Entry #38

7 1 0
                                    

August 8, 2016

One of the frustrations as a fangirl: ang hirap mamili.

Ang hirap mamili ng pupuntahang concert/fanmeeting pag sabay-sabay silang nandito. Ang hirap mamili block pag hiwa-hiwalay ang seats ng mga fandoms. Ang hirap mamili kung hitouch or photo op. Ang hirap mamili kung pupunta o hindi.

Alam niyo bang 4 years na kong namimili? It started on 2012 when Bigbang came here and nahirapan talaga akong mamili kung pupunta ako o hindi dahil ayaw naman pondohan ng parents ko ang pambili ko ng tickets. I was 1st year college then, poorita, walang masyadong ipon. Ng dahil sa BB kaya ako natutong tumakas sa parents ko. Kaya everytime na magkakaroon ng kahit anong Kpop event, sinasabi ko gala lang, or overnight lang (I advice you guys, esp yung nga HS/Elem students dyan na wag gayahin ang nakaraan ko. Delikado para sa edad niyo. Tandaan, college na ko ng tumakas ako sa parents, so as much as possibe wag kayong mainspire dito lol) dahil alam kong ayaw nilang gumastos ako pag fangirling lang ang pagkakagastusan ko so ayun.

Anyway, in my 7 years of being a Kpop fan and 5 years of attending concerts, ngayon na siguro ang pinakamahirap.

First. I wasn't able to attend Dean's fansigning event here.

Pano naman kasi guys, super tight ako ngayon. Alam niyo yung gusto ko talagang mamili between Dean or Showchamp in Mnl, but I can't kahit na wala akong ipon ngayon. Sabi ko lang makakahanap pa ko ng pera at makakaipon pa kahit pumunta ako sa both events, anyway DP system din naman ang ticket selling ng AAP so marami pang oras. And hindi ko lang matanggap e hindi ako nakapunta dahil may pasok ako ng Saturday. At ang masaklap nung Sat. ko lang naalala ulit na nandito pala si Dean! Like OMG lang talaga shet na malagket nandito na pala siya (fyi, wala po kasi akong sense for date and time and direction. Ohyes I'm so useless) and I was on class listening to what I heard last sem and I am in Manila and Dean was in SM North and I was like wearing a 'PUPian dresscode' and had no other clothes to wear bec I only realized it after class and anyway his album sold out so I can't buy anymore and I was so bitter I'm ready to cry. Odiba engrish.

Kase naman heol! Si Dean yon e! Yes I don't really know him(kase di pa ko nakakapagstalk sa kanya) but the songs in his album are super good. As in kaya gusto kong bumili non at marinig at makita ko siya TwT

Pero kahit na may regrets ako medyo nakahinga ako ng maluwang kasi hindi ako napagastos. 2k pa lang kasi yung laman ng wallet ko (wala akong ATM!) at hindi pa siya aabot sa presyo ng UB tix ng Showchamp. Pero nasabi ko bang (SHEEEEEEEEEEEEET KA DEAAAAAAN BAT NGAYON KO PA MARIRNIG BOSES MO?! I'M SO DONE WITH YOU JERK JERK JERK!!!!!!!!) nafeel ko ang pagdating ng BAP dito?

Ohyes, right after ng BEAST fanmeeting napagusapan namin yung mga gusto naming group na pumunta dito (lumamon pa kasi kami after nun) and ayun nga nasabi ko sa friends ko na may hunch akong dadating ang BAP real soon.

And this is it. Not a solo con like I said but still. Lagi talagang tama yung hunch ko lol.

So ayun. Gusto ko talaga silang makita kasi baka last na to. Wala kasing gustong magdala ng BAP dito ng solo lang sila dahil wala naman daw masyadong napunta sa collab concerts (like hello? Hindi ata nila alam na madaming gusto na SOLO lang sila heol AAP) nila kaya nagdadalawang-isip ang mga organizers. So I have no choice.

Pero naguguluhan ako. Kasi yung mga kaibigan kong pupunta sa VIXXPH block nila gusto (yung mga blocks namin, in short is one MOA arena away. As in magkabilang dulo TwT). Ako lang magbi-BAPPH block. At ayokong mag-isa. Naranasan ko yan nung Infinite con at ayoko ng ulitin pa.

Kaya super talagang gulo ng utak ko. Ano bang dapat kong iconsider, yung friends o fandom? Pag friends, maoop ako kase hindi naman ako fan ng VIXX. Pero pag fandom... ma-oop din ako kase di ko sila friends TwT Dapat din bang iconsider ko kung magkano yung DP ng tix? Mas mura yung DP ng VIXXPH block e.

Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon