasaway d'yan habang wala ako. May tao akong iniwan at pinagbilinan sa'yo kaya pakatino ka. 'Wag kang masyadong pakasaya. Hahaha! Babalik rin ako agad, promise. 'Wag mo akong masyadong ka-isipin at baka hindi ako makatulog.
Muli lang akong napabuntong-hininga noong basahin kong muli ang naging conversation namin ni Arnold kaninang madaling araw matapos siyang umalis.
"Ang baliw na 'yun. At kanino naman kaya niya ako ibinilin? Sira-ulo..."
Ipinunta ko sa contacts ang aking cellphone para tawagan ang number ni Arnold pero, nakapatay ito.
"Bahala na nga s'ya sa buhay n'ya..." maktol ko sabay kuha ng aking bag sa sofa at marcha palabas ng unit ni Arnold.
Sa pagpihit ko sa aking kaliwa para sana maglakad na papunta sa elevator ay bigla akong napahinto at napatabi dahil sa mga lalakeng may tulak-tulak na naglalakihang kahon. Sa sobrang laki nga ng mga ito ay halos sakupin na ang daan kaya kinailangan ko talagang tumabi.
Ipinasok ng mga lalake ang mga kahon sa loob ng unit na katapat nitong unit ni Arnold. Noong maubos na ang mga lalaking dumaraan na tila naghahakot ng mga gamit ay agad na akong naglakad patungo sa dereksyon kung nasaan ang elevator na maghahatid sa akin pababa. Nang makalabas na ako ng gusali ay agad kong pinara ang taxi na papadaan. Huminto naman ito sa aking harapan. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng taxi ng biglang may isang kamay na muling nagtulak ng pinto upang ito ay magsara.
Sandali akong natigilan bago lingunin ang taong nagmamay-ari ng kamay. Napakunot ako ng aking noo noong tumambad sa akin ang mukha ng isang pamilyar na lalake. Pamilyar s'ya dahil sa tingin ko ay nagkita na kami dati. Nagkita na kami kung saan pero, hindi ko matandaan kung saan at kung kelan.
Sino nga ba s'ya?
Ngumiti ang lalake sa akin. Isang ngiti na para bang tuwang-tuwa s'ya na makita ako. At sa itsura n'ya ngayon, palagay ko ay kilala rin niya ako.
BINABASA MO ANG
Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)
Ficção AdolescenteTunay nga bang magagawang alalahanin ng puso ang hindi magawang maalala ng isipan? Pero pano kung sa pagbabalik nang iyong mga alaala ay marami nang nagbago? Pano kung sa pagbabalik nito ay kumplikado na ang lahat? Pipiliin mo pa ba ang panahong naw...