Entry #21

11 1 0
                                    

March 1, 2015

 

I finished my very Bob Ong book and I was like T///////////T

Ngayon lang ako nakatapos ng libro niya (nakakabasa ako ng mga libro niya pero laging hindi tapos) tapos ganito pa! Ganito pa ang sinapit ako. It was mindblowing to the point that it opened my mind to the society outside my society. Alam niyo yun? Yung bigla niyo na lang marerealize na ganito pala talaga yung nangyayari sa paligid natin pero hindi lang natin alam ang buong istorya? Ang alam natin eh ganon ang society, but we don’t go through it, because we don’t understand, or we are afraid to.  And sometimes iba yung kinalakihan natin, at ang alam lang natin e kuntento na tayo kaya wala na tayong pakialam, or sometimes may pake naman tayo pero hindi natin alam ang gagawin.

Hindi naman ganon kaganda ang pamilya ko. Wala namang pamilyang perpekto. At hindi rin naman ganun kaganda at kayaman ang society na kinabibilangan ko. Me and my siblings are studying in a government-supported schools, isa lang ang breadwinner, inuupahan ang bahay.

Pero hindi din naman ganon kasama ang society na kinalakihan ko. Walang magnanakaw, nagbabatak, lahat may disenteng trabaho at nag-aaral. Lahat kumakain ng limang beses sa isang araw.

Pero siguro kung lumaki ako sa society na mas mahirap pa sa Class D, siguro ganon din ako.

Now I understand...

Alam nyo yun, ang tendency naman talaga ng lahat ng tao e tumakbo sa mga problema. Kapag natatakot, or kapag hindi na alam ang gagawin, tatakbuhan na lang ang mga bagay na nagpapagulo ng isip nila. Ok lang sana, dahil lahat naman tumatakbo sa problema paminsan-minsan. Ang problema lang eh may mga taong mali ang direksyon na tinatakbuhan. Kaya ang resulta, naliligaw. Kapag gusto ng bumalik para lutasin ang problema, hindi na alam kung paano pa babalik.

Sa kwentong yun, hindi lang naman society ang may problema. Yes, the society plays a big part of who you are. It dictates what you are because it is a part of your nurture, PERO... Pero, kung papayag kang diktahan ng society habang-buhay, then nasayo na ang problema.

So anong pinaglalaban ko?

Wala naman. HAHAHAHAHA. Nakakalungkot lang kasi yung nangyari. Natapos yung kwento na hindi na magkakasama yung magkakabarkada. Namatay yung isa. Nakulong yung isa. Umalis yung isa. Ang sad. :((((

Tapos, yung totoo? Nag-expect ako na malalaman ko yung kaugnayan ng title sa kwento. Tapos hindi pala. Hindi ko magets :((((

Tapos isa pa tong si T.K. Walangya ka Lee Minwoo! Ano lilipat ka? Ayaw mo na sa Cclown?! Wada---

Masyado ka ng matanda para bumuo ng ibang group. Wagnapleasenagmamakaawaako T________T

Tapos... OMGICANTTAKETHISANYMORE.

[][]

“Ano, ayaw mo na ba?”

“Abby. Gusto ko pero...”

“Pero ano?”

“Hindi ko na alam ang gagawin ko.”

“Ok, edi maghiwalay na lang tayo!”

“Ang OA mo.” Sumimangot siya at naningkit ang mga mata tapos binunggo niya yung braso ko ng braso niya. Ngumiti ako.

“Joke lang.”

“Nalulungkot ka ba talaga?” Tanong niya. Tumango ako. “Bakit nagjojoke ka pa?”

“Wala, trip ko lang. Alam mo yun?” Huminto ako at tumingin ulit sa kanya. Hindi siya tumango. Parang naghihintay ng kasunod. “Kung ayaw mo naman sa group, maiintindihan ko naman. Kaso lang Minwoo...”

“Ok, I get it. Alam ko naman yun, kaso ang gusto ko lang muna ngayon, lumayo.” He sighed.

“Narerealize mo naman sigurong wala na tong balikan.”

“Tinatakot mo ba ako?”

“Hindi. Hindi kita tinatakot. Alam kong alam mong wala na tong balikan at natatakot ka, pero ayaw mo lang isipin ngayon.”

“Abby-ya...” Napahawak siya sa batok niya. Isa lang ang sinasabi ng gesture na yun, ‘Tama na nanaman ang babaeng to.’ Tinignan ko lang siya habang ginagawa yun. Hindi siya umimik ng ilang segundo, pero pagkatapos ng ilang malalalim na hinga, nagsalita ulit siya. “Nakapagdecide na talaga ako.”

“Ok, basta lagi lang akong nandito para suportahan ka.” I held his hand. Then he smiled at me.

[][]

Swear T.K, malungkot talaga ako ngayon. Pero dahil ikaw yan at malakas ka sakin, suportahan ta ka. Pero please lang, pick the right direction ok? Walang GPS ang direksyon ng buhay. Wala akong matinong sense or direction, kaya baka maligaw ka at hindi kita matutulungan pag nagkataon. Baka hindi ka pa bumalik sakin este sa industry, sige ka. Isip muna babes, ok?

My T.K on the side. Sana mahalin nyo din siya. Haha.

Sige na. Matutulog na ako. Baka mawala na to bukas.

-Abby L.

Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon