Chapter 21

218 8 0
                                    

CHAPTER 21: Pakiusap

Warren Han's P.O.V.

"Patawad..."

Sarkastiko akong napatawa matapos kong marinig ang pinaka-unang salitang lumabas sa bibig ng balahurang Arnold na ito matapos ko siyang bigyan ng isang malakas na suntok. Suntok na siyang naging dahilan para mapalupagi ito sa buhanginan nitong beach kung saan kami naroroon ngayon.

"Patawad?! Tangina, anong magagawa ng paghingi mo ng tawad ngayon?!" sigaw ko sa kanya habang iiling-iling dahil hanggang ngayon, hindi ko lubos maintindihan kung papaano niya nagawa ang bagay na ito sa akin. "Limang taon! Limang taon ang ninakaw mo sa aming dalawa ni Zarren, tapos patawad lang ang masasabi mo?! Putangina talaga!" sigaw ko pa sabay sipa sa isang bato patungo sa dereksyon ng ngayo'y maalong dagat.

Dahan-dahan itong bumangon habang hawak ang gilid ng kanyang labi kung saan ko siya napuruhan.

"Napag-usapan na nating dalawa ito hindi ba?" sambit nito na sadyang dumagdag lamang sa init ng ulo ko ngayon.

Napahinga ako nang ubod ng lalim at napahawak sa magkabila kong bewang. "Napag-usapan?" I said while smirking. "Alin do'n ang ating napag-usapan, huh?!" singhal ko sabay lapit at kapit ng mahigpit sa kwelyo ng kanyang damit. Gigil ko itong tinitigan sa kanyang mga mata at nakakainis sabihing ni-katiting na pagsisisi ay wala akong nababasa rito.

"Sabihin mo sa 'kin kung anong napag-usapan nating dalawa kase alam mo, sa pagkakaalam ko, wala tayong napag-usapang HAYOP KA!" sigaw ko sa kanya sabay bigay muli ng isa pang malakas na suntok. Suntok na mas malakas pa sa ginawa ko kanina sa kanya.

Muli siyang napalupagi sa buhanginan.

"Ang lakas rin naman ng loob mong sabihin sa 'kin na may napag-usapan tayong dalawa, samantalang wala ka ngang nilinaw sa akin noong huli tayong magkita!" buong lakas kong sigaw sa kanya kahit na pakiramdam ko eh, malapit na akong mapatidan ng litid dahil sa sobrang gigil, galit at inis na nararamdaman ko sa gagong ito ngayon!

Tangina talaga!

Limang taon, limang taon ang ninakaw ng putanginang lalakeng ito samin ni Zarren tapos sasalubungin lang niya ako ng salitang 'Patawad'?!

Tangina lang, lakas maka-gago!

Ano bang akala niya sa damdamin namin ni Zarren? Anong bang akala niya sa pag-iibigan namin ni Zarren, puppy love na sa paglipas at pagdaan ng taon ay mawawala rin?!

Tangina lang!

Siguro kung mamamatay tao lang ako, napatay ko na ang gagong ito noong araw pa lang na aminin niya sa akin na matagal na niyang nakakasama si Zarren. Nakakagalit isipin na sa tagal na naming magkakilala, sa tagal ng panahon ng aming pagkakaibigan ay nagawa pa rin niya ito sa akin. Nagawa pa rin niya akong lokohin at traydurin kahit na kapatid na ang turingan namin sa isa't-isa!

Tangina nga naman kapag minamalas ka sa taong pinagkatiwalaan mo sa loob ng mahabang panahon.

Lakas maka-gago!

"BUMANGON KA D'YANG HAYOP KA!" sigaw ko sa kanya.

"Pwe---Pwede bang huminahon ka muna?" pakiusap nito sa akin habang dahan-dahan na tumatayo.

Bigla akong napatawa dahil sa kanyang mga sinabi. "Eh gago ka pala talaga eh 'no? Nakilala mo ako bilang isang taong walang hinahon sa katawan, tapos ngayon, sasabihin mo sa 'king huminahon ako?!" naglakad ako palapit sa kanya at galit na nakipagtitigan sa kanyang mga mata.

"At sa tingin mo ba magiging mahinahon ako sa'yo pagkatapos ng mga katarantaduhang ginawa mo sa akin, huh?!" muli ko siyang kinuwelyuhan. "Tingin mo ba talaga ay magiging mahinahon ako sa'yo?! WALA KA TALAGANG KWENTA!" sigaw ko sa kanya sabay tulak na naging dahilan para mapahakbang ito ng ilan palayo sa akin.

Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon