Entry #25

12 1 0
                                    

July 31, 2015

Hindi ako nakapunta ng Made Tour :(

Wala akong ganang magrant. Alam naman nating lahat ang dahilan.

Kase wala akong pera.

Sayang, kase gustong-gusto ko talaga silang makita. Gusto kong magfanchant sa solo ni TOP (Doom Dada) at gusto kong iwagayway yung kamay ko kase wala naman akong lightstick, kaso wala eh, di ako pinalad.

Hindi naman ako bitter na hindi ako nakapunta. Kahit kelan hindi ako magagalit sa mga kaibigan ko kasi nakapunta sila tapos ako hindi (yung mga kasama ko last concert ng Bigbang, nandun ulit. Ako lang kulang. lol), siyempre hindi naman ako ganun. Hindi naman ganun kababaw yung friendship namin kahit hindi kami masyadong nagkikita ng mga babaeng yun.


Basta, malungkot lang ako.


Ay teka, yung nangyari sakin sa MOA, di ko din yun malilimutan.

Syempre may klase kami before concert. Edi hanggang 10 lang kami kasi nga may earthquake drill. Oo, #TeamEarthquakeDrill ako, pero tinakasan ko yun para makauwi ng maaga. Edi yun, kumain kami, kasama ko yung mga loko-loko kong kaibigan na tumakas din, tapos umuwi na ko pagkatapos.

Dahil nalimutan kong dalhin yung camera ko, kaya umuwi ulit ako. Manila-my home is 1 hour to 2 hours travel so ayun, nakauwi ako ng 1pm. Kumain ulit ako (ganito talaga yung routine ko pag maaga akong dumadating sa bahay lol) habang pinapanood sila Yaya Dub at Alden na maglandian sa TV at habang hinhintay na mafull charge yung cam.

Tapos after nun umalis na ko pagkatapos, mga 2:30 yun, nakarating ako sa MOA ng 4. Hinanap ko yung mga kaibigan ko. Binigyan ako ng tropa nila (na nalimutan ko na yung name) ng banner ni Daesung (Yun lang yung nauwi ko, sabi ko hihingi ako ng freebies sa Fansite nunas pero huli na ang lahat TwT), at nagkwentuhan pa ng konti. Mga 5pm, pumila na sila. Kahit masakit naglet go ako.

Naglet go ako! Napakasakit kuya Eddie.

Pero ayun, hinayaan ko na lang at nagpunta akong Booksale. Yes, adik na ko sa libro (Pero mas prefer ko pa rin talaga Ebook). Bumili ako ng dalawang books, Sister Grimm: The Tales from the Hood tsaka Rose. Yung Rose, nahirapan akong hanapin yun. Dapat The Singing ni Croggon yung bibilhin ko kaso hindi ako makuntento, kasi feeling ko di naman siya ganun kaworth it na bilhin, hanggang sa nakita ko yung Rose at yun yung binili ko.

Umuwi ako ng mga 6:30 or 7pm. Tapos habang nasa bus, nakita ko yung balita na nasa NAIA yung Bigbang. Tapos muntik na kong maiyak kasi di ko naman nakita si TOP. Kahit sa TV man lang di ko siya nakita. Nakakainis diba? Yung bias ko di ko nakita sa personal at lalong hindi sa TV! Si Seungri lang nakita ko. Pabibo kase siya.

Tapos ayun, nag-emote ako sa bus habang kinakain yung popcorn na bigay nila. Tapos ayun, nakauwi ako ng pagod na pagod.


Nakakainis, di ko nakita si TOP.

Di ko rin nakita si Daesung.

DAESUNGGGG~

Wae~

Bakit di ko nakita si Daesung?

Kasi si Seungri lang yung nakita ko sa TV.

Pabibo kasi si Seungri.

Si Daesung di ko nakita TwT

Tama na. Nababaliw na ko.


Dear TOP, makikita din kita.

Akala mo dyan, hindi ka makakapag-asawa hangga't di mo ko nakikita.

Walangya ka. Napakailap mo.

Mag-army ka na.

Hahaha. Loveyoumore.




Abby.

PS.

Dear friends, salamat sa paglagay ng mga fancams sa camera ko. Alam nyo bang napakaganda ng kuha nyo. Nakita ko lahat. Pati yung Mass Media narinig ko. Bonggaday. Salamat kase pinigilan nyo ang mga sarili nyo na magwala, kahit konti lang. Salamat din sa Kettle Korn na binigay nyo. May pagkain ako sa bus. Salamat talaga. Loveyou.

#NaBigbangKa

Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon