CHAPTER 16: Mister B.
Mia White's P.O.V.
Reporter: Malaking palaisipan sa mga fans ni Black kung bakit bigla itong tumayo at nagtatakbo habang nasa kalagitnaan ng autograph signing na ginanap sa isang mall sa Calamba Laguna kanina. May mga saksing nagsasabi na tila may hinahabol itong babae. Kung sino ang babaeng ito at kung anong kaugnayan nito kay Black ay walang makapag-sabi.
Hindi nakuhanan ng kamera ang nasabing babae kaya kung sino ito ay tanging si Black lamang ang nakakaalam. Sa kabila ng nangyari ay matagumpay at maayos pa ring natapos ang nasabing autograph signing...
Napatingin ako kay Arnold noong matapos na ang balita tungkol kay Black.
"Sino naman 'yung hinabol n'ya? Nakita mo ba?" tanong ko kay Arnold na tulad ko ay nanonood rin ng T.V.
"Hindi ko rin nakita yung babae----"
"Kung ganon babae nga 'yung hinabol n'ya?! May hinabol nga talaga s'ya?!" pagputol ko sa kanyang sasabihin na tila bahagya nitong ikinayamot.
"Oo." sabi nito sabay irap sa 'kin.
"Sino naman kaya 'yun sa tingin mo?" usisa ko dito sabay lapit ng upo sa kanya.
Napatawa naman ito sa 'kin. "Masyado ka naman atang interesado kay Black?" sambit nito.
Inirapan ko s'ya.
"Nagtatanong lang naman ako dahil hindi ko alam na may ganan palang nangyari kanina. Malamang nasa C.R. ako ng mga oras na 'yan at kausap si Harry kaya hindi ko alam." paliwanag ko.
"Sabi n'ya kanina parang may pamilyar na babae s'yang nakita kaya n'ya nagawa 'yon..." sagot nito na nakapag-patango naman sa 'kin.
Sino naman kaya ang babaeng 'yun?
"Magbibihis lang ako..." paalam ni Arnold sabay tayo at lakad papunta sa kanyang kwarto.
Inilipat ko ang channel ng T.V. kung saan, nasa balita rin ang nangyari kanina pero tulad nang ibang channel, wala rin silang masabi tungkol doon sa babaeng hinabol kanina ni Black.
Sino nga kaya ang babaeng 'yon? Bakit kaya niya ito hinabol?
Teka, hindi kaya ako 'yung babaeng hinabol n'ya? Kung hindi kase ako nagkakamali, ito 'yung oras na umalis ako sa pila. Nalaman ko dahil sa background music na tumutugtog sa video. Iyon yung tugtog kanina sa mall, sa event center noong umalis ako para pumunta sa banyo.
Ako nga kaya?
LOLS! Imposible, bakit naman niya ako hahabulin?
Praning na ata talaga ako pagdating kay Black.
*Ring...Ring...Ring...*
Napatingin ako sa cellphone na nakapatong sa coffee-table noong mag-ring ito. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at noong makita ko kung sino, halos umabot hanggang tenga ang aking ngiti!
Incoming call:
Black...Si Black! Si Black ang natawag! O___O
Napatingin ako sa pintuan ng silid ni Arnold habang hawak pa rin sa 'king kamay ang kanyang cellphone.
Mukhang nagbibihis pa rin ito.
Ibinalik ko ang tingin ko sa cellphone kung saan, patuloy ang pagtawag ni Black. Tutal naman kanina eh pinakelman niya ang cellphone ko, ngayon naman cellphone n'ya ang papakelman ko. Ganti na lang sa ginawa niya kanina.
"Hello? Bakit ang tagal mo namang sinagot ng tawag ko?" sambit ng tinig ni Black noong tanggapin ko ang tawag niya sa cellphone ni Arnold. Napatakip ako ng aking bibig dahil muntik na akong mapasigaw sa tuwa noong marinig ko ang tinig nito.
BINABASA MO ANG
Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)
Novela JuvenilTunay nga bang magagawang alalahanin ng puso ang hindi magawang maalala ng isipan? Pero pano kung sa pagbabalik nang iyong mga alaala ay marami nang nagbago? Pano kung sa pagbabalik nito ay kumplikado na ang lahat? Pipiliin mo pa ba ang panahong naw...