CHAPTER 12: Mia White
Warren Han's P.O.V.
Nang umalis si Larren ay naiwan akong mag-isa dito sa bar. Naiwan akong mag-isa kasama ang mga alaala ni Zarren sa 'kin. Wala akong ibang nagawa kung 'di ang isipin ang mga araw naming nagdaan. Wala akong ibang nagawa kung 'di ang balikan at alalahanin ang sa 'kit nang araw na mawala siya sa 'kin.
Napakasakit.
Kung may nagawa lamang sana ako noon, siguro ay narito s'ya sa 'king tabi habang masaya kaming nagkukwentuhan. Kung may nagawa lang sana ako, marahil ay masaya pa rin kaming magkasama. Kung may nagawa lang sana ako, masaya pa rin siguro ako hanggang ngayon.
Kung may nagawa lang sana ako, hindi sana ako umiiyak ng ganito.
Napahinga ako nang malalim at pinunasan ang mga luha sa 'king pisngi. Pagkatapos ay napatingin ako sa counter nitong bar kung saan, minsan kaming naupo noon ni Zarren para mag-inom. Nalasing s'ya nang sobra ng araw na iyon. Sa sobra niyang kalasingan ay kinailangan ko pa siyang pasanin sa 'king likuran para iuwi sa kanyang condo. Ang araw ring iyon ang araw na muli kong naramdaman ang hilig ko sa pagkanta.
Muli kong narinig ang pagtawag sa 'kin ng mic at guitara.
Muli kong naramdaman ang sarap habang kumakanta sa harap ng mga taong humahanga at pumapalakpak sayo.
Natatandaan ko pa na sa mismong bar na ito ko kinanta sa kanya ang kantang naglalaman noon ng aking nararamdaman para sa kanya. Kumanta ako noon dito para sa kanya kasama ng dati kong banda at magpahanggang ngayon, kumakanta pa rin ako para sa kanya.
Nabubuhay pa rin ako hanggang ngayon para sa kanya.
Sa pag-asang muli kaming magkikita.
Papainom na sana akong muli nang bigla namang may humawak sa kaliwa kong balikat. Nilingon ko ang taong gumawa nito at mula sa 'king likuran, nakita ko doon si Xander. Kasama ang kanyang fiancee na si Majesty Hudson.
"Sabi na nga ba at ikaw 'yan kuya Warren..." usal nito.
"Hi kuya Warren..." sambit naman ni Majesty.
Ngumiti ako sa kanilang dalawa. "Anong ginagawa n'yo dito?" tanong ko sabay tingin saming paligid sa pag-aakalang kasama nila ang iba pang miyembro ng Private Sub Band na sina Zack, Ivan, Lee at Alex. "Kayong dalawa lang?"
Tumango sa 'kin si Xander. "Oo, kaming dalawa lang ni Majesty. Ayos lang ba kung maki-table kami sayo? Mukhang namang umalis na 'yung kasama mo dito kanina eh..." sambit nito na bahagya ko namang ikinagulat.
Naupo sila sa upuang nasa aking harapan kung saan nakaupo kanina si Larren. "Kung ganon ay kanina pa kayo dito?" tanong ko.
"Opo kuya. Nakita ka namin kanina noong pumasok kami dito pero, may kasama ka dito sa table kaya naupo muna kami sa iba. Mukha kasing seryoso 'yung pinag-uusapan n'yo kaya hindi na kami umepal pa." sambit ni Majesty na agad namang siniko ng fiancee nitong si Xander.
Asar na nilingon ito ni Majesty. "Ang sakit ha! Bakit ka ba naniniko d'yan?" tanong nito. Napahinga naman ng malalim si Xander at walang ibang nagawa kung 'di ang mapahawak sa kanyang batok.
Napatawa ako sa inaasal nila ngayon sa 'king harapan.
"Ilang taon na rin kayong magboyfriend pero, ganan pa rin kayo sa isa't-isa..." wika ko na nginitian naman nitong si Majesty.
"Syempre. Wala naman kasing dapat magbago. Edad lang ang nagbabago saming dalawa." malambing namang tugon ni Majesty sabay lingon kay Xander at palupot ng kanyang braso sa braso nito.
BINABASA MO ANG
Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)
Teen FictionTunay nga bang magagawang alalahanin ng puso ang hindi magawang maalala ng isipan? Pero pano kung sa pagbabalik nang iyong mga alaala ay marami nang nagbago? Pano kung sa pagbabalik nito ay kumplikado na ang lahat? Pipiliin mo pa ba ang panahong naw...