Entry #13

28 1 2
                                    

January 31, 2014

Naabutan ko yung 11:11. Isa sa mga wishes ko, sana makita ko ang BAP (pati BTOB at Block B) bukas.

Alam niyo yung yang wish na lang yung pag-asa ko? Nakakaiyak. Nalulungkot akooooo~

3 groups na gusto ko yung dadating bukas. Triple B. Heol ang hilig ko sa B. XD

Kidding aside dahil naiiyak pala dapat ang peg ko dito (Heol Abby. Bipolar nanaman.), ALAM NIYO BANG HINDI AKO MAKAKAPUNTA NG DKFC2? HUHUHUHU LEMME DIE~~~

Aasa ako sa stalking powers ko (Baka may powers? >_<) at sa wish na yan. Kung makikita ko sila bukas.

Eh may seminar kami. REQUIRED UMATTEND. I mean, osya, hindi na required. Pero edge ng Marketing students ang seminars. Kaya para sakin required yan. >________<

Hanggang 4pm nandun kami at nakikinig. Hanggang 4pm nandun ako at humahagulgol. .____________.

Sana lang talaga makapagstalk ako sa hotel na tutulugan nila. O kaya makasakay ko sila sa jeep! Huhuhu si Jaz kasi makapagdaydream wagas. >___<

*daydreaming*

Pauwi na kaming lahat dahil tapos na ang seminar. Alam niyo yung nakakapagod? Nakakapagod umupo. Ang sakit sa pwet. T^T

Nakakapagod umiyak. Kasi magkakatabi kaming magkakaklase na adik sa BAP (Ako yung pinakaleast na adik aaminin ko. XD) Tapos nag-iiyakan kami kasi ngayon yung arrival ng BAP sa Pilipinas tapos ni hindi man lang kami nakapuntang airport. Yun na lang ang pag-asa namin kasi hindi naman kami makakapuntang concert. DX

So ayun. Pauwi na kaming lahat. Ang lagi kong kasama sa pag-uwi, si Jobelle. Ang lagi naming sinasakyan, jeep papuntang Pasig. Ang lagi naming trip, sumakay sa jeep na halos walang tao (Promise totoo lahat yan. Tanong niyo pa kay Jobs. Haha. Sana mahanap niyo siya. XD).

Pero dahil trip daw nilang gumala. Edi sige gala! Puntang Gamol! Duh~

Way namin ang paggala para mag-unwind. Tanggalin lahat ng lycheeng malungkot na feels sa katawan. Pasakitin ang paa sa paglalakad. Kumain ng bulgogi at kalimutan ang lahaaaat~

Medyo konting tao lang yung nakasakay sa jeep. Wala pang sampu. Plus kaming lima. Which makes more or less fifteen.

“Magkano nga ulit papuntang Crossing?” Tanong sakin ni Kristle.

“Eleven.”

*Kinuha na namin ang kanya-kanya naming wallet* “Langya. Fifty pera ko.”

“Hala Gilliane. Magsarili ka. One hundred pera ko.” Lagi kasing yan yung natitira sa coin purse ko. -w-

“Hala. Mas magsarili ka. XDD” Natatawa niyang sabi. Heol. Sabi ko nga. XDD

So ayun. Hinayaan ko na lang silang magkwenta-kwenta ng pangbayad nila. Nagsarili na lang ako ng bayad. Pero yung inaabot ko na yung bayad sa driver, walang pumapansin sakin. I mean meron, kaso masyadong malayo. Yung mga tatlo sa gitna, ni hindi ako pinansin.

Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon