CHAPTER 17: Black and gray
Mia White's P.O.V.
Napahawak ako sa 'king dibdib kung saan, nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ngayon ng aking puso. Napahinga ako ng malalim at muling tiningnan ang lalakeng nakatalikod.
Kilala ko s'ya, nararamdaman ko 'yon at mukhang ito rin ang sinasabi ng aking puso.
"Nandito na kami..." wika ni Arnold.
Pinagmasdan ko ang dahan-dahang paglingon ng lalake sa amin at sa ginawa niyang iyon, halos tumalon ang aking puso palabas sa 'king katawan. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa liwanag ng araw mula sa labas ng bintana pero ganon pa man, malinaw kong nakikita ang buo niyang katawan. Ang kanyang tindig, napaka-pamilyar ng dating nito sa akin.
Sino nga ba s'ya?
"Mabuti naman at nakarating na kayo..." sambit ng tinig ng lalake.
Napasalubong ako ng aking kilay.
Bakit ganon? Maging ang boses n'ya parang kilala ko rin?
"May problema ba Mia?"
Napatingin ako kay Arnold noong magsalita ito. Tila nagulat naman s'ya noong makita ang ekspresyon ng aking mukha ngayon. Mukhang maging s'ya ay nababasa ang kaguluhan sa 'king isipan.
"Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito sabay hawak sa 'king kaliwang braso.
Umiling ako sa kanya at pilit na ngumiti. "W----Wala... Ayos lang ako." pagsisinungaling ko dito sabay balik ng tingin sa lalake na ngayo'y nakaharap na sa amin ni Arnold.
Marahan itong naglakad papunta sa aming dereksyon at noong iilang hakbang na lamang ang layo nito mula sa amin, napagtanto ko kung sino ang taong aming ipinunta dito ni Arnold.
Si Black pala.
Pero bakit ganito? Parang dismayado ako na s'ya ang aking nakita? Hindi ba dapat natutuwa ako ngayon dahil kaharap ko s'ya? Dapat natutuwa ako ngayon dahil may pagkakataon na akong magpa-autograph at magpa-picture sa kanya. Pero bakit imbes na tuwa ay pagkadismaya ang nararamdaman ko? Bakit parang hindi siya ang lalakeng inaasahan kong nakatalikod sa amin kanina?
Para bang may ibang tao akong inaasan na nagmamay-ari ng likod na iyon?
Napabuntong-hininga ako at napababa ng tingin.
Ano ba 'yung naramdaman ko? Sobra itong nakakalito.
"Kung ganon ikaw pala si Mia..."
Napataas ako muli ng tingin noong marinig ko ang boses ni Black.
"A---Ako nga..." ang halos pabulong kong nasabi dito.
Maging ang boses n'ya, hindi ko inaakalang s'ya rin ang nagmamay-ari nito.
Ibang tao rin ang inaasanhan ko.
"Mukhang hindi ka ata masaya na makita ako." sambit nito na naging dahilan para mapatingin ako sa kanya ng deretso habang hindi malaman kung ano ang aking sasabihn.
"Ahhh~ Hindi naman sa ganon. Na---Nakakastar-struck ka kase kaya, ha----halos wala akong masabi." paliwanag ko na alam ko sa sarili kong hindi naman totoo. Pero salamat na rin dahil kahit papano, may lumabas sa 'king bibig.
"Ganon ba?" wika niya habang dahan-dahang itinataas ang kanan niyang kamay papalapit sa 'king pisngi. Laking gulat ko noong maramdaman ko ang ginawa niyang paghaplos dito. "Yun din ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak ngayon?" tanong pa niya na ikinagulat ko naman ng lubos.
BINABASA MO ANG
Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)
Teen FictionTunay nga bang magagawang alalahanin ng puso ang hindi magawang maalala ng isipan? Pero pano kung sa pagbabalik nang iyong mga alaala ay marami nang nagbago? Pano kung sa pagbabalik nito ay kumplikado na ang lahat? Pipiliin mo pa ba ang panahong naw...