Drop 18

916 25 0
                                    

Gelo's Thirst

"Lahat ba tayo ay nakahanda na?" Napatingin ako kay Dylord na syang nagtanong sa lahat. Kababakasan ang kaseryosohan sa kanyang tinig... Alam ko kung ano ang nararamdaman niya dahil pinagdaanan namin iyon... Namin ni Seth ng mawala sa amin si Angela Gabrielle.

"Erica is not here." Puna ni Hope at napatingi silang lahat sa akin ."where is she Worlf?" Tanong pa nito.

Hindi ko masagot ang tanong nila dahil maging ako ay kagabi pa siya hinahanap... Ni hindi ako nakapagpahinga dahil matapos naming magusap nina Heaven at Seth ay pinuntahan ko siya sa silid niya upang tabihan ngunit wala sya roon...

"Kagabi ko pa siya hinahanap... Hindi pa ako nakakapagpahinga dahil sa paghahanap sa kanya...kaya naririto ako ay akala ko ay naririto din siya.." Paliwanag ko.

Natahimik ang lahat tila may naiisip...

Nagkatinginan kami ni Seth...lumipat ang tingin ko kay Heaven...

Nanlalaki ang mga mata ko ng may maisip ...

Napatingin kaming lahat sa pintuan ng magbukas iyon...nakita namin ay sina Kia Aedi na inaalalayan ang kasintahand si Lindon na tila nanghihina...

"Anong nangyari kay Lindon?! Hindi ba't dapat ay nasa misyon na siya?!" Nagaalalang tanong ni Liant.

"Damn!" Mura ko at nilapitan si Lindon.

"Where the hell is your sister?!" Hasik ko.

"Erica did this to me. Kinausap nya ako kaninang madaling araw at sinabing may nagbago sa plano at pinapasabi iyon ni Seth sa akin...pero nagulat na lamang ako ng tinurukan nya ako ng isang likido na sa tingin ko ay isang spell... Nakaramdam ako ng panghihina... Tinanong ko sya... " nanghihinang hayag nito.

Nagkuyom ang aking kamao... At napatingin kay Heaven at Seth... Alam kong alam nila ang naiisip ko...

"Anong sagot niya?" Tanong ko sa malamig na tono.

"Hindi niya daw ako hahayaang gawin iyon...dahil masasaktan si Kia Aedi pag may mangyari sa akin... Kaya siya na lamang daw... Dahil.... Walang mawawalan o masasaktan kung mawawala siya." Anito

Nandilim ang paningin ko... Nagkuyom ang palad ko...

"ANONG TAWAG NYA SA AKIN?! ANONG SA PALAGAY NYANG MARARAMDAMAN KO KUNG MAY MANGYARI SA KANYA?! HINDI NYA BA AKO NAISIP?! HINDI NYA BA NAISIP NA MAY NAGMAMAHAL SA KANYA AT AKO IYON?!" Hindi ko napigilang sabihin... Nakaramdam ako ng sobrang pagaalala... At sakit sa nalaman.

Mahal na mahal ko si Erica...

Sya na ang buhay ko...

Hindi ko kakayahin kung mawawala sya sa akin...

"Polt! Patayin mo ang apoy! Nanghihina ako!"

"Seth... Pigilan mo siya."

"Angelo! Kumalma ka... Mamatay ang mga babaeng Pires!" Natauhan ako ng marinig ang tinig ni Seth... Unti unting pinatay ko ang apoy.

Naglakad ako paalis...

"Saan ka tutungo?!" Tanong ni Seth

"Pipigilan at ililigtas ang mahal ko!" Sabi ko.

"Hindi mo na sya maaabutan... Kilala mo si Erica! Kilala mo kung paano siya sa isang misyon!" Ani Hope.

"At kilala nyo ako! Kilala nyo kung gaano ako magmahal! Kung paano ko protektahan at ipaglaban ang pagmamahal ko sa isang tao! Si Rih! Sya ang buhay ko ngayon... Siya lang... Sya lang ang minamahal ko! Sya ang nagiisang mamahalin ko...kaya hayaan nyo akong iligtas ang pinakamamahal ko... Kundi... Baka... Mawala hindi lang ang puso ko...kundi pati na ang kaluluwa ko. " sabi ko sa malamig na tono.

"Anong plano mo?" Ani Seth

"Papatayin ang lahat ng balakid sa pagmamahal ko . Papatayin ko lahat sila at walang ititira. At... Ipagdasal nilang hindi magagalusan man lang ang si Rih... Kundi... Mararanasan nila ang impyerno kahit nabubuhay pa sila." Sabi ko sa delikadong tinig at iniwan ang lahat sa palasyo.

"Rih... Nasaan ka? Hintayin mo ako." Sabi ko sa kanya gamit ang aking isipan ko.

"Mahal na mahal kita. Nasaan ka? Please... Sagutin mo ako." Sabi ko pa.

"Gelo... Tulungan mo ko... Tulungan mo kami ni Cielo Marie...at Angela Gabrielle... Kasama ko na sila... Tulungan mo kaming makalanas rito." Nakaramdam ako ng kaba sa tinig nito

Impyerno ang hatid ko sa kung sino mang nasa likod ng mga ito.

"Kasama mo kami." Napatingin ako sa kanila

Tahimik akong hinayaan lamang sila.

Dylord...Seth ...Polt ... Eious...at Dilunar.

"Naririto rin kami." Napatingin kami sa pinagmulan niyon...

Cardamon at ang mga wolf.

"Rih... Hintayin nyo kami... Ililigtas namin kayo... Mahal ko." Sabi ko

Sucker's Love 3: Make Me Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon