Entry #5

20 1 2
                                    

September 13, 2013

Nakailang sabi ba ako ng word na "malas" ngayong araw? Hindi ko na nabilang -____-

Friday the 13th nga naman oh. Ngayon pa nagparamdam ang kamalasan. DX

- Post ko sa FB.

Actually, wala naman talaga akong dinaydream. Este madami pala... Pero ayokong ipost dito kasi baka umabot ng 100 pages tong entry na to. lol

Gusto ko lang magrant... Sa mga kamalasang nangyari ngayong araw.

Kasi nga diba!!! Friday the 13th ngayon! Sabi nila, kung hindi ka swerte ngayong araw, eh mamalasin ka. Eh kamalas-malasan nga naman, kamalasan ang tumapat ngayon sa araw na ito. Inish -____-

Ok. I'll start, with no particular order.

Kaninang mga 10am, nagpaload ako sa aking broadband kasi akala ko makakapagKdrama marathon ako ng Shut Up Flower Boy Band. Yup ngayon ko pa lang siya pinapanuod kasi nga gusto ko CD. Eh wala naman akong mabiling CD. (Pasingit. Medyo nakakasuya yung kanta ni Taeyang ah. Nakakainis yung falsetto niya sa You're My. May bobobobobo pang nalalaman DX Mailipat na nga.) So ayun, imbes na makapag KDrama marathon ako, nagamit ko lang yung broadband ko para idownload yung certification of grades ko para sa new curriculum namin. Pagkatapos kong gawin yun kailangan ko ng umalis agad kasi kakabasa ko lang ng txt ng classmate ko pagka-unli na pagka-unli ko sa broadband na kailangang nasa school na agad kami dahil may orientation para sa curriculum na yun. Tinatamad pa nga akong maligo eh kasi nga gusto kong manuod maghapon tapos mapipilitan pa ako. Medyo nakakainis -____-

Hindi ako nakapaglunch. Umalis ako ng bahay na nagtatampo sa papa ko. Kasi 100 lang yung binigay niya, babyahe pa ko mula Pasig hanggang Manila. Kamusta naman yun diba? Malamang sa malamang wala talaga akong matinong lunch na makakain. Pamasahe pa lang, ubos na yung 100 ko. Ako pa naman yung klase ng tao na pag malayuan yung pupuntahan tapos hindi 200+ yung laman ng bulsa, natatakot na agad na baka hindi na makauwi. Kaya ayun, todo-tipid si ateng. Hindi na ko kumain ng kanin. DX

Dahil wala akong kinain, malapit na akong magbuga ng hindi kanais-nais sa loob ng bus. Madali kasi akong mahilo sa bus, tapos wala pa akong kinain. Yung hilo ko dahil wala akong kinain at yung hilo ko dahil sa bus ay nagsama, double combo kung baga. Kaya ayun! Buti napigilan ko.

Pagdating ko sa school, tapos na ang orientation for SMP (yung new curriculum). Dahell. Wala akong naabutan kundi yung officer na nagconfirm kung gusto ko talaga yun. Hala ako. Nahilo-hilo na nga ako sa bus tapos wala na pala akong aabutan. Bat kasi laging traffic sa may La Salle? Inish much, sana nagstay na lang ako sa loob ng bahay at nanood ng SUFBB. >____<

Naiinis ako. Kasi kanina, puro GM yung classmates ko na nakapunta sa book fair. Tapos ngayon nakita ko pa mga pictures ng mga lukaret na yun! Akala ko naman bukas sila pupunta, para makasama ako, pero dahell naman! Ngayon pa! Ngayon!!! Yung mga idol kong writer nandun eh! Tapos tapos... Ugh!!! Hindi ko sila lahat makikita!!! Iyak-tawa-bigti na ko. 

Tapos... Yung quiz ko sa ICT!!! Ang bababa ng scores ko! Nagregret ako nung huli na... Kasi sa Sept. 21 pa pala ang deadline ng quiz!!! Iiyak na talaga ako! Hahaha ang sarap mangain ng tao ah. 10pm na hindi pa pala ako nagdidinner. Oo tama, ang sarap mangain ng tao. @__@

Pero ang pinakamasakit sa lahat ng masakit.... Dissolved na ang block section namin. Alam niyo yung nakasama niyo sila ng 1 and a half years tapos... Bigla na lang silang mawawala?

Mga kaibigan mo nga na nakilala mo lang three months ago, pag umalis ngayon eh magkakainsomia ka na kakaisip sa kanila. Yung pang nakasama mo ng one and a half years? Nakakaiyak.

Lycheeng new curriculum naman kasi yan. At lychee sila dahil tamad sila. Hindi sila nag-enroll sa SMP.

Hindi na kami magkikita sa buong college life. Night shift na kami next sem. Tapos sila day shift pa din.

Mamimiss ko sila ng sobra sobra... Ang mga kaibigan ko.... TT^TT

Naiintindihan niyo naman siguro ako diba? Lahat naman tayo may mga kaibigan diba??

Sana nga naiintindihan niyo ako. Kasi kung hindi, ibig sabihin hindi niyo chinecherish ang value ng friendship. Mga taksil na kaibigan! Dejoke. :D

Pero naiiyak pa din ako. Uwaaaaaah TT^TT Hindi ko na sila makikita. Sana lang gumawa ng paraan ang mga kaklase ko ngayon na magiging kaklase ko pa din sa future... Na sana magkaroon kami ng farewell party? Haha gusto ko pang malungkot lalo eh. XD Hindi... sana gumawa sila ng paraan na magkaroon kami ng reunion. Hmmm.

Ayun lang ang mga rants ko. Alam kong hindi naman siya major problem talaga kung ibabase sa problema ng isang taong malaki ang problema. Pero problema pa din siya kaya kailangan pa ring problemahin. Gets? :>

Marami talagang salamat sa nagbasa. Naibuhos ko din... Ngayon naman, kakain na ako. :D

Oneulttara oneulttara ne meori wiro neoneun naradanigo... TOP ang ganda ng boses mo.

Neorultarra neorrultarraseo jayuropge hweolhweol naradanijyo... Hindi man ako narerelax

Meotjin nalgaereul dalgo... dahil hindi soft ang boses mo...

neol mannalsu itdamyeon... at dahil hindi ko pa nababasa ang eng. translation nito...

I CAN DO THAT THAT DO THAT THAT DO THAT DO THAT DO DO THAT THAT... pero naiinspire ako dahil sa line na to.

Yessir! I can do this!

Bye!

PS: Latest kamalasan as of 10:30

Una. Nag gateway problem ekla ang Wattpad sa Google Chrome kung kelan ipopost ko na tong entry na to. Kaya nirefresh ko ng nirefresh ng nirefresh. Pero no reply ang adik. Buti na lang nakahanap ako ng sagot sa Firefox.

Pangalawa. May baliw na nagtweet na may dinedate daw si TOP. Ok hindi ako naasar. Naasar pala ako, pero hindi yung usual na asar. Niiyak ako dahil sa asar. Minsan lang ako magkaganito. Laking tanga ko lang kung troll to kasi umiiyak talaga ako ngayon.

Ewan ko, yung attachment ko kay TOP, umuover na. Kasi... Nasasaktan talaga ako ngayon.

*daydreaming: kaharap si TOP at sinisigawan* *cries*Mianhaeyo? Mianhaeyo?? Hindi ko kailangan ng sorry mo TOP!!! Pinasabi mo pa kay Gummy yang mianhaeyo na yan ah! Letse ka! Dapat hindi yan totoo! Kapag totoo yan magiging sasaeng fan mo ako!!!  *end daydreaming*

Kasi naman nagplay pa yung I'm Sorry ni Gummy na featured si TOP. Yan tuloy. Pero totoo talaga yan. TT^TT

Osya. Babye na talaga.

Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon