Chapter 24:
Mia White's P.O.V.
"Anong problema? Bakit parang gulat na gulat ka naman ata dyan?" natatawa-tawa kong tanong kay Warren matapos masaksihan ang kanyang reaksyon.
Napasinghap ito at napaiwas ng tingin. "Wala naman. Bi----Bigla ka kasing lumingon nung tawagin kita...." paghinto nito sa kanyang sinasabi sabay balik ng tingin sa 'kin. "...sa ibang pangalan."
Napakisap ako ng aking mga mata at napatawa.
"Ganun ba?" sambit ko sabay tawa muli ng mahina. "Napalingon lang kase ako dahil narinig ko yung boses mo. Di ko alam na tinawag mo ako sa ibang pangalan." paliwanag ko na tila nag iwan ng pagkadismaya sa kanyang mukha.
Napatango-tango sya. "Kaya pala..." wika nito sabay hinga ng malalim.
Napangiti na lang ako sa aking sarili. Akmang bubuksan ko na sana ang librong nasa ibabaw ng aking arm chair ng maalala ko ang kanyang sinabi.
Bakit naman nya ako tatawagin sa ibang pangalan?
Nagtataka ko syang muling nilingon.
"Teka lang..." sabi ko na naging dahilan naman para muli itong mapatingin sa akin.
Napatingin ako deretso sa kanyang mga mata at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang may mga ala-alang nais na bumalik sa aking isipan.
Para bang may nagsasabing minsan ko na ring nakita at natingnan ng ganito ang kanyang mga mata. Pakiramdam ko ay minsan na rin kaming nagkakilala at nagkasama.
Pakiramdam ko...
Pakiramdam ko ay kilala ko s'ya...
Hindi lang basta kilala kung hindi kilang-kilala. Bakit ko ba ito nararamdaman sa kanya?
Kilala ko kaya talaga s'ya dati? Kung 'Oo', eh bakit tila hindi naman niya ako kilala?
"May problema ba?" sambit nito na naging dahilan para mapabalik ako sa reyalidad.
Napakisap-kisap ako ng aking mga mata. "H------Ha?" napailing ako. "W----Wala naman." pagsisinungaling ko sabay bigay ng matipid na ngiti.
*Bzzzt...Bzzzt...*
Napakapa ako sa bulsa ng aking uniform noong maramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone. Kinuha ko iyong at binasa ang isang text mula sa unknown number.
From: 09*********
Magkita tayo sa coffee shop kung saan tayo nag-usap kanina. Marami pa akong bagay na nais sabihin sayo. Alam ko kung anong sitwasyon mo ngayon kaya hindi ka dapat matakot sa 'kin. Hihintayin kita.
Napahinga ako ng malalim dahil sa aking nabasa.
Anong gagawin ko? Ang lalakeng 'yon, natatakot talaga ako sa kanya. Pero pano kung s'ya ang taong maaaring makatulong sa 'kin?
Pano kung tunay ang kanyang sinasabi na nagmamahalan kaming dalawa?
Pano kung totoo yon?
BINABASA MO ANG
Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)
Teen FictionTunay nga bang magagawang alalahanin ng puso ang hindi magawang maalala ng isipan? Pero pano kung sa pagbabalik nang iyong mga alaala ay marami nang nagbago? Pano kung sa pagbabalik nito ay kumplikado na ang lahat? Pipiliin mo pa ba ang panahong naw...