CHAPTER 9: Arnold Bosson
Arnold Bosson's P.O.V.
Napahinto ako sa pag-inom ng beer at napatingin kay Mia noong marinig ko ang sagot niya sa 'king tanong. Tumingin din ito sa 'kin ngunit agad ding iniiwas ang kanyang mga mata noong makasalubong ko ito.
Napahinga ako nang malalim at muling lumagok ng beer. "Bakit hindi mo sinabi?" tanong ko sabay subo ng chips.
Nagnguso s'ya habang nilalaro sa kanyang kamay ang bote ng tea. "Na----Natakot kase akong sabihin sa kanya. Natakot akong baka bawiin n'ya 'yung pagpayag n'ya kung sasabihin ko pa..." sambit nito sabay buntong-hininga na para bang may malaki s'yang pagkakamaling nagawa. "Mukhang dapat ata ay sinabi ko pa rin..." dagdag pa niya na halatang nakokonsensya s'ya sa ginawa niyang paglilihim kay Harry.
Hindi kaagad ako nakaimik dahil bigla akong napaisip. Kung tutuusin, may basihan kung bakit niya ito nagawa. Bukod sa 'kin eh s'ya na ata ang taong mas nakakakilala sa 'king kapatid higit-kanino man. Parehas naming alam kung papaano mag-isip ang aking kapatid. Parehas naming alam na mahirap itong kumbinsihin at mapapayag sa isang bagay na una na niyang hinindian.
Kung tutuusin eh milagro na nga na sa wakas ay pumayag na ito sa nais ni Mia
Bukod do'n, sa tagal n'yang pinilit-kumbinsihin si Harry tungkol sa kanyang pag-uwi, natural lang na matakot s'ya na bawiin ito ng aking kapatid pag nagkataon.
Napahinga ako nang malalim. "Tama lang 'yung ginawa mo." sabi ko sabay ubos noong beer. Kumuha pa ako ng isa at agad itong binuksan. "Tama lang na hindi mo sinabi..." pagpapatuloy ko sabay inom.
Narinig ko naman ang malalim na paghinga ni Mia. "Tingin mo?" tanong niya sabay tingin sa 'kin. Tiningnan ko rin s'ya nang deretso sa mata at nakikita kong lubos s'yang nag-aalala. Alam ko namang hindi niya gustong maglihim kay Harry pero, ginawa pa rin n'ya dahil sa pansarili niyang rason.
Tumango ako. "At kung ako sa 'yo, hindi ko na rin babanggitin pa kay Harry ang nangyari kanina." sabi ko. Ang tinutukoy ko ay ang nangyaring kaguluhan kanina sa kalsada. "Tingin ko ay mas nakakabahalang pangyayari 'yung naganap kanina sa pagitan mo at ng lalakeng iyon. Sigurado akong lalo s'yang mag-aalala kung sasabihin mo pa." paliwag ko.
Sarkastiko s'yang napatawa. "Wala naman talaga akong balak sabihin iyon sa kanya..." wika n'ya bago s'ya muling magbukas ng panibagong kahon ng TOPPO.
"Oi..." sabi ko sabay tulak sa kanyang ulo gamit ang aking index finger. Galit ako nitong nilingon. "Balak mo bang ubusin lahat 'yan sa isang upuan lang?" mangha kong tanong sa kanya dahil hindi ko lubos napansin na nakaka-tatlong kahon na pala s'ya at pang-apat na iyong binuksan n'ya.
Siba talaga ng isang 'to.
"Grabe s'ya! Hindi mo ba alam kung gaano kaunti ang laman ng isang kahon nito?" singhal nito sa 'kin habang ipinakikita 'yung kahon ng TOPPO. "Buti na lang talaga at marami-rami 'tong binili mo..." ngingiti-ngiti pa nitong sabi.
Napa-ismid ako at napailing. "Kapag nalaman ni kuya na ganan ka kung lumamon ng matatamis na pagkain, paniguradong magagalit 'yon sa 'yo..." sabi ko sabay kain muli ng chips.
"Eh kaya nga hindi natin s'ya isinasama kapag kumakain tayo ng ganito 'di ba?" natatawa nitong sabi. "Isa-pa, wala namang panahon 'yun sa ganitong bagay. Nakakalungkot nga eh, napaka-busy n'yang tao. Madalas nakakalimutan na niyang magsaya. Puro na lang s'ya ospital at trabaho..." pagpapatuloy nito sabay tuloy din sa pagkain na parang anytime eh may aagaw noon sa kanya.
"Doctor s'ya eh at nagpapatakbo pa ng ilang kompanya kaya natural lang talaga na maging ganon s'ya kaabala. Buti nga at nakakauwi pa 'yun ng bahay at nakakatulog..." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)
Teen FictionTunay nga bang magagawang alalahanin ng puso ang hindi magawang maalala ng isipan? Pero pano kung sa pagbabalik nang iyong mga alaala ay marami nang nagbago? Pano kung sa pagbabalik nito ay kumplikado na ang lahat? Pipiliin mo pa ba ang panahong naw...