Entry #33

14 1 0
                                    

February 25, 2016

Di ko matanggap na ang pangit ko kahapon.

Boset yaaaan! Gusto ko ng lumubog na lang sa lupa ngayon dahil sa mga naaalala kong moments kahapon!

Actually, kahapon yung much-awaited event na first time kong inorganize. As in super bangag ako kahapon na ngayon ko lang narealize na ang bobo ko at ang pangit ko kahapon super.

Before that, dahil hindi naman talaga ako danay magsuot ng high-heeled na sapatos, bumili ako ng 2 inches lang. Then super haba ng dress ko na kailangan ko pang sulsihan (Tagalog alert! Sa mga hindi nakakaalam ng sulsihan, ito po tahiin gamit ang karayom at sinulid. Pero konti lang sa tela ang tinatahi kapag nagsusulsi ka). Buti na lang at gising na yung mananahi na malapit samin ng umaga kaya yun naparepair ko siya (Kaso pinutol! Ayoko pa na namang putulin yung dress na yun~) at hindi na ko masyadong namroblema nung event proper.

Kaso. Ang problema ay ang 2-inch kong sapatos. Super sumakit ang paa ko dahil halos nakatayo ako buong event at nadapa pa ko sa hagdan. Oo nadapa ako. Nakita ako ng someone from the crowd (good thing PUPian) at ang kasama ko na nagcocontrol ng two-way radio. As in dahil manhid ako kahapon kever lang, pero ngayon, ugh! Nakakahiya kay kuya Virgel (yung controller) at kung sinumang nakakita sakin!

Hindi din ako nakapagmake-up. Pulbo at concealer lang. At mas lalong di ako nakapagsuklay dahil lantang gulay na ako bago pa man ang event. 38 hrs ba naman akong walang tulog kahapon at walang agahan na sumabak sa buhatan at paggawa ng kung anuanong last minute na kailangan sa event pagdating na pagdating pa lang ng cinema. At grabe, nakipag-kamay ako sa mga speakers namin at umakyat ako sa stage ng ganun ako kaputla! Grabe talaga di ko kinakaya!

Kaya Ms. Happee Sy, kung nababasa niyo man po ito (na malamang hindi), gusto ko po sa next event ko maganda na ko. Kaya po inang, bigyan niyo po ng next event. Sana po tanggapn niyo po ako sa company niyo pag nag-apply ako. Salamat po!

Anyway, LSS ako sa kantang to ni K.Will at Davinchi. Alam kong pinahirapan at sinungitan ni K.Will ang mga pre-members ng Monsta X, kaya alam kong medyo mainit ang dugo ng mga fans sa kanya. Pero sana patawarin niyo siya sa kantang to.

Pasensya na at wala akong maibibigay na #imagine ngayon. Grabe naman kase, gusto ko munang makamove-on sa lahaaaaaaat ng kahihiyang nangyari sakin kagabi. Pero dahil tapos na ang pasakit ko at ojt ko na lang ang problema, mas madami na ang maaupdate ko! Yey!

Bye guys. See you around!

-Abby ❤

PS. May mga nababasa ako from the other authors (nagbabasa pa din ako sa wattpad kahit medyo busy lol) na may sira sa ulo ang Watty. Kung may mga ganitong pangyayari sa kahit anong story na sinusulat ko, paki-inform na lang ako or download the new version of wattpad app right away. Kung wala ng space ang phone (tulad ng akin), sa browser nyo na lang basahin. Salamat!

PPS: Gusto kong ishare yung photo ko kahit ang pangit kong umakyat sa stage. That was with my co-project heads and speakers... ang cute nula diba? ^^

 ang cute nula diba? ^^

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon