Entry #36

11 1 0
                                    

June 12, 2016

Ang weird siguro, kasi magpapasukan na pero ipagyayabang ko pa rin yung mga napuntahan kong lugar ngayong summer.

Actually, ito yung pinakaaaaa-adventurous kong summer. I will go into details here, sure, kasi ayoko talagang may mamiss akong thought. Ang saya pala kasing basahin ulit yung sarili mong journal/diary kase (1) pag tumatanda na ang isang tao, nagiging malilimutin na at nagiging sandalan ang diaries para maalala o maimagine man lang ang kahapon at (2) dahil isa itong way para makita kung naggrow talaga ang isang tao. Pasintabi po sa mga pandak tulad ko lol, pero yung grow na sinasabi ko ay maturity. At hindi maturity ng height kundi maturity ng isip.

So ayun. In 4 years (not sure kung tama) na nagsusulat ako ng journal, 36 entries pa lang ang meron. Siguro dahil hindi naman talaga ako ganun kadaldal sa super personal na bagay, or dahil konti lang naman ang adventures na naranasan ko. But then ang advantage lang ng konting entry e hindi siya ganun kahabang basahin ulit. :)

Sige na! Since nagugutom na ko, uumpisahan ko na!

I've done so many things this past summer. Actually, I thought kapag nasa bahay lang ako, tulala to the max lang ang gagawin ko. Hindi pala.

Una sa lahat, bumawi ako ng tulog.

Oo, ngayon ko lang talaga minahal ang tulog ng bonggang-bongga (kahit na 3am+ na kong matutulog ngayon lol). Yung tipong matutulog ako ng 12am on the average, magigising ako ng 11am on the average, tapos matutulog ulit ako sa hapon ng 2 hours in the average. Odiba buhay reyna? Lol

Pero di ko naman nakakalimutan yung mga obligasyon ko sa bahay. Tumutulong ako kahit konti lang. Pero most of the time talaga nasa kwarto lang ako. XD

Since lagi ako sa kwarto, nakatapos na ako ng 5 chapters ng Chasing Ivan (formerly No Ordinary Mission. Heol sarreh, pangit talaga ako sa pagtatitle. Di ata ako pwde sa branding heol heol) at isang chapter dun sa AFF fanfic ko, Before My Eyes. Yup isa lang kasi nga inaayos ko yung unpublished parts niya (tapos ko na kase sya kaso nga yung unpublished parts na inaayos ko, hindi pa pwdeng ipublish hangga't di ko nagagawa yung two chapts na kulang. Ohyeah ganun talaga yung gawain ko sa AFF stories ko, laktaw queen. Minsan kase may nagpapop-out na lang sa utak ko kaya kailangan ko agad isulat). Pati yung ibang important docs sa mga fics ko, naupdate at nagawa ko na din.

Next, nakapagbasa ako ng apat na libro, namely The Sisters Grimm: Tales From The Hood, Seer of Shadows, The Little Prince and The Hobbit. Alam kong halos ganyan lang lahat kakapal yung mga libro ko, pero kung susumahin, ganyan sya kakapal.

Tho magkakaiba sila ng height at font sizes, I know medyo marami pa rin yan para sakin na mas gustong magbasa ng ebooks TwT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tho magkakaiba sila ng height at font sizes, I know medyo marami pa rin yan para sakin na mas gustong magbasa ng ebooks TwT

Natapos ko rin ang My Lovely Girl with 16eps (almost 1hr each ep), Descendants of the Sun with also 16eps (almost 1hr each ep), 21eps of Hyuoka (eng: Ice cream) (more or less 23 mins each ep) and 200eps of Fairytail (more or less 23 mins every ep). I'm especially proud with me watching the whole 200 eps of Fairytail since it is so dang hard for me to stay on a show that long. Syempre inuunti-unti ko lang para di ako mabore masyado lol. Tska naeenjoy ko naman :) Anyway di bagay sakin na magfeeling anime fanatic (tho parang kinakain na ako ng sistema. Waaaah promise babawi ako sa mundo ko bukas!) so let's move on.

Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon