Entry #14

15 1 0
                                    

Entry# 14

April 18, 2014

Happy Good Friday people!!! May the Lord be with us today and everyday.

Anyways. Sorry kung late ko na to mapopost. Part ng fasting ko yung no Internet allowed. Dapat nga no laptops and cellphones din eh, kaso hindi ko mapigilan.

Sorry guys ha? Lagi ko na lang kayong nirereklamuhan. Kaya sorry sa mga nagbabasa nito. Sorry hindi ko mapigilan. Sorry kase kayo lagi yung nakikinig/nagbabasa/nakakaramdam/whatever (Pwede nyo din naman akong reklamuhan, message niyo lang ako).

Katulad ngayon...

Naalala niyo yung 10th entry ko? (Well kung nakalimutan niyo na or hindi niyo pa nababasa, pakibalikan na lang.) Sabi ko nung inintroduce ko si Shin sa inyo, sabi ko nun sanay na ko mag-invest ng feelings sa mga katulad niya, kasi kay TOP pa lang nagawa ko na, at mas bata pa ako nun.

Pero mas ok pa palang mag-invest ng feelings sa mga taong mas mahirap abutin, kesa sa mga taong feeling  mo konting kembot na lang reach mo na.

At least yung mga taong tulad ni TOP, kahit magkaroon ng love life, at hindi ikaw yun, tanggap mo na agad. Mahirap ngang i-reach eh. Kaya kahit acquaintance lang sa totoong buhay ok na. Yun bang kahit fan ka lang na narerecognize niya, ayos na ayos na yun at masayang-masaya ka na (Promise totoo yan. Naiinggit na nga kaming magkakaibigan sa “favorite fangirls” ng BTS eh). Pero yung mga katulad ni Shin na alam mo yung mga accounts, na nakausap mo na, (oo nakausap ko na siya kaso sandali lang. Sorry hindi ko nalagay dito ha.)hindi katanggap-tanggap kapag may isa pang makikipag-usap sa kanyang mas malandi pa kesa sayo.

Actually, kalahati na lang ng sakit yung nafifeel ko. XD Second wave na kase ng kalandian nun. Kaya hindi na gaano. Ang galing no?

Nung first, (that was March 27)nakipaglandian siya sa isang girl (named her Kbitch) sa twitter, saying na napansin niya daw na nagpalit daw ng dp si girl. Ok maybe for you there’s no big deal about it. Pero diba, parang ang stalker naman niya dun sa girl na yun at alam niya kung kelan nagpapalit ng dp si Kbitch. At ang malala, hindi sila magkaibigan, never nagkita at sa twitter lang sila nakapag-usap kasi itong babaitang to, taga-Manila. Like me.

So ayun. Super nasaktan ako to the point na pumayag akong magbakasyon sa Nueva Ecija kase dun walang net at hindi ako matetempt na tignan/istalk siya. Actually ang ginawa ko lang dun eh kumain at matulog at magbasa at gumawa ng scenario para sa mga kaibigan ko, thru txt. Pero natatawa pa din ako ng time na yun. Kasi naman, yung mga supportive kong mga kaibigan, mas galit pa kesa sa akin. Alam nyo yung sa kanila ko nalaman ang lahat, then sila pa yung magsasabi na “Naiinis ako dun sa girl para kay Abeh” (Abeh tawag nila sakin sa txt tsaka sa FB/twitter) tapos ipagpipilitan pang love na yung nafifeel ko kay Shin (Ehem Jilyan at Thea. Mga hayup kayo. Ayan nabroadcast na pangalan niyo. In no time millions na makakabasa ng entry na to XDD). Ako naman todo deny. Naalala ko kase yung sinabi ng best friend ko nung high school, “Hindi mo naman masasabing love ang nararamdaman mo sa isang tao kapag walang personal contact.” Naniniwala pa rin ako dun hanggang ngayon. Mamaya kase, overwhelmed lang ako, or super crush ko lang talaga siya, at may possibility na may ayawan akong aspect sa kanya pag nagkita kami, at kapag may hindi ka tanggap it means na hindi mo siya talaga mahal, kaya ayoko munang ideclare as love yun.

The next wave is now, Good Friday, with the same girl. Actually hindi naman na gaano ngayon kase wala pa daw reply si Shin kay Kbitch (oo handa na ko kung sakaling may reply. Handa na yung kanyon na nirentahan ko). Ito lang babae na to yung tweet ng tweet sa kanya kasi birthday niya nung secret. Samantalang ako “Happy birthday” lang yung sinabi ko sa kanya sa twitter. Pati sa FB (Nakiopen pa ko ng FB kay Gilliane nun kase hindi ako makapagmessage. Ang hirap kase hindi ko din maDM kay Jil yung pass at email ko. Pero ok na. Ang kaso sabi niya “oppa happy birthday.” Bastos diba? Eh hindi ko nga inooppa yung ugok na Shin na yun. Hindi ako FC tulad ni Kbitch XD).

I’m so sorry kung hindi ko magagawa yung irerequest niyo kung sakaling sabihin niyong “Abby magpapansin ka kasi sa kanya.” First nasabi ko na, hindi ako FC. Second, kapag feel ko magpapansin ngayon, the next minute na nakaharap na ko sa laptop at magtatype na ko ng message ko sa kanya, kinakabahan na ko, so aayaw na ko at tititigan ko na lang yung green na dot sa FB which means he’s on line. Third nagdadalawang-isip ako kasi hindi naman ako maganda, at alam kong mga ganung tao na gwapo eh maganda hanap. Hindi sa lahat ng pagkakataon eh parang Wattpad ang buhay na kahit pangit ka eh may magkakagusto pa rin sayong gwapo.

But right now, I don’t think na mababawi ko pa lahat ng feelings na yun. Like duh, nasaktan na nga eh, meaning hindi na mababawi yun. Kaya wala ng atrasan, wala naman kasing time machine. Ang mas magandang gawin, mag-move on!

Sana kaya ko mag-move on. Eh alarm tone ko pa lang, kanta na niya (Dun lang kasi ako nagigising. Mahalaga ang alarm sa buhay ko kase ako yung pinakaunang pumapasok ng school tapos wala na kong magulang na gumigisng sakin. Nasa malayo. Alangan namang patawagin ko sila lagi sakin diba? Sayang load heol) tapos friend ko pa siya sa FB. Sabi nga nila iunfriend ko daw eh. Eh ayoko nga! Nagpakahirap nga ako para lang iaccept niya tapos iaunfriend ko lang? No no no way!

Hahaha. In short wala akong planong mag-move on. Tapos. XDD

Ok. Dapat pala naiiyak ako dito. Or nagagalit. Pero hindi ko naman kayang magalit ng matagal, so yeah, gaya ng sinabi ko sa mga kaibigan ko (Ayun may proof ako, txt namin ni Jilyan. Sorry nakaword, eh binura ko na original convo namin. *:Gilliane, -:me. Kung ayaw nyong maniwala, tanungin niyo pa siya. Mahanap niyo sana account niya XD) Hayaan na natin sila maglandian. At kunwari walang nasasaktan.

Ok. I think nasabi ko na lahat.

Thanks at binasa niyo ulit. Sorry kasi ang reklamador ko.

Bye. Annyeong. Paalam. Hanggang sa muli. :D

-Abby L.

PS: Nakakasuka yung ginawa mong scenario Kristle. Hahaha. Jin rapping? Ureor sinong niloko mo XDDDDD

PPS: (Actually 4/19 na, 9:30 AM.) Condolence kay Jilyan. Namatay daddy niya, walang nakakaalam kung bakit. Alam mo yun, kahit nagkaroon ka ng loss, marami pa ring taong nandyan para sayo.

Ang Journal Ng Fangirl Na Mahilig MagdaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon