Chapter 13

217 9 0
                                    

CHAPTER 13: Questions and answers

Warren Han's P.O.V.

"Mi----Mia White?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Tumango-tango ito sa 'kin habang magkasalubong pa rin ang kanyang mga kilay. Napatingin ito sa kanyang fiancee na si Xander na tila hindi rin makapaniwala sa mga sinasabi ni Majesty.

Kinuha ko ang larawan namin ni Zarren at pinagmasadan ito.

"Babe, sigurado ka ba sa sinasabi mo?" tanong ni Xander. Muling tumango sa kanya si Majesty na agad namang napatingin sa 'king dereksyon.

"Sigurado ako. 100%, s'ya ang nakita ko sa ospital sa London. Pero nakakasigurado rin akong hindi Zarren ang kanyang pangalan." wika nito na nakapagpataas naman sa 'king kilay dahil sa ilang mga katanungang dumating sa 'king isipan.

Muli akong nag-lean forward kay Majesty at Xander para mapakinggang mabuti ang kanilang mga sasabihin. "Ang sabi mo kanina, nakilala mo s'ya na parang buhay na walang-buhay?" naguguluhan kong sambit dito. "Anong ibig mong sabihin do'n?" usisa ko pa.

Napakisap-kisap naman si Majesty. "Kasi nung makilala ko s'ya, tulala lang s'ya at hindi umiimik. Para bang wala s'yang nakikita o naririnig? Nakaupo lang s'ya palagi at nakatingin sa malayo. Ilang beses ko rin s'ya noong nakita na palakad-lakad sa garden ng ospital pero napansin kong tila wala ito sa kanyang sarili. Minsan ko rin siyang tinabihan noon sa bench, kinakausap ko s'ya at tinatanong pero nanatili lang s'yang tahimik. Hindi ko nga sigurado kung napapansin ba niya ako." salaysay nito sabay tinging mabuti sa 'kin.

"Hindi lang minsan o ilang beses ko s'yang nakita para magkamali ako. Palagi ko s'yang nakikita sa ospital noon kaya naman nakakasigurado akong s'ya ang babaeng nasa larawan." paninigurado pa nito sa 'kin.

Napasandal ako sa 'king inuupuan at napahawak sa 'king batok.

Anong nangyayari? Totoo ba ang lahat ng sinasabi ngayon ni Majesty? Kung hindi, ano namang dahilan para lokohin niya ako nang ganito? Anong dahilan niya para gumawa ng isang malaking kwento?

Kung ganon, maari nga bang buhay pa si Zarren? Pero panong nangyari 'yon?

Kinapa ko sa 'king leeg ang kwintas kung saan ginawa kong pendant ang singsing na ibinigay ko noon kay Zarren. Pinagmasdan ko ang singsing na alam kong si Zarren lamang ang maaring magkaroon dahil pina-personalize ko ito. Ako mismo ang nagdisenyo ng singsing na ito kaya imposibleng magkaroon ito ng katulad. Kaya papanong napapunta ito sa bangkay na iyon kung buhay pa nga si Zarren?

Papano ito napapunta sa sunog na bangkay na iyon?

Napailing-iling ako dahil sa dami ng tanong na rumaragasa sa 'king isipan. "Hi----Hindi pwede..." usal ko na narinig naman nina Xander at Majesty.

"Kuya Warren..." sambit ni Xander na puno ng pag-aalala.

"Kuya, nagsasabi ako nang totoo. Maniwala ka sana..." wika naman ni Majesty. "Sayang ang forever mo kapag 'di ka naniwala sa 'kin ngayon..." dagdag pa nito.

Napaangat ako nang tingin sa kanya at napabuntong-hininga. "Naniniwala ako sayo." sabi ko na hindi ko rin maintindihan kung bakit ko nasabi dahil kasalukuyang nahahati ngayon ang aking isipan.

May parte nito na nagsasabing...

"Maniwala ka sa kanya, buhay pa si Zarren. Buhay pa ang babaeng minamahal mo!"

Ngunit may parte rin ng isipan kong sinasabing...

"Tama na! Walang kasiguraduhan ang kanyang sinasabi! Hindi ka pa ba napapagod sa pag-asa? Nasa leeg mo na mismo ang patunay na wala na s'ya. Kaya ano pang iniisip mo d'yan? Wala na si Zarren!"

Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon