Entry #15

14 1 0
                                    

Entry #15

May 1, 2014

Ang saya ng buhay college ko!

Sarcasm yan.

Eh pano naman kasi. Ako nanaman leader? Ako lagi? Sabi ko nga dati ayoko na tapos... tapos... T_____________T

Ang hirap kaya. Hindi ko kaya. Nahihirapan akong gawin yung mga ginagawa ng leader ng ibang group. Nahihirapan akong magmanage. Hindi pala, kinakabahan lang. Ang galing kasi nung mga kasabayan kong leaders for sure. T^T

Ayoko naman maging pinakatanga at pinakawalang kwentang leader of all time. Duh, I have to create good relationships with my classmates, eh pano 2 years ko pa silang makakasama. I have to build trust. Eh pano ko yun magagawa kung ganito ako? T^T

Ang totoo nyan, yung pinoproblema ko ngayon, yung finals namin. Ang saya no final exams namin as a group? Well hindi naman kasi laging written exams pag college. This time yung prof namin gusto kaming pagtayuin ng business and yung capital namin P2500 lang. Then at the end of summer classes kailangang maging profit namin, P10000++. Diba? Sinong hindi matataranta nyan? (Sa lahat ng makakabasa nito. Tulungan nyo naman ako oh. Bili kayo sakin hahaha. Chocolates binibenta ko. Please bili na kayo! Dito nakasalalay ang grades ko kaya sana matulungan nyo ko. Sa mga gustong tumulong, mention nyo ko sa twitter @SUGArCoatedAbby/ask @Tellmetabby. Thanks kahit alam kong halos wala akong mapapala sa panawagang ito!)

Mas ok sana kung mayaman ako no? Yung tipong may-ari na ko ng sikat na cafe sa Korea, tapos upo upo na lang. O kaya konti ginagawa. Yung gagawa ng tatlong kape tapos upo ulit! Hahaha.

[Error 404: Can’t speak Korean. Dating gawi readers. XD]

“Two Americanos please.” Napaharap ako sa counter nung may narinig akong nagsalita.

And upon seeing the speaker, napangiti na agad ako.

“Waaaah oppa!” Si Rapmon oppa tsaka si Suga oppa nandito. *O* “Bakit kayo nandito? Paano niyo...” Paano kaya? I mean ok lang na nandito sila, sanay na talaga yung mga crew at customers namin na may idol na gumagala dito. Madalas talaga kaming bisitahin ng mga artista dito eh. Tho ngayon lang talaga napunta dito yung mga to kasi malayo to sa dorm nila, tsaka sa BigHit.

“Naghahanap kami ng tahimik na lugar para magcompose. Then napadpad kami dito. Eto kasing si Hyung.” Inexplain ni Rapmon oppa habang nakalean siya sa counter at nakatingin sakin.

“Dito ka lang pala namin makikita.” Sabi ni Suga oppa habang nilalaro yung mga daliri nya sa bar. “Bogoshipda.” Nakagat na lang ako labi habang nakangiti. Ang cute talaga ni Suga oppa pag nagsasabi ng ganun. *O*

“Nado. Tho alam nyo naman kung bakit. Tapos na yung tutoring services ko sa inyo.” I said habang ginagawa yung order nila. Hindi pa din sila naupo.

“Alam namin, kaya nga nag-ooffer ulit kami sayo eh.” Si Rapmon oppa, na nakalean pa din sa bar. Hindi na napagod.

“Ano? Tutor ulit?”

“Ani. Manager.” Manager? Napatingin ako sa kanilang dalawa habang nakakunot yung noo ko. Mukha naman silang seryoso at hindi nangtotroll. Pero. Pano mangyayari yun?

“Nino?”

“Namin.” Suga oppa winked. Pero hindi ako natuwa. Parang nantitrip lang. Alam ko na ugali nito eh.

“Tigilan nyo ko. May manager na kayo.” Sabi ko at tsaka bumalik na ko sa trabaho ko. “Here.” Binigay ko na yung orders nila. “Shoo shoo! Umupo na kayo dun!”

“Abby-ah. Think about it.” Seryosong sabi ni Rapmon oppa tsaka na sila umupo sa bakanteng table.

O diba. May-ari na ng classy na cafe magiging manager pa. San pako? Ang yaman ko na nun for sure!

Yan talaga pangarap ko eh, magkaron ng sariling business or maging manager ng idol esp Bangtan or both. Hahaha. Ang simple lang eh. Madali lang yan maabot. :>

Pero right now, naiinspire talaga akong magsulat. Kaya ayun. :D Pero inaantok na ko kaya matutulog muna ako. Hahaha.

Bukas na lang. Iuupdate ko na mga story ko. Tsaka mag bebenta na ko. Gayahin ko mga members ko. Bawal tamad leader pa man din. XDD

Osya. Annyeonghi! Jaljaaaa~

Ay wait lang. Comment kayo kung wala kayong naintindihan sa mga Korean words. Pero for sure naman alam niyo na yan kaya hindi ko na nilagay. Pero yung mga hindi alam, comment lang kayo. Kahit sino namang nakakaalam yan rereplyan kayo(Baka kasi hindi ko makita yung comments).

Eto na talaga. Chumsa~

Abby L.

Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon