Chapter 4

338 12 0
                                    

CHAPTER 4: Hollowness

Arnold Bosson's P.O.V.

"Tama ba ako nang pagkakarinig?" usal ko habang natatawa-tawa. "Ipagkakatiwala mo sa 'kin si Mia?" I laugh again out of disbelief.

Grabe. Ano kayang nakain ng isang 'to at biglang nagbago ang takbo ng isip?

"Oo, ipagkakatiwala ko s'ya sa 'yo. Ipagkakatiwala ko s'ya sa 'yo pansamantala." sagot n'ya sa napaka-seryosong tono ng kanyang boses.

Napatingin ako sa kanya nang deretso dahil sa mga huling salita na kanyang binitawan.

Pansamantala pala ha.

"Eh bakit hindi na lang ikaw ang sumama sa kanya sa Pilipinas?" naguguluhan kong tanong dito sabay smirk.

Napahinga s'ya nang malalim at umayos ng upo. "Hindi ko kase pwedeng basta-basta na lamang iwanan itong ospital. Marami pa akong dapat ayusin dito bago umalis." paliwanag nito na naghawi ng mga ulap sa 'king isipan.

Sarkastiko akong napatawa habang tumatango-tango. "Tama. Hindi mo nga pala pwedeng pabayaan ang ospital na ito na pinaghirapan ni Papa..." wika ko sabay tingin sa kanya. Nakatingin din ito sa 'kin nang seryoso kaya naman ngumiti ako nang nakakasura sa kanya. "Dahil sa 'ting dalawa, ikaw ang masunurin na anak."

Narinig ko noong tumawa ito nang mahina. "May mga bagay na hindi na dapat inuungkat at pinag-uusapan. Lalo na kung hindi ito kaaya-ayang pakinggan..." usal nito na sadya namang muntik nang lumagot sa 'king pasensya.

Huminga ako nang malalim upang kontrolin ang aking sarili. Napa-ikom ako ng aking kamao at deretsong napatingin sa kanya. "Tama ka. Hindi nga 'yon kaaya-ayang pakinggan." sabi ko sabay ngiti. "Kahit nga ang pakikipag-usap sa 'yo ng ganito, ay hindi rin kaaya-ayang gawin." dagdag ko pa.

"Kung ganon pala, bakit ka pumayag na makipagkita sa 'kin?"

Napatawa ako. "Hindi ba halata? Nandito ako dahil kay Mia..." sabi ko sabay tingin sa 'king relo. "May kailangan pa akong puntahan. Kung wala ka nang sasabihin pa, ay aalis na ako." pagpapatuloy ko sabay tayo at ayos ng aking damit.

Noong wala akong narinig na pagtugon mula sa kanya ay naisipan kong tumalikod na upang makalabas na sa kanyang opisina. Pero hindi pa man ako lubusang nakakalapit sa pinto ay nagsalita ito.

"Pakiusap. Gawin mo sana ito para kay Mia." sambit n'ya.

Iginilid ko ang aking ulo at tiningnan s'ya gamit ang sulok ng aking mata. Seryoso itong nakatingin sa tasa ng kape na nasa kanyang harapan at tila ba, napakalalim ng kanyang iniisip ngayon.

Namulsa ako sa 'king pantalon at napangisi. "Hindi mo na kailangan pang maki-usap sa 'kin. Gagawin ko talaga ang sinabi mo dahil para ito kay Mia." tugon ko sabay tingin na muli sa pinto. "At umasa ka ring tutulungan ko s'ya para maibalik ng mas mabilis ang kanyang mga alaala. Kaya kung ako sa 'yo, uumpisahan ko na ang mga dapat ayusin sa ospital na ito para makasunod na kaagad sa Pilipinas." pagtatapos ko bago tuluyang lumakad palabas ng kanyang opisina.

Halos may limang taon na rin mula noong magising si Mia na walang maalala. Halos may limang taon na rin mula noong mapapunta s'ya sa pangangalaga ni Harry na nakakatanda kong kapatid. At sa haba ng panahon na iyon, ngayon lang nito naisipang pabalikin sa Pilipinas si Mia.

Marahil ay napagtanto nitong hindi magtatagal ay magpupumilit na rin si Mia na makaalis papunta sa Pilipinas para sa kanyang mga alaala kahit na ayaw niya. At siguro, natatakot s'yang dumating ang araw na wala s'yang magawa para pigilan ito kaya naman, nagdesisyon na lang s'yang pagbigyan ang matagal nang hiling ni Mia.

Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon