Chapter 18

267 8 4
                                    

CHAPTER 18: Mystery Guy

Mia White's P.O.V.

"Hindi mo pa ba 'yan bubuksan?"

Napabaling ang aking atensyon kay Black noong bigla itong magsalita sa kalagitnaan ng aking pag-iisip. Ngumiti ito sa 'kin at tumingin sa kahon na aking hawak.

"Buksan mo na." sambit pa nito.

Ibinaba ko ang kahon sa lamesa at marahan itong binuksan. Laman nito ang isang kulay itim na hoodie na may naka-embroid na "Black is Black" sa likuran. Muli akong napatingin sa kahon upang kunin naman ang magazine at ang album niyang may kapwa-signature n'ya.

"Magtatag-ulan na, paniguradong magagamit mo ang hoodie na 'yan. Dalawang tao lamang ang maaring magkaroon na'n dahil dalawa lamang ang ipinagawa ko." wika nito na ikinagulat ko naman.

Napatingin ako sa kanya. "Dalawa lang?"

tumango-tango ito sa 'kin at ngumiti.

Ngumiti rin ako sa kanya. "Salamat kung ganon."

"Hay! Ano ba naman 'yan?! Inaantok ka na naman?!"

Sabay kaming napatingin ni Black noong biglang humiyaw itong si Arnold. Napatingin ito sa amin at noong makitang nakatingin kami sa kanya ay tila nailang ito at napatawa.

"Pasensya na..." paghingi ng tawag nito sabay tago ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa.

Ano bang nangyayari sa kanya?

Kulang ba s'ya sa tulog?

"Para kang sira..." bulong ko dito sabay irap at tingin kay Black.

"Kailangan ko nang umalis. Sana ay naging masaya ka sa pagkikita nating ito." wika niya habang maluwang na nakangiti sa 'kin.

Ang ganda niyang ngumiti, ano kayang hitsura n'ya kapag walang maskara?

"Syempre naman, masaya ako dahil na-meet at nakakwentuhan kita nang ganito katagal. Feeling ko tuloy napaka-espesyal kong fan para pagbigyan mo ako ng ganito." sambit ko na nginitian naman niya.

"Wala 'yon." wika nito.

Nag-aalinlangan akong tumingin sa kanya. "Ahh~ bago ka sana umalis, pwede bang humingi ng isang request?"

Arnold Bosson's P.O.V.

"Ano bang iniisip mo?" tanong ko kay Mia noong muli itong magbuntong-hininga.

Mula kanina noong umalis kami sa coffee-shop ay wala na itong humpay sa pagbubuntong-hininga. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na niya itong ginawa at mukhang balak niya itong ipagpatuloy haggang sa makauwi kami.

"Hindi ko kase inaasahan na si Black 'yung tatagpuin natin kanina." paliwanag nito noong lingunin ako.

"Eh bakit parang hindi ka masaya? Surprise ko pa naman 'yun sayo tapos ganan ka?" reklamo ko habang hindi inaalis ang aking paningin sa kalsada.

Muli siyang nagbuntong hininga. "Masaya naman ako 'no. Kaya lang kanina noong nakatalikod pa siya sa atin, ibang tao ang inaasahan kong makita." sambit nito sabay hawi sa kanyang buhok at cross-arm. "May ibang tao akong inaasahan." dagdag pa nito sabay tingin muli sa labas ng bintana.

Ako naman ang napabuntong-hininga. "Sino naman 'yung inaasahan mong makikita mo?" usisa ko dito.

"Yun nga ang iniisip ko. Hindi ko kase alam kung sino ang taong inaasahan kong makita kanina." wika nito sabay tingin muli sa 'kin. "Ang gulo ko 'no?"

Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon