Drop 14

919 21 0
                                    

Erica's Thirst

"Mukhang natuklasan na nila ang lihim ng vampire council... na totoo ang Angel and Enchantress vampire." Tila wala sa loob na sabi ni Eious.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang kweba ngunit kapnsin-pansin na napakaelegante ng pagkakaayos nito... sa labas ay aakalain mong hindi walang mabubuhay pag pumasok sa loob ngunit magugulat ka pagpasok mo ay isang tila munting kaharian ang naroroon...

"Ito ang pinagtalunan namin noon ng mga unang council... ng isilang si Cielo Marie at Brilliant ay sinabihan ko na silang ipaalam sa dalawa ang kanilang tungkulin at kung gaano ito kahalaga at kadelikado... ngunit hindi sila nakinig sa akin! " nanginginig sa galit na sabi nito.

Hindi ako nagkomento... nanatili lamang akong tahimik habang hawak ang kamay ni Gelo.

"Kung sanang nakinig lamang ang ama nyo sa akin noon..." tila naghihinakit na sabi pa nito.

"Matagal na iyon... at masyadong kontrolado ng unang konseho ang ama kaya hindi ito nakikinig basta-basta noon." Paliwanag ni Gelo sa malamig na tinig.

Tama iyon... ang ama nina Seth at Gelo ay nakapailalim sa unang konseho... dahil bukod sa pinakamatanda ang mga ito sa lahi ng mga bampira ay pinaniniwalaang mas maraming nalalaman ang mga ito sa lahat...

Ang unang konseho ay kasamang nawala ng Angela Gabrielle noon... hindi namin alam kung anong tunay na naganap dahil ng mga panahong iyon ay nasa early 30s palamang kami.... at hindi aware sa mga nangyayari sa aming paligid...

"Ngunit saan dinala ng unang konseho ang society noon? Hindi ba't kasabay ng kanilang pagkawala ay ang pagkawala ng iyong kakambal na si Angela Gabrielle?! Binalaan ko ang iyong ama noon! Na ingatan ang nagiisang anak nyang babae... dahil ito ang unang babaeng ipinanganak ng isang Seth Mistress! Ito ay pupukaw ng interest ng lahat... maging ng unang konseho na ipinalabas na mapanganib ang iyong kakambal! Sinabi ko iyon sa iyong ama ngunit hindi sya nakinig sapagkat isa lamang akong hamak na pinuno ng isang angkang ng magagaling na Guardian at pinaniniwalaang walang alam sa mga tunay na nangyayari! ni hindi man niya inisip noon na ako ang nakatuklas na itinatago mo ang iyong kakambal! Masyadong nilamon ng inyong ama ng kanyang paniniwala noon!" Galit na galit na sabi ni Eious.

Iyon ang tunay na rason kung bakit naging mapaglaro na lamang si Eious dahil hindi ito pinaniniwalaan noon... Isang napakagaling na Guardian ni Eious... at pinaniniwalaang karapatdapat mapabilang noon sa konseho... ngunit tila natakot ang unang konseho sa kakayanan at karunungan nito kaya siniraan ang lalaki sa ama nina Gelo... alam ng lahat ang tungkol dito ngunit walang nagsalita dahil ng mga panahong iyon mapapahamank ang kokontra sa unang konseho...

Ang unang konseho ay ang pinakaunang konseho ng mga bampira... sinundan lamang ng mga magulang namin ang mga ito... kami ang ikatlo...

"Alam mo ang kalakaran noon Eious... at alam mong pareho tayo ng paniniwala ng aking kuya ukol dyan... kaya pinasusundo ka na nya sa amin upang matulungan kami sa paghahanap kay Cielo Marie at kay Angela Gabrielle." ani Gelo na ikinabigla ko.

Napatingin ako sa kanya...

Paanong hahanapin pa namin ang kakambal nya na alam naming matagal ng patay!

Narinig kong natawa ng pagak si Eious...

"Pinasusundo ako ni Hell Theo dahil nais nya ng tulong ko? Binibiro mo ba ako Angelo?" Ani Eious na tila hindi natutuwa sa sinasabi ni Gelo

"Hindi lamang iyon Eious... pinasusundo ka na ni Seth upang humalili kay Brilliant at mapabilang sa bagong konseho... Liant as Dilunar's wife have to be a Mistress... hindi na nito maaaring gampanan ang kanyang tungkulin bilang council... at kailangan nyang pagtuonan ng pansin ang kanyang bagong tungkulin bilang Angel Vampire." Paliwanag ni Gelo na tila matagal ng plano ito. "Alam mong iyon ang plano ni Kuya simula palamang... ngunit masyado kang naging mailap sa society! Kaya naman ngayon... inaatasan ka ng Seth at Worlf upang mapabilang sa konseho. At upang pamunuan ang pagliligtas sa dalawang importanteng babae sa society....lalo na ang pinakamamahal mong si Cielo Marie." Ani Angelo..

Natigilan si Eious na tila nagiisip...
Naninimbang...

"Bakit ngayon nyo lamang binalak iligtas si Angela Gabrielle? Gayong noon ay may pagkakataon tayo ay pinigilan nyo kami ni Cielo Marie?" Tanong nito

Natigilan si Gelo sa tanong na iyon...

Hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila...

nalilito ako ...

Paanong napunta kay Angela Gabrielle ang usapan? Sa konseho?

Hindi ba at si ate Cielo Marie ang pinaguusapan rito?

"Dahil mas ligtas siya kung hahayaan lamang natin sya noon sa kanila... alam mo ang ibig kong sabihin..." ani Gelo.

Napansin kong nagpipigil ng galit si Eious...

"Pero kung naagapan natin iyon noon sana hindi tayo napunta sa sitwasyong ito!" Singhal ni Eious

"Alam mong iyon ang nararapat para sa lahat noon Eious... masakit rin sa akin ang naging desisyon namin ni Kuya... ngunit iyon ang nararapat... dahil nakita ni Luna noon ang kamatayan ninyo ni Cielo Marie kung tutuloy tayo! Kaya napilitan kaming hayaan na lamang muna sa kanila ang aking kakambal! Ngunit ngayong ang isa nanamang importanteng bampira ang kinuha nila... kailangan na nating kumilos... mamamatay ang society kung hindi natin maibabalik sa kaayusang ang lahat!" Ani Gelo

Natahimik ang kweba...

"Kailan tayo magsisimula?" Tanong ni Eious...

"Babalik tayo sa Palasyo upang magplano." Ani Gelo.

Naguguluhan ako sa pinaguusapan ng mga ito...

Ano ba talaga ang nangyayari?

Bakit tila matagal na nilang kakilala ang isa't isa at tila dating magkaibigan pa sila kung magusap...

At ano ito?

Buhay si Angela Gabrielle?

Pero nasaan siya?

Sucker's Love 3: Make Me Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon