Entry #32

10 1 0
                                    

January 14, 2016

"Okay, here's the tip if you want your college to be memorable.

Put your everything in your graduating year. Make it last."

Ayan yung sabi ng isa naming prof, na sinang-ayunan ko naman.

Tama naman siya e. Kahit alam mong matatalo ka, salihan mo lahat ng contests. Pilitin mong maging leader sa lahat ng group works, lalo na sa major subjects mo. Kung internship na lang yung problema mo sa last year mo, gawin mong memorable ito sa pamamagitan ng paghahanap ng trabaho na gusto mo talaga.

Well. Masaya naman ako sa final year ko. I swear sumang-ayon ako sa prof ko kase ayun yung nangyayari sakin. Umalis ako sa isa kong internship at naghanap ng bago. At least kahit na interns pa rin yung turing samin, hindi kami pinag-istapler ng brochures ng sales agents nila lol.

Ako din yung project head ng isang group sa Events Management ngayong sem, and last sem naman Brand Management and Feasibility Studies (dalawa kaming leader kaso naghiwalay na kami this time kase.... uhm too personal lol).

So ayun, alam kong memorable yung last year ko sa college to the point na dalawang beses akong nagkasakit. Grabe kase hectic yung sched ko (Sa sobrang hectic tignan niyo! 6% na lang yung batt ng phone ko! >___<). Ngayon lang almost bumigay yung katawan ko ng dalawang beses.

Actually, may sakit talaga ako ngayon (hindi lang halata). Feeling ko nga kanina habang naglalakad babagsak ako, pero wala namang magagawa e kundi pumasok pa rin sa school kase may exams pa ko.

Pero baka di sure na grumaduate ako kase double combo na ko sa prof na yun. Hahaha hotspot si ati baka personalin ako.

Tapos may nagtxt pa sakin na merge na daw ang section sa events (OMG lang)! Alam kong walang may pake pero irarant ko na din. Kase naman alam niyo yung dahil talaga sa stress na binibigay ng events kaya ako nagkasakit ngayon pero magmemerge na? Masasayang yung efforts ng mga leaders (na tulad ko) at members alike (especially leaders tho) sa pagpaplano, pagimplement ng plano at pagpaplano ng solution sa problema ng naunang plano. Alam niyo yun? Almost 65% na yung nagagawa ng grupo namin pero the hell! May pag-asang madissolve yung topic namin at lahat ng pinaghirapan namin ay pff! Bigla na lang mawawala in one single blow.

Minsan talaga hindi dapat ibigay ang 100 and one percent (pasingit. Ang hooooot ni Kwon Sangwoo pukana! Baket?! Bakeeeet?! Baket may scene siya sa shower?! Waaaaaaah bigla akong nawindang OMGGGG) dahil sa huli may mga result pa rin na magiging flop. Pero may magagawa ba tayo? Wala naman tayong vision for future para malaman natin kung magiging flop ang resulta ng isang bagay. Kaya human nature na ang pagbibigay ng 101% sa lahat. Because we want everything to last. (Odiba seryoso ako dito pero yung nasa parenthesis ko yung hotness ni Kwon Sangwoo ang topic? Ang galing mo Abby, ang sarap mong ibaon sa puso ni Choi Seunghyun lolol)

Anyways. Wala namang may pake kung gagraduate ako ngayong sem o hindi. Kaya gagawa na lang ako ng hashtagimagine. XD

[][]

Sinundo ako ni Seunghyun sa school dahil tinawagan ko siya kanina. Ang sabi ko kasi may sakit ako. Kaya ngayon nakasakay ako sa SUV niyang kulay gray pero sa sobrang gray para nang black.

"Jagiya, bakit kasi pumasok ka pa?" Nakapikit ako at hinilot ang sentido habang sinasabi niya yon. Kanina ko pa kasi pinapaliwanag na nag-exam nga ako! Pauli-ulit kase siyang magtanong e!

"Nag-exam nga ako, diba?"

"Dapat kasi nanghingi ka na lang special exams." Ang kulit! Sabi ng para nga to sa subject na hindi na pwedeng hingan ng special exams e! "Tapos ngayon..."

Iminulat ko ang mga mata ko, and this time I glared at him.

"Bakit, naistorbo ba kita? Kaya ka ba nagrereklamo ngayon kasi sinundo mo ko?"

"Jagiya -"

"Pwede naman akong bumaba, dapat kasi kanina mo pa sinabing ayaw mo diba?"

"Jagiya -"

"Baket?!" Bigla niyang inihinto ang kotse at tumingin sakin. Niregret ko rin naman yung pagsigaw ko pero...

Hindi naman pwedeng ngayon ako umatras.

"Hindi naman sa ganon. Nag-aalala lang ako kasi may sakit ka tapos ang layo pa ng bahay niyo mula sa school. Gusto mo bang lalong lumala yang sakit mo?" Shet. Sabi na nga ba mapapaatras din ako nito.

"Wala naman kasi akong magagawa..." Huminga siya ng malalim pagkatapos niyang marinig ang mahina kong boses. Hindi ko alam kung dahil ba hindi na ako galit o dahil wala na kong magagawa sa subject ko na pinag-examan ko.

"Abby..." Tuluyan siyang lumingon sa akin. He looked at me, maybe weighing his thoughts. Then suddenly he cupped my face. "Sobra yung binigay mong efforts. Kaya okay man ang results o hindi, at least nasabi mong ginawa mo ang lahat ng kaya mong gawin."

"Pero kasi-" Magsasalita pa sana ako pero hindi na niya ako pinayagan.

"Wag mo na yun intindihin okay?" Siya nga tong tanong ng tanong kanina pa -_____-

Pero dahil good girlfriend ako at ayaw kong sirain ang moment naming dalawa (like duh gusto ko ng halikan niya ako! Comeon beybeh!), tumango na lang ako. Nginitian niya ako, yung ngiting sobrang sweet at parang sinasabing 'everything's gonna be alright', at tsaka niya inistart ulit ang kotse at nagdrive.

Nakatulog na ako sa byahe pagkatapos noon. Yun naman ang epekto ng ngiti at tinging yun sakin ni Seunghyun, nagiging magaan ang pakiramdam ko. Feeling ko, magiging okay na nga yun bukas.

Paggising ko, madilim pa rin.

Pero wala na ako sa kotse.

Kinakabahan akong napatayo at tumingin sa paligid. Pero nung nadama kong may humahawak sa kamay ko, kumalma agad ang puso ko at dahan-dahang tumingin sa kamay namin. Napangiti ako.

Hindi kami magkatabi sa kama ni Seunghyun. Nakaupo siya sa tabi ng kama... well, kama niya, at nakapatong ang ulo niya sa mattress. Parang alanganin yung pwesto niya, with him sleeping in a sitting position, his two hands holding mine and his head facing the door. Tinignan ko siyang maigi. Parang okay naman yung paghinga niya. Normal. Tsaka parang ang himbing himbing naman ng tulog niya.

I smiled more. Nakatulog siya.

Wala akong pakialam kung hindi kami literal na magkatabi sa kama at tanging kamay lang namin ang magkadikit basta ganito ang scene na nakikita ko. Mas okay sana na cuddling ang bed status namin ngayon but I'm happy that he didn't take advantage of his sleeping girlfriend. I'm so proud of him.

Gusto ko sana siyang gisingin pero baka hindi na ulit siya makatulog. I know his complicated sleeping pattern kaya hindi ko muna siya ginising. Pinanood ko na lang ang mala-anghel niyang mukha habang natutulog.

I'm at peace, really.

[][]

Speaking of peace, RIP Alan Rickman, the actor who portrayed Professor Severus Snape. Grabe parang last time lang sila nagshoot ng HP7 part 2 tapos ngayon...

Iba na talaga ang panahon.

Sobra ko siyang mamimiss grabe. Hindi mabubuo ang HP ng wala si Snape. Heuehu Snivelous Snapeeeee~

Bye na guys. Medyo lumungkot talaga ako nung nabalitaan kong wala na si Snape. Kaya babayow na. Muah.

Abby.

Ps. Seunghyun in pajamas.

Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon