Entry #17

12 1 0
                                    

September 13, 2014

 

 

Nakakadepress ang mga bagay na nangyari sakin ngayong araw na to. Heol. Gusto ko ng tumalon mula 6th flr kanina. DAHIL LANG SA ISANG MALING BILANG SA STATS LAHAT NA MALI KO. TWT

Ang crucial pa naman ng mga quizzes namin. Heol. Apat lang siya so it means 25% each, and quizzes is 20% of 2/3 of the grades in a term. Hindi niyo maintindihan? AKO DIN EH. Pero meaning nyan medyo malaki talaga yung maaambag ng quizzes sa grades ko.

Anyways. Edi yun. Sobrang depressed na nga ako kasi halatang bagsak ako sa first quiz sa stats.  Nag-emote emote muna ko sa hallway habang pinagtatalunan namin kung 6 o 7 ba talaga ang bilang ng classes na halatang 7 naman (Pero ang bobo ko pa din namali bilang ko sa first set T^T) at nagbantang tumalon sa railings at iniuntog ang ulo sa maskuladong braso ng dalawang lalaki kong kaklase (Na hindi ko na maalala kung sino. Kung maalala ko man akin na lang yun XD) habang hinihintay yung mga kasabay ko. Nung matapos na mangiyak-ngiyak akong bumababa ng hagdan (Since bawal mag-elevator ang estudyante sa PUP. UNFAAAAAAIIIIR~) Pagdating namin dun sa pinakababa biglang umulan. Heol. Ang malas ng araw ko. Nakikisama ang langit sa pagkadepress ko :(

Kaso ang malala pa nito hindi ko masabayan ng soundtrip ang pageemote ko kasi nasira earphones ko TWT Tapos yung  tipong 5PM (6 talaga uwian namin. Napaaga lang ng dismiss kase nga quiz namin.) kami pinauwi pero 7:30 na ko nakarating ng bahay sa sobrang traffic. Walangya kase eh. Kahit Sabado may rush hours na din! TWT Nakakahilo tuloy sa bus muntik na kong magkalat. Buti na lang nandyan si Percy. He saved my day. (Nagbabasa akong Percy Jackson. Titan’s Curse na ko TwT)

Pero hindi pa natatapos dyan.

Pagdating ko sa bahay inayos ko pa yung mga kinalat nung magaling naming aso, nagmop ng kung aning-aning nyang inano sa sahig. Tsaka pa lang ako naghapunan. TWT

Yun lang naman.

Pero siyempre. Kanina sa bus habang naipit kami sa traffic, naisip ko.... Pano kaya kung kasama ko bias ko?

Ok sana no? Kahit nakakadepress yung buong araw basta hinihintay niya ako pag-uwi ko... mapapawi lahat ng pagod ko.

Yung tipong kulang na lang may nakasulat sa likod niyang “Hello happy virus here! ^________^V” pero joke kahit walang nakasulat mapapatawa ka pa rin niya?

NAMIMISS KO NA MGA BIAS KOOOO~

/le daydreams

“Jagiya ireona~” (Get up sweetheart)

“Get out~” I just said sleepily, tapos tinulak ko siya, but by not much force.

Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon