Entry #11

32 1 0
                                    

Entry #11

December 21, 2013

Naranasan niyo na bang magkaroon ng panaginip na parang totoo? I mean... (Pano ko ba to sasabihin? >___<) Yung iba kasing panaginip, diba, pagkagising mo, kahit umiiyak ka pa pagkagising, mararamdaman mo naman kaagad na hindi yun totoo? Pero kasi may mga panaginip na sobrang linaw, sobrang precise nung nangyayari, I mean hindi weird na tatalon ka from scene to scene, tsaka sobrang parang totoo talaga na pagkagising mo sa umaga, makoconfuse ka bigla kung ginawa mo ba talaga yung napanaginipan mo.

Akala ko nga linya lang sa mga telenovela yung “parang totoo yung panaginip ko” chuva, pero hindi pala.

Nagkaroon kasi ako ng ganong panaginip. Actually first time ko tong naranasan. Yung tipong pagkagising ko kaninang umaga excited akong mag-unli sa broadband at ituloy ang pag-chachat namin ni Shin malabs (Yuck Abby. Malabs agad. -w-). Tapos bigla akong naguluhan. Napaisip ako kung totoo bang nagchat kami kagabi. Tapos inisip ko pa yung mga ginawa ko sa net kagabi. Tapos nung wala akong maalalang nakipagchat ako sa kahit sino, dun ako naiyak bigla. Hindi naman iyak. LOL. Pero papunta na dun. Kasi hindi pala totoo yun. Panaginip lang pala.

Kaya pala its so good to be true. Kasi nanaginip lang ako kagabi.

Akala ko malapit na kaming maging close ni Shin kasi may napadpad siyang message sakin. Yun pala hindi. :((

Haaaaay nako. Hindi pa ko lumalandi, broken hearted na ko. </3

Kayaa. Wag muna kayong umasa ng #Imagine. Wala ako sa wisyo eh.

Ayy. Alam niyo ba.

Binago ko na yung wallpaper ko sa cellphone. Hindi na si Shin. Si TOP na ulit.

Kaso tumawag yung papa ko ngayon-ngayon lang.  Nakalimutan ko kanta pala niya yung ringtone ko.  </3

(Ayan yung kanta na yun. Nandyan sa gilid. Hoho. Share share!!)

Muntik na kong umiyak. Buti hindi kasi pinakausap niya sakin yung pamangkin ko. >___<

Ano ba yaaaaaan. Multo ni Shin. Tantanan mo na ko.

I had enough. </3

AY HINDI PA PALA.

Dear readers, tulungan niyo naman akong lumandi oh. Pakiusap. Please. Jebaaaaal. >___<

- Abby-ssi

Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon