Entry #39

12 1 0
                                    

September 8, 2016

Ngayon ko lang maisusulat yung mga nangyari nung MBC Showchampion, but still fress pa rin sa utak ko. Medyo.

Hahaha. Alam niyo naman, medyo nangangalawang na yung utak ni ati. Sa super dami ng mga inaabsorb ko eveyday, lagi na kong naiinformation overload lol. Well anyway.

September 3 yung MBC Showchamp. And since Sabado yun, may klase ako. Grabe lang kase ang hassle supper. Alam niyo ba yung pinagtripan lang kayo ng prof tapos pumasok pa? Shet yon si sir. Ipinasok ko pa yung isang seatwork para lang malaman niya kung "present" kami. Asar diba? Magpapaseatwork para sa attendace lol.

Pero mas okay na yun, maaga naman kaming natapos. Mga 1:45 na ng nakasakay ako. Jeep to Boni yung tinake ko para mas mura. Kesa naman mag-eLRT ako to Cubao tapos bus. Ganun din naman yung traffic, e. So ayun.

Dumating ako sa MOA ng mga 3pm. Tapos may mga kasabay pa akong batang ARMYs na sobrang matilian, e nasa tawiran kami non. Sa mga batang yun, kung nababasa niyo to, wag niyo kong ismiran. May care naman ako sa inyo kahit konti. Ayokong makakita ng patay na tao no.

Dahil sa insidente na yun napatunayan ko talagang supeeeeer pasaway ng fandom na to. Oo ARMY ako, people. Pero konting control naman sa sarili. Hindi ko naman kayo pinagbabawalan na tumili e, pero seriously sa tawiran? Buti sana kung nasa loob ng arena na kayo.

Super dami din ng ARMYs na nasa likod ng MOA. Alam niyo yung kung saan pumapasok yung private vans? Nandun sila. Tapos sumisigaw sila ng "Ilabas ang Bangtan" as if naman na lalabas talaga sila. Lol nagsayang lang sila ng laway -_-

Sorry ha, kung puro pangkicriticize sa ARMYs ako dito sa part na to. Pero hindi ko lang kasi lubos maisip kung paano naging kagulo yung fandom. Alam niyo, dito ko talaga nacompare yung mga fandoms, and masasabi kong ARMYs yung pinakawalang disiplina.

Anyway, speaking of ARMY, salamat kaaaay ate na nagbigay sakin ng pic ng Bangtan! I mean sinagutan ko kasi yung thesis questionnaire nila tapos medyo di ko naman inaasahan na bigyan ako ng picture lol. Kasamahan ko dati sa theater e nalimutan ko na yung name sorrrryyy (tinatamad na din ako maghagilap sa FB kasi nga 4am na lol)

After nung mga kaguluhan sa likod ng arena, nakita ko na din sa wakas ang aking mga dear friends. Medyo gumagala-gala muna kami at nangulimbat ng mga free banners, photos at KENdies sa tambayan ng VIXXPH. Ayo! Thank you po sa sweets. Nagkaenergy ako dun. At mas thank you sa banners at sa poging poging pics ni Ravi at Hyuk! I love you VIXXPH~

Actually wala na kaming pinagtambayan na fandoms after. May banners na kasi sila ng BAP at binigyan na lang ako.

(BAP's banner on the right and Hyuk's banner on the left)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(BAP's banner on the right and Hyuk's banner on the left)

Isa pang masaya sa event na to: hindi nakapkap ang pagkain ko lol. Tho hindi masyadong naging useful dahil hindi naman kami kumain, okay pa din since nakaabot ng review yung KENdies ko lol. Ang tanging natapon lang, e syempre yung nakalabas naming bote ng Absolute na nilagyan namin sa taas ng Best at ng Perfect sa baba, para nga naman BAP (idea by me hahaha). Odiba ang taba ng utak.

Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon