Entry #31

4 1 0
                                    

January 5, 2016

First post ko to this year (sa story... book... ugh wtevr na to)! Hooray!

Pero actually, hindi naman nakakahooray yung ikkwento ko.

Isa akong grad-waiting student ng Polytechnic University of the Philippines. Siguro hindi yun alam ng karamihan (lol feeling madami readers) pero oo. Apat na taon ang ginugol ko sa college. Isa akong mabait (medyo) na estudyante na nais magtapos pagkatapos ng apat na taon.

Pero may isang hadlang.

Lechugas talagang prof yan sa Stats! Feeling niya chicks siya! Pahabol ampo-

Ayoko po magmura ng prof.

Pero naman kase! Incomplete yung grade ko sa kanya dahil trip niya lang yin ilagay (may mga hindi kasi ako napasa), at hindi kami makakapagfile ng Certification of Grades pag may inc sa grades namin. Pero nakumpleto ko na yung binigay niyang requirement, matagal na! Tapos ayon, di naman niya nirecord yung grade namin para sa requirement. Dapat talaga may 3 na ko e, kaso tamad siya di siya nag-encode ng grade. Edi go nagfile kami ng Completion Form. Pero hindi namin siya mahanap para sa pirma niya! Depochi talaga!

Alam niyo yung isang stroke lang yung kelangan namin sa kanya pero wala siya para gawin yun? Ang saya diba?

Halos yung fangirling powers ko sa kanya ko nabuhos. Oo feeling stan ako ako sa kanya, kakasunod sa sched niya at kakahanap kung sang lupalop siya nandun. Hinintay namin siya sa ibang building ng school (which is, isang station pa ng lrt mula dito sa main building) pero wala ang lola niyo.

In fairness, keri lang naman. At least medyo nafeel namin yung culture ng ibang college. E.g, COC, kung saan masarap maglagi kung dancer ka. Feeling dance studio yung grounds dahil sa mga groups na nagsasayaw. Sila na, sila na dancer!

Ito pa. CEA, kung saan nakatago ang future engineers at architects ng PUP. In fairness medyo mahirap hanapin ying lecture rooms nila pero okay lang. May mga times na bigla ka na lang makakasalubong ng mga nag-evolve na species yung medyo gwapo gwapo naman kesa sa mga lalaki sa department namin. Yung bigla na lang akong mapapasabi ng 'Ang sarap tumambay sa CEA~' at magdaydream kaso di pwede kasi nga hinahanap namin ang nakakaloka naming prof. Wala na kong nagawa kundi sumunod na lang sa epal kong tropa lol.

So ngayon, pauwi na ko at sabik na sabik sa upuan ng jeep. Ang hirap kayang maglakad! Tapos ipapahanap sayo yung room 505 e hanggang 4th flr lang yung CEA. -_-

Anyway. Gusto ko matinong hapunan. Walang imagine dahil gusto ko lang magrant. Maigsi lang to kase... uhm... patay na yung prof ko... sa utak ko. Lol. Kanina ko pa siya pinapatay. Pinagtatawanan nga lang ako ng mga tropa ko sa lahat ng pinagsasabi ko lol.

Bukod sa gusto ko ng decent dinner, gusto na ding grumaduate. At magtrabaho. At magkaroon ng cafe. At mapangasawa si TOP. Wohoho~

Gebye. Labyuall~

Abby.

Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon