Chapter 11

242 13 0
                                    

CHAPTER 11: Best I ever had

Third Person's P.O.V.

"Bakit ba, biglaan mo akong hinanap?" tanong ng binatang si Warren sa binatang kainuman nito sa lamesa. Pinaiikot-ikot ni Warren ang rhum na laman ng kanyang baso. Napatingin ito sa binata na nakaupo sa kanyang harapan. "Nakakapanibago tuloy sa pakiramdam." sambit nito bago inumin ng isang deretso ang alak. Dinampot niya ang bote ng rhum at marahan na sinalinan muli ang walang laman niyang baso.

Napahinga naman ng malalim ang binatang si Larren na siyang kasama ni Warren sa pag-iinom. "Wala naman. Naisip ko lang na matagal-tagal na rin mula noong huli tayong magkita." tugon dito ng binata sabay inom rin ng kanyang alak. "Yung huling araw naman na magkasama tayong nag-iinom, halos hindi ko na matandaan..." dagdag pa nito na ikinangiti naman ng bahagya ni Warren.

"Tama ka, hindi ko na nga rin mataandaan. Isa-pa, ikaw 'yung taong hindi mahilig mag-inom noon. Sa tuwing niyayaya kitang mag-inom, laging mong idinadahilan ang paglalaro mo ng basketball." wika naman dito ni Warren habang tila sinasariwa ang kanilang nakaraan kung saan, minsan silang naging matalik na magkaibigan.

Napatawa naman itong si Larren at muling sinalinan ang kanyang baso. Nilagyan pa niya ito ng ilang piraso ng yelo pagkatapos ay sandaling pinaikot-ikot. "Ikaw noon ang badboy." sambit ni Larren sabay tingin sa binatang si Warren. "Kaya laking taka ko kung bakit ang hirap mong mapa-oo sa pagyaya ko sa iyo kanina..."

Muling ininom ni Warren ang laman ng kanyang baso pagkatapos ay sandaling napatitig dito bago muling nagsalita. "May mga bagay lang akong pinagkakaabalahan ngayon. Bukod do'n, umiinom lang naman ako kapag gusto kong makalimot."

Napatingin si Larren kay Warren dahil sa mga huling sinabi nito. May ilang mga bagay na naglalaro ngayon sa kanyang isipan tulad ng...

Ano naman kayang pinagkakaabalahan niya ngayon? Hindi ba niya gustong makalimot kaya hindi na s'ya madalas nag-iinom? Baka naman sadyang wala s'yang kalilimutan dahil alam n'yang buhay pa si Karren? Pero, bakit naman kinailangan pa nilang gumawa ng kwento na patay na itong si Karren? May pinagtataguan ba sila?

Hindi. Sa tingin ko naman ay wala silang pinagtataguan.

Pero anong rason para gumawa pa sila ng kwento? Tsaka, bakit nandito s'ya sa Pilipinas at wala do'n sa London kung saan ko nakita si Karren? Naghiwalay ba sila?

Hindi. Imposibleng maghiwalay sila.

Pero san galing 'yung kwento na namatay itong si Karren dahil sa isang aksidente? Sa London iyon naganap. Sa pagkakaalam ko nagpunta sila doon ng magkasama para magsimula ng panibagong buhay. Pagkatapos, makalipas ang ilang bwan, nakatanggap ako ng balita mula mismo kay Warren na wala na nga itong si Karren. Hindi ako nakapunta noon sa mismong libing pero makalipas naman ang isang bwan ay lumipad ako papuntang London. Magkasama naming pinuntahan ni Warren ang puntod ni Karren at saksi ako sa matinding pagdadalamhati nito.

Ang araw na iyon ang naging huli naming pagkikita. Kaya ano ba talagang nangyayari? Alam nga kaya niyang buhay pa si Karren na nakilala niya sa pagkatao ni Zarren?

"Hindi mo gustong makalimot?" panunubok ng binatang si Larren kay Warren. Umaasang makakakuha s'ya ng sagot sa susunod na sasabihin nito.

"Oo, hindi ko gustong makalimot. Gusto kong manatili lang s'ya sa 'king isipan. Hindi ko s'ya gustong kalimutan isa-pa, walang katotohanan na nakakalimot ka sa oras na malasing ka sa alak." malalim na sambit ni Warren na sadya namang naghatid ng matinding pagtataka kay Larren.

Naguguluhan ito dahil sa nakikita niya ngayon sa binatang si Warren, masasabi nitong hanggang ngayon ay nagdaramdam pa rin ito sa pagkamatay ng dalagang si Karren/Zarren. Ramdam niyang magpahanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin ito ng binata kaya naman mas lalo lamang siyang naguluhan.

Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon