Drop 11

1K 25 0
                                    

Erica's Thirst

"Pasensya na talaga sa iniasal ni Cardamon... alam nyo namang matagal na panahon siyang nakulong sa kabiguan at kalungkutan.... dahil sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal..." anang Senior Marsen habang nasa loob kami ng study room ni Seth... nakatanaw ito sa bintana at tila may naaalala...

Ramdam ko ang kalungkutan at panghihinayang ng lahat sa nagaganap.

"Pagpasensyahan nyo na rin ho ang naging akto ng aking kapatid Senior Marsen... naging padalos-dalos rin siya ... sana ay maintindihan nyo rin ho ang kanyang sitwasyon...." makahulugang turan ni Seth

Ako, si Gelo, si Seth, si Heaven , Senior Marsen, Cardamon, McKenzy at Letizia lamang ang naririto.

Si Cardamon ay kasalukuyang nakatulala habang ginagamot ni Letizia na manggagamot nila ng mga lobo at anak ni Senior Marsen. Masyadong napuruhan ito sa naganap kanina.

"Naiintindihan namin iyon Hell Theo... masyadong nakaapekto sa lahat ang mga naganap sa noon..." sabi nito.

Nakita kong nagkuyom ang kamao ni Gelo... hinawakan ko iyon at hinaplos sabay pisil... tila kumalma ito...

"I am here ..always. I love you..." sabi ko gamit ang aking isipan...

naramdaman kong tila naging kalmado siya....

"Thank you Rih... you are important... you are my everything ...please stay with me...." sumamo nito sa isipan ...


Nginitian ko siya at tumango... isinandig ko ang ulo ko sa kanyang balikat...at ibinalot naman nya sa balikat ko ang isang kamau niya...

"Sana'y hindi maging dahilan ang naganap na ito sa pagkakaroon ng hidwaang muli ng ating lahi... pinahahalagahan namin ang kapayapaan sa pagitan natin" anang Senior Marsen.

"wag kang magalala... magkaibigan pa rin ang atin lahi... pinahahalagahan din namin iyon... Senior... " ani Seth.

"Salamat... sya nga pala... tutulong ang aming lahi sa paghahanap sa nawawalang kasamahan ninyo... dahil naging sangkot na rin kami mula ng sundan ng tatlong kasamahan namin ang mga kumuha rito..." paliwanag ni Senior.

Napatingin kami kay Seth.... tila hinihintay ang kanyang tugon...

Alam kong hindi ito tatanggapin ni Seth kung hindi lang....

"Kailangan ho talaga namin ang tulong ninyo Senior... ngunit nakasisiguro ho ba kayo? Mapanganib ang misyong ito." Aniya..

"Siguradong sigurado... ayokong maulit ang nangyari kay Angela Gabrielle... ayokong may matulad pa sa kanila... " ani Senior...

Napapansin kong hindi komportable si Gelo sa takbo ng usapan... alam ko...

"kung nasaan man si Angela Gabrielle ngayon natitiyak kong nananahimik na ang kakambal ko... let her be in peace... don't use her name!" Ani Gelo sa malamig na tinig.

"Gelo..." pigil ko sa kanya
Naging tahimik ang silid.

"Naiintindihan ko Angelo... anak." Ani Senior.

Anak ang tawag sa amin ni Senior...

Natahimik si Gelo ngunit nagkuyom ang kamao niya...

"Calm down...please.. I love you" sabi ko rito

"What's up?! I'm sorry for being late...medyo umiscore muna kay miss--- aray! Hope naman!" Pagbasag sa katahimikan ni Polt na kapapasok lamang at hawak nito ang kamay ng asawa habang ang isang kamay naman ay haplos haplos ang ulo na sinapak ni ate Hope.

"Seryoso Polt! Yung Seryoso!" Angil nito. Naupo ang mga ito sa isang bakanteng sofa...

Kasunod ng mga ito ay si Dylord at Lindon....

Nagpatuloy ang paguusap... napunta ang lahat sa pagpaplano ng misyong upang iligtas si Cielo Marie...

Naging mainit ang diskusyon...

Maraming ideya ang naipasok...

Masasabi kong na lamang ay maganda talaga ang kombinasyon ng mga lobo at bampira pagdating sa ganito...

"No! I will be joining the mission Angelo! " I said stubbornly

"Please Rih... stay here ...I want you safe!" Ani Gelo

"I can take care of myself Angelo! And one more thing I am a usefull for this kind of plan! You of all people knows that!" Paliwanag ko.

Kasalukuyan kaming nagtatalo tungkol sa pagpapasya kong sumali sa plano...na ayaw naman niya.

"I know... but I want to be sure! Gusto ko makasigurung hindi ka mapapahamak! Hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay mapapahamak Rih! Why can't you see that?!" Aniya na frustrated.

"Hindi naman ako mapapahamak I promise! At hindi mo naman siguro ako papabayaan doon hindi ba?" Pagpapaliwanag ko

Tila lumambot ang expression nito.

"Geezz! Bakit hindi mo hayaang sumama siya sa misyon! Malaki ang maitutulong ni Erih sa misyong ito! Hindi mo naman sya mahal hindi ba? Why not let her join !?" Nanguuyam na sabi ni Cardamon

"CARDAMON!" Galit na saway ni Senior.

Natigilan naman ang lahat sa turan ni Dame... ako naman ay tila nauupos na kandilang napayuko na lamang...

"YOU FVCKING BASTARD! HINDI MO ALAM ANG TOTOO KAYA WAG KANG MAGSASALITA NA TILA NAKASISIGURO KA SA SINASABI MO! FVCK YOUR THOUGHTS GRACIAS! " nakita na lamang naming nakabulagta na si Dame at hawak hawak na ni Lindon at Dylord si Gelo na galit na galit.

Nakaramdam ako ng panginginig ng tuhod ko...maging ang kamay ko... nakaramdam ako ng takot... takot para kay Gelo...

napapailing na inalalayan ni McKenzy si Dame at ginamot namang muli ni Letizia na tila naiirita sa nagaganap.

"Hold yourself Gelo!" Ani Seth. "you are scaring your woman brother." Anito .

Naramdaman kong inalalayan ako ni Heaven at ate Hope pabalik sa upuan namin kanina...

"Hush... Rih... calm down... walang mangyayaring masama..." bulong ni Heaven at Ate Hope...

napapikit ako...

naaalala ko na naman ang mga naganap bago mawala si Angela Gabrielle...

nakaramdam ako ng takot....lungkot at galit...

Naramdaman kong Nawala ang presensya nilang dalawa sa tabi ko...

At naramdaman ko ang malamig na bagay na humahaplos.... mali... pumupunas sa mga luhang hindi ko namalayang nagsialpasan....

at naramdaman kong ibinalot niya ako sa kanyang bisig....

"Sorry Rih... sorry... don't be scared
.. narito ako... hush... please... Rih... don't cry... hush..." bulong nito.

Lalo akong napahagulgol sa narinig.

Hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako ng sarili kong multo mula sa kahapon...


Mula ng maging malapit kaming muli ni Gelo ....kasama ni Dame...

Sana...

Sana...

Hindi na lamang ako pumayag sa gusto niya...

Sana...

Narito pa rin si Angela Gabrielle...

Kasalanan ko ang lahat...

Kasalanan ko....




Sucker's Love 3: Make Me Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon