Entry #16

14 1 0
                                    

May 26, 2014

First day of my new CG’s practice. Huhubels. Nakakapagod pala icover ang KARA. Kala niyo ba madali lang yan icover. Mas madali pa nga ata Miss A (Hula lang, since dalawang kanta lang kinover namin dyan dati). Nakakaloka sumakit talaga yung binti ko. Tapos tapos. Yung nangyari pa samin pag-uwi T________T

Eh kasi ganito yun. Naabutan kami ng ulan sa pinagpapraktisan namin. Since wala namin kaming perang pang-studio (oo ganyan talaga sa mismong audition clip nalang yung studio fees XDD) nag-practice kami sa may munisipyo ng Mandaluyong. Hoho. May bubong naman siya, kaya hindi kami talagang nabasa. Edi yun nagpractice practice habang nagpapatila ng ulan.

Pagkatapos ng ulan tsaka na kami umuwi. Si Jilyan sumama dun sa leader namin (Kasi malapit lang bahay nila Reggie leadoh-nim (Naka-nim pa kay Reggie. Ipush ko to! XDD) sa munisipyo) Tapos kami ni Mits umuwi na kami. Pero hindi ko talaga ineexpect na ganun pala talaga yung Mandaluyong. Ganung ulan lang, as in sandali lang, baha agad! Huhubels. Eh parehas pa naman kaming nakasapatos tapos wala kaming baong na tsinelas. Akala ko talaga dun na kami matutulog kanina XDDD Tapos as in lahat ata ng driver ng sasakyan nasabihan ko ng “Kuya pasakay kami.” As in. Nasabihan pa ako ni Mits ng baliw -__-“

Tapos nung mawawalan na kami ng pag-asa, sinabi bigla ni Mits, “Abby tawagan mo na nga si TOP!” Tapos sabay tawa XDD

Sumagot naman ako “Nakaflight mode ako. Hahaha.” Tawagan ko daw siya kasi may chopper kami sa text fic na ginagawa namin nung summer as in early early summer before pa ng summer classes yung habang nasa probinsya ako nagmumukmok kay Shin XDD

Pero buti na lang dumating yung truck ni Kuya. Hahahaha. Basta 4-wheeler truck lang siya tapos walang karga sa likod, kaya ayun nakasay kami. XDDD Naging pambansang sakayan ng mga nabaha pa yun. Ohjusko salamat talaga kay kuya nakasakay kami XDD

And then yun. Nung nababa na kaming lahat ni kuya naglakad kami. Hanggang tuhod agad yung baha sa main road -___- Grabe lang. Kaya expected, yung mga jeep papuntang Kalentong, wala puno lahat. Eto namang si Mits, sinabi lang na pwede akong magpa-Boni nung wala na kaming masakyan na jeep na pa-Boni -____- Kaya ayun no choice kundi maglakad hanggang Boni...

Na hindi din natuloy kase baha! Hindi kami makalusong. Nakasapatos kami. Masakit binti ko kase kakasayaw nga lang diba? Huhu papatayin ko na sarili ko pag lumusong kame >__<

Tsaka buti na lang ayaw din ni Mits lumusong. XDDD Isa’t kalahating maarte din yun eh. HAHAHAHAHAHA (Sana hindi niya to mabasa XDD CATH! Kung sakaling mababasa mo to, walang sumbungan ok? XDD)

Kaya ayun, balik kami dun sa hintayan ng jeep na pa-Boni. At gumana nanaman yun trip namin. “Tatawagan ko si TOP eh wala namang lapagan ng helicopter dito.” Tapos tumingin ako sa mga building na malapit. Si Mits, nakitingin din, tapos nung narealize niyang hindi naman yun mangyayari kahit kelan, tumawa na lang siya.

“Bwiset naghanap talagang helipad.” Sabi niya tapos tumawa kaming dalawa XDD

Naghintay pa kami ng mga ilan pang minutes tapos ayun may jeep na din sa wakas. Sa sobrang pagod talaga namin hanggang 7-eleven sa may Boni kumain na lang kami. Tapos hinatid niya ko sa sakayan ko. Tapos ayun nagbabye na kami sa isa’t-isa nung nakasakay na ko TT__TT

Actually dahil medyo madilim na at hindi ako masyadong sure sa bababaan ko, dun ako bumaba sa pinakasure na dumadaan yung jeep na pa-Pasig Palengke, which is JRU. Pagdating naman sa JRU, WALA PA RING JEEP LAHAT PUNO TT^TT

As in feeling ko hindi na ako makakauwi ng buhay kanina.

Kaya eto yung disadvantage ng walang boyfriend na may kotse eh. .____.

Sana maging boypren ko yung may mga kotse. Si Suga may license na. Pwede na siyang magdrive >___< Si Namu ewan ko kung may kotse na yun, pero for sure naman may license na din yun. SI TOP? May kotse nga hindi naman marunong magdrive! Putspa >____<

Pero buti na lang (Hooooh lagi na lang may ‘buti na lang’! XDD) may nakita akong jeep na pa-Antipolo. Pwede akong sumakay dun eh. Pwede TT^TT Kaya grinab ko na yung chance. Tumawid ulit ako sa kabilang dako at tsaka ako sumakay dun sa jeep. Huhuhu.

At ngayon, nakauwi ako, at one piece. Salamat sa tulong biases! Napakalaki nyong tulong mga walangya kayo!!!

Hahahahaha. Pero. Ayun. Another experience. Nakakatuwa na nakakapagod ang naging araw ko. Ikaw ba naman tumayo sa truck, mag-antay ng jeep na may posibilidad na hindi na dumating at sumayaw non-stop, ikaw talaga ay mapapagod. Kaya babye na.

I love my biases so much. Hindi ko alam ang gagawin ko pag wala sila. Baka nabaliw na ko. XDDD

Hwaiting na lang sa Supreme Beat! Para sa M.Pire niyo! Sige ipupush natin to!!!

Namubabes. Malapit na kita ipamigay sa iba (Gumagawa akong fanfic niya baket. Hindi ko sayo ipapamigay Jobel wag kang echusera). Labyu.

BTS. Wait lang kayo. Labyutoo.

TOP. Labyumore.

Shin. Labyumost. XDDDD

Wala na ko sa katinuan. Sige na. Babye~~~

- Abby L.

Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon