Entry #29

10 1 0
                                    

November 16, 2015

Akala ko mamamatay na ko sa daan. Buti nalang at buhay pa ko para isulat ang mga nasa isip ko.

Hahahaha. Natatawa ako sa sarili ko. Muntik na kong maligaw sa Munti.

Grabe naman kase yung nangyari sakin.

Alam niyo bang ligawin (laging naliligaw, hindi nililigawan XD) ako? And first time ko talagang pumunta ng Muntinlupa para sa interview ko sa Pepsi na hindi ko naman alam kung pasok pa ko o hindi (pero feeling ko hindi, cause I lack sophistication you know). Ayon.

Kasi naman tong mga classmates ko, pinilit lang ako niyang mga yan e. Sabi ko nga kase may class pa ako kase natakot talaga ako baka mamatay ako sa Munti, pero super supportive lang sila pa naghanap ng way para sakin (na hindi ko naman nakita)

Well anyway, ayun. Okay naman yung interview. Tho alam ko namang hindi ako matatanggap don. Hindi naman mahirap yung interview. English lang so medyo nagstutter ako. Lol. Di naman kasi ako kagaling sa English.

Anyway. Guys, little tips para makapasok kayo sa interview if you still don't know.

1. First and foremost, mag-aral kayo ng Adobe Photoshop or Corel, kahit basic photo editing lang, yung mga crop, erase, stamp mga ganern. Na-observe ko lang na mas likely na tawagan kayo kung may ganyan sa résumé nyo.

2. May mga companies, lalo yung malalaking companies na iba yung process. Karaniwan, they'll send you an email first, and then phone interview bago pa lang yung face-to-face interview. So guys kailangang laging active ang email accs and numbers niyo. Makakatulong din kung iba yung email na ginagamit nyo for social media at iba din yung nilalagay niyo sa résumé.

3. Wag kayong magsisinungaling, written man o oral. Yung mga nilalagay nyo sa resume, very possible na itanong yan isa-isa ng interviewer nyo. So be sure na totoo yun.

4. Kapag sinabi ng interviewer niyo na 'I'll update you via call' or something like that, WAG NA KAYONG UMASA. Masakit umasa. Kaya wag nyo ng gawin. Most likely hindi kayo ihahire.

5. And last but not the least. Try as many options as you can. But be sure na pasahan nyo ng resume yung mga trabahong mag-eenjoy kayo. Okay lang maging mapili, basta wag sobra. And kahit may nakuha na kayong job, pero yung di pa kayo nagstart, maghanap pa kayo ng iba. Malay nyo, mas malaki pala yung offer ng kabila, diba?

Pero ang sabi ng prof ko (since business course nga kami), hindi kami dinala ni Lord sa BSBA na course para magpaalipin. We have to have a business.

Para naman sakin, employment is just a step to business. Mag-iipon muna ako. After ko grumaduate ng Master's, tsaka ako magbbusiness. Lol.

Ayan. Nakasulat yan dito, kaya tototohanin ko yan. Sasabhin ko nalang pangalan ng magiging Café ko tsaka kung saan. Bili kayo ha. XD

Gebye. Sobrang napapagod na ko, kaya wala munang #imagine. Mahirap ang buhay ko ngayon. XD

Eto na lang. Song request. Requested by myself XD Dahil alone ako kanina. Hahaha.

Bye guys!

Abby.

Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon