Chapter 2: IMAGES
Mia White's P.O.V.
Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumatagos sa kurtina ng aking balcony. Dahan-dahan kong iminulat ang nasisilo at inaantok ko pang mga mata at saka nag-unat ng aking mga braso noong mapagtanto kong, umaga na.
Panibagong araw na naman na wala pa rin sa 'kin ang aking mga alaala.
Napabuntong-hininga ako dahil sa pagkadismaya at napatingin sa digital-clock na nasa side-table. 7:20 na pala ng umaga. Inalis ko ang kumot sa 'king katawan at agad na bumangon. Kinuha ko ang C.D na ibinigay sa 'kin ni Arnold kagabi, pagkatapos ay isinalang ko ito sa C.D player na nandito sa 'king silid at pinatugtog ito.
Bwena-manong tumugtog ang kanta ni Black na PUREST OF PAIN.
I'm sorry I did'nt mean to call you
but I could'nt fight
I guess I was weak and could'nt
even hide it, and so I surrender
just to hear youre voice
Wala s'yang gaanong original song, halos lahat ng kanyang mga kanta ay puro re-vival lang. Pero ganon pa man, nagawa pa rin niyang sumikat nang husto. Isa s'yang Pilipino artist subalit, hanggang dito sa ibang bansa ay nagawa niyang sumikat dahil sa galing niya sa pagkanta.
I know how many times I said
I'm gonna leave without you
Maybe someone else standin'
there beside you
but there's somethin' baby
that you need to know
Kumuha ako ng damit na maisusuot sa 'king drawer at cabinet, pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Pinindot ko ang ON button ng speaker ko dito sa banyo para mapakinggan ko pa rin ang kanta ni Black kahit na naliligo ako. Patuloy ito sa pagtugtog habang naliligo ako ngunit, bigla akong natigilan sa pagsasabon ng aking katawan noong marinig ko ang ikatlong kanta ni Black sa C.D na ito.
There's sometin' that I've got to say
You're always with me
Even though, you're far away
Pinatay ko ang shower upang mas mapakinggan pa itong mabuti.
Talking to you on my cell
Just the sound of your voice
Makes my heart melt,
ohh girl It's true
I'm all about you
I'm all about us
Ilang beses ko ng narinig ang kanta niyang ito pero, bakit ba sa tuwing mapapakinggan ko 'to, bakit parang may kakaiba akong nararamdaman? Bakit hindi ko maiwasang mapahinto sa 'king ginagawa para lang pakinggan ito? Parang may mahalagang kahulugan sa 'kin ang kantang ito. Para bang kinakanta niya ito para sa 'kin?
Ganon ba talaga s'ya kagaling kumanta para maapektuhan ako ng ganito?
Napahinga ako nang malalim at napahawak sa 'king dibdib kung nasaan ang aking puso na may kakaibang pagtibok ngayon. Ang totoo nan, ganito ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang kantang 'yan lalo na kung 'yong version ni Black.
No, baby, you never have
To question my love
And every night
BINABASA MO ANG
Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)
Teen FictionTunay nga bang magagawang alalahanin ng puso ang hindi magawang maalala ng isipan? Pero pano kung sa pagbabalik nang iyong mga alaala ay marami nang nagbago? Pano kung sa pagbabalik nito ay kumplikado na ang lahat? Pipiliin mo pa ba ang panahong naw...