CHAPTER 5: I'm sorry
Mia White's P.O.V.
"Thank you..." sambit ko sa waiter noong matapos ito sa paglalapag ng order namin ni Harry. Yumuko lang ito pagkatapos ay umalis na. Napatingin ako kay Harry na noo'y seryoso palang nakatingin sa 'kin. Tinitingnan ako nito na para bang may kung ano s'yang nababasa o nakikita sa 'kin.
"Harry?" tawag ko sa kanyang pangalan ngunit tila hindi ata ako nito narinig. Muli ko s'yang tinawag sa kanyang pangalan pero, mukhang napaka-lalim ata ng kanyang iniisip at hindi ako nito magawang marinig. Kaya naman tinawag ko s'yang muli sa kanyang pangalan sa ikatlong pagkakataon.
"Uy! Harry!" sambit ko sabay snap ng aking kamay sa tapat ng kanyang mukha. Halata namang nagulat ito sa 'king ginawa at napakisap-kisap s'ya ng kanyang mga mata.
"Ahhh~ Pa----Pasensya na." wika nito sabay iwas ng tingin sa 'kin at buntong-hininga.
Napakunot naman ako ng noo at nagtatakang napatingin sa kanya. "May problema ka ba?" tanong ko dito sa nag-aalalang tono ng aking boses.
Kanina kase, tumawag s'ya sa 'kin at sinabing gusto niyang magkita kami. Meron lang daw s'yang mahalagang sasabihin. Sa boses niya kanina sa cellphone, mahahalata mo ang matinding pag-aalala at pag-aalinlangan. Inisip ko tuloy na baka may problema s'ya sa ospital at kailangan n'ya ng makakausap kaya nais nitong makipagkita sa 'kin.
Pero, alam ko namang walang kinalaman ang ospital sa pagkikita naming ito.
Hindi naman kase s'ya nakikipagkita sa 'kin sa labas kung tungkol lang din naman sa trabaho n'ya at sa ospital ang aming pag-uusapan dahil magkasama naman kami sa iisang bahay. Isa-pa, hindi talaga s'ya pala-kuwento pagdating sa kanyang trabaho at mga problema.
May pagka-malihim s'yang tao.
"Wala namang problema..." tugon nito habang nakangiti nang pilit. "Kumain na tayo." dagdag pa nito sabay tingin sa mga pagkain na nakahain sa aming harapan.
Napabuntong-hininga na lamang ako at napatango sa kanya pagkatapos ay nag-umpisa na kaming kumain. Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. May iba kase akong nararamdaman.
Parang may iba sa kanya ngayon?
Sa tuwing nagkikita naman kami sa labas at kumakain, madalas ay nagkukwentuhan kami pero ngayon, parang napakatahimik naman ata n'ya. Dati naman s'ya pa ang nagbubukas ng topic sa pagitan naming dalawa.
Bakit kaya s'ya ganito ngayon?
Dahil hindi ko na matiis at matagalan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa na sadya namang ang bigat sa pakiramdam eh nag-isip na ako ng maaari naming mapag-usapan. "Nga pala, nagkita na ba kayo ni Arnold?" tanong ko dito.
Natigilan s'ya sa pagnguya nang steak at napatingin sa 'kin. Nag-iwas ito nang tingin noong magkasalubong ang aming mga mata.
Oops! Wrong move.
Napahinga ako nang malalim at pinunas ang gilid ng aking labi gamit ang table-napkin na nasa aking hita. "Sorry..." usal ko sabay inom ng konting red wine.
Sa sobrang iba nang presensya n'ya ngayon, halos makalimutan ko ng hindi nga pala sila magkasundo ng kapatid niyang si Arnold. Kung bakit hindi sila magkasundo ay hindi ko rin alam. Hindi rin naman kase nila personal na sinabi sa 'kin na hindi sila magkasundong dalawa pero, kahit hindi naman nila kase sabihin sa 'kin eh ramdam ko naman.
Ramdam kong may alitan sa pagitan nilang dalawa.
Hindi na lang ako nagtatanong dahil pakiramdam ko eh wala ako sa lugar para pakialamanan ang pribado nilang buhay. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan na sabit lang ako sa buhay nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)
Teen FictionTunay nga bang magagawang alalahanin ng puso ang hindi magawang maalala ng isipan? Pero pano kung sa pagbabalik nang iyong mga alaala ay marami nang nagbago? Pano kung sa pagbabalik nito ay kumplikado na ang lahat? Pipiliin mo pa ba ang panahong naw...