CHAPTER 10: The home coming
Larren's P.O.V.
Wala akong ibang nagawa kung 'di ang pagmasdan na lang sa pag-alis ang kotse kung saan sumakay si Karren at ang mayabang na lalake na 'yon.
Napahawak ako sa 'king batok at napaisip.
Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Bakit ganon ang reaksyon n'ya noong makita ako? Bakit hindi niya ako makilala? Gano'n na ba katagal ang limang taon? Saka sino ba 'yung mayabang na kasama n'ya? At anong ibig-sabihin nito sa sinabi n'yang hindi ako ang taong makakatulong kay Karren? Pero teka lang, bakit Mia ang tawag n'ya dito at hindi Karren o Zarren na ikalawa niyang pangalan? May bago na naman ba s'yang pangalan?
Ganon nga kaya?
Eh bakit ganon? Bakit hindi niya ako nakilala? Totoo bang hindi niya ako nakikilala o nagkukunwari lamang s'ya dahil sa mga nangyari samin dati? Imposible.
Napahinga ako ng malalim at napasandal sa pader.
Imposibleng nagkukunwari lamang itong hindi ako nakikilala. Hindi ganong tao si Karren. Alam kong hindi niya ito gagawin dahil hindi s'ya ganon kung mag-isip. Tinatapos nito ang lahat ng mga bagay at hindi ito iniiwan o iniiwasan kaya sa tingin ko, ay hindi ito nagkukunwari noong sinabi nitong hindi niya ako kilala.
Si Karren ba talaga 'yun?
Napasapok ako sa 'king sarili at napatayo ng tuwid. Syempre naman si Karren 'yon. Napaka-imposible na mangyaring magkamukhang-magkamuha ang dalawang magkaibang tao. Imposible talaga kaya nakakasiguro akong si Karren nga ang babaeng iyon. Kabisado ko ang kanyang mukha at hindi ako maaring magkamali.
Kung ganon, bakit sinabi ni Warren na patay na si Karren? Bakit n'ya sinabi na patay na ang babaeng nakilala n'ya sa pagiging si Zarren Kang?
Ano ba talagang nangyayari?
Kailangan kong malaman ang totoo.
Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang isa kong kakilala sa Pilipinas. Sinagot nito ang aking tawag sa ikalawang ring palamang. "Hello, pwede bang alamin mo kung asan ngayon si Warren Han. Sabihin mo sa 'kin kung papano ko s'ya makikita at saan s'ya matatagpuan. Tawagan mo kaagad ako kapag nahanap mo na s'ya." walang patid kong sabi. Hindi naman tumanggi sa 'king iniuutos ang aking kausap kaya naman pinutol ko na ang tawag ko sa kanya.
Alam kong ikaw 'yon Karren. Kung ganon pala ay buhay ka pa. May alam ba sa lahat ng ito si Warren?
Alam ba n'yang buhay ka pa?
Mia White's P.O.V.
"Handa ka na bang umalis?"
Napalingon ako kay Arnold na siyang nagtatanong. Ngumiti ito sa 'kin noong magkasalubongan ang aming mga mata. Ngumiti rin ako dito at muling tumingin sa Lobby nitong airport kung saan, dumadagsa ang mga taong bibiyahe palabas ng bansa.
"Oo handa na akong umalis pero, hindi ba talaga pupunta dito si Harry?" tanong ko sabay balik ng paningin kay Arnold.
Tinapik-tapik ako nito sa 'king balikat. "Tingin ko, hindi talaga s'ya makakapunta dito para ihatid ka. 'Di ba sabi n'ya may emergency surgery s'ya sa ospital ngayong araw kaya hindi ka niya magagawang ihatid? Isa-pa..." sabi nito sabay-hinga ng malalim. "Mukhang ayaw n'yang makita kang umalis kaya, hayaan mo na lang s'ya. Susunod naman s'ya sa Pilipinas eh." paliwanag nito.
Dalawang linggo na ang nakakalipas magmula noong pumayag si Harry na bumalik ako sa Pilipinas. At sa dalawang linggong iyon ay halos hindi kami nakakapag-usap ng ayos dahil sa pagigingbusy niya sa ospital. Minsan nga pakiramdam ko ay iniiwasan ako nito at ginagawa lang niyang dahilan ang trabaho n'ya. Ganon pa man ay hindi ko na lang s'ya kinulit at hinayaan na lang s'ya sa nais niyang mangyari.
BINABASA MO ANG
Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)
Teen FictionTunay nga bang magagawang alalahanin ng puso ang hindi magawang maalala ng isipan? Pero pano kung sa pagbabalik nang iyong mga alaala ay marami nang nagbago? Pano kung sa pagbabalik nito ay kumplikado na ang lahat? Pipiliin mo pa ba ang panahong naw...