Drop 15

979 22 0
                                    

ERICA' S thirst

Tahimik ang lahat sa buong duration ng paglalakbay namin...

Gumamit kami ng bangka upang makatawid sa karagatan... alam kong kaya naming lakbayin iyon ng walang kahit na anong sasakyan ngunit ito ang gusto ni Eious...

Hindi parin maliwanag sa akin ang mga nangyayari...

Hindi ako mapakali ngunit kailangan muna naming matapos ang mission namin dito bago ko tuluyang makausap si Gelo...

Kailangan kong maliwanagan...

Napatingin ako sa kanya ng maramdaman kong humigpit ang yakap nya sa aking beywang...

Nakapikit itong nakasandal sa akin at nakangiti...

"Don't think to much Rih... I will explain everything later... just rest for now... enjoy the scenery..." bulong nya sa akin.

Napangiti ako sa sinabi niya.

Hinilig ko ang sarili ko sa kanya at napatingin ako kay Eious na tahimik lamang na nakatanaw sa amin.

Naging mapayapa ang paglalayag namin ... nakarating kami sa Vinzon Port ng ligtas... sumakay kami sa isang ordinaryong van... tatlong van kami... dahil kasama namin ang ilan niyang tagasunod upang tumulong...

"Bakit kailangan pa nating sumakay sa ordinaryong sasakyan...kung kaya naman nating mas mabilis na makabalik?" Wala sa sarili kong tabong kay Gelo na akap-akap ako sa loob ng van... nakagitna ito sa amin ni Eious.

"Dahil ito ang kagustuhan ni Eious,Rih..." ani Gelo sa malumanay na tono. Nararamdaman ko ang mumunting paghalik nito sa aking buhok.

Bakit kailangan naming sumunod sa kanya? I can't see the significance of this tour... masyado nang maraming oras ang nasasayang namin!

"Mukhang naiinip na ang babae mo Gelo..." Ani Eious na nasa tono nito ang nanguuyam...

Naramdaman ko ang pagkibit balikat ni Gelo at tumawa lamang ito ng pagak. "Alam naman nating nasa nature na ng mga babae ang mainip... at...kung maaari lamang ... hindi ko babae si Erica... Sya ang mapapangasawa ko." Ani Gelo na hinigpitan pa ang yakap sa akin.

Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko...

"Well... para sa ikaaalam ng babae... Mapapangasawa mo I mean... ang byaheng ito ay makakatulong sa ating misyon... dahil nasa malapit lamang ang mga hinahanap natin...at sinusundan ang bawat galaw natin." Tila wala lamang sa kanya ang sinabi.

Nakaramdam ako ng pagkabahala...

Kung gayon ay alam ng mga ito ang bawat galaw namin... kaya paano namin sila matatagpuan?!

Napatingin ako sa mukha ni Gelo... na nakatingin rin sa akin...

Nginitian nya lamang ako ng makita ang pagkabahala ko... at hinagkan sa noo...

"Wag kabg mag-alala ... nasa mabuti ang lahat... right time and right place." Anito

Tumango na lamang ako kahit na kinakabahan at nababahala ako sa mga nangyayari...

Nagpatugtog si Eious... isang soft rock music...

napansin kong sa gitna ng pagiging mapaglaro nito ay makikita ang isang lalaking natatakot na mawala ang pinakamamahal nito...

Pumikit ito at tila may iniisip...

Naging alerto ang kanyang anyo...

Napatingin ako kay Gelo na tila tulad ni Eious ay naging alerto rin ito... at ang mga kasamahan namin.

Sucker's Love 3: Make Me Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon