Drop 22

875 26 0
                                    

ERICA'S Thirst

"ITIGIL MO NA ITO VICTORIA!" Sigaw ni Elliot.

Tumawa ng nakakaloko si Victoria at nginisian si Elliot.

Naririto kami sa isang madilim na silid na maitutulad sa ritual room ng palasyo... Ang unang konseho ay naririto...nakapalibot sa amin... Kapansinpansin na ang mga kaibigan namin na kabilang sa mga ito ay kababakasan ng pangamba...

"Tumahimik ka, mahal ko. Mapapasakin na ang lahat... Maging ikaw." Anito habang hinahaplos ang mukha ng nakatali ring katulad ko na si Elliot.

Nakatali kami sa mga poste ng isang silid.... Napatingin ako kay Angela Gabrielle na kalmado lamang na nakamasid sa paligid...na tila sanay na sa ganitong sitwasyon...

Nakita nya akong nakatingin sa kanya...kaya binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti... Ang Unang Harah ng vampire society...

Napaiwas ako ng tingin dito at napadako sa kinalalagyan ni ate Cielo Marie... Na walang kabuhay-buhay ang kanyang mga mata... Tila ba nawalan na ito ng pagasa... Hindi ko alam kung anong gunawa nila sa ate ko...

Anong nangyari? Bakit nawala ang mapaglaro kong ate Cielo..?

Nakaramdam ako ng galit at pagaalala sa nakikita...

"ATE... SI Rih ito...anong nangyayari sayo? Lumaban ka ate... Ililigtas na nila tayo..." Sabi ko gamit ang aking isipan

Ngunit walang nagbago dito... Tila wala na ito sa sarili... Puno din ng mga sugat at pasa ang paso nito... Tila pinahirapan ito ng husto...

"ANONG GINAGAWA MO SA PAMILYA KO VICTORIA?!" isang malakas na pagguho ang narinig ko .

Alam ko kung sino ang may gawa niyon...

Napansin kong tila nangamba sina Victoria at ang unang konseho sa narinig...

"V-veronica... Kinukumpleto lamang namin ang mga kakailanganin sa orasyong pangungunahan mo aking kapatid..." Anito sa maamong tinig.

Sa gulat ko ay biglang tumalsik si Victoria sa isang  panig ng silid.
Mas nangamba ang unang konseho sa inasal ni ina kay Victoria.

"HINDI BA'T ANG SINABI KO S INYO NOON AY HUWAG NA HUWG NINYONG GAGAMBALAIN ANG PAMILYA KO?! HINDI BA'T IYON ANG AKING INUTOS SA INYO?! TIGILAN ANG MGA BAMPIRA AT NAMUHAY TAYO NG MATIWASAY?! BAKIT NYO AKO SINUSUWAY?!" galit na sigaw ni ina sa kanila... Nagtalsikan ang mga unang konseho... Maliban kina Rebecca , Narcisous at Matilde.


"INA... S-Si... Ate Cielo Marie... I-ina... " sigaw ko ng makita kong lumalabas ang dugo mula sa ilong, bibig at mata nito...



Nakita kong natigilan ang lahat sa sinigaw ko. Ang galit ni ina ay napalitan ng pagaalala...

Dali-daling lumapit si ina kay Ate Cielo Marie...


Sina Narcisous naman ay pinalibutan si Ina upang maprotektahan sa mga kalaban...


"Parating na sila... Rih... " napatigin ako kay Angela Gabrielle na nakangiti sa akin .

Naagaw ng isang malakas na sigaw ang aming atensyon...

Nahinatakutan ako ng makita kong bumagsak sina Narcisous, Rebecca at Matilde...

At nakatutuk ang apat na espada kay ina na yakap yakap ang walang malay na si ate Cielo Marie.

"H-Huwag... Huwag nyong s-sasaktan sina Ina... Parang awa nyo na ...Huwag sina ina!" Pagmamakaawa ko.

Napatingin sa akin sina Victoria...

Ngumisi ito sa akin ... At itinutok ang espadang gawa sa pilak sa akin...

"Buhay pa pala ang aking pinakamamahal na pamangkin... Ang nag-iisang nagmana sa kakayanan at kapangyarihan ng aking kapatid... At ama... " anito sa akin

Napasigaw ako ng idikit niya sa akin ang espadang gawa sa pilak... Napapaso ako... Napakainit...

"Gelo... T-tulungan mo ako... Nakikiusap ako... Tulungan mo ako... Hirap na hirap na ako... " pagmamakaawa ko kay Gelo


Ngunit wala akong narinig na kahit anong sagot.

"Gusto mo bang mailigtas ang iyong ina't kapatid? At ang mga traydor kong kasamahan? Huh?" Anito sa akin ngunit tiningnan ko lamang siya ng blanko ang ekspresyon.

Idinikit nitong muli ang pilak sa akin kaya naman napasigaw akong muli sa sakit.

Tila mamamatay na ako sa sakit... Ayoko na... Hindi ko na kaya... Sumusuko na ako...

Ayoko na...



"Mahal na mahal kota Angelo... Mahal na mahal kahit ba hindi mo ako kailanman minahal... Mahal na mahal kita kaya pinakakawalan na kita... Mahal ko..."

At bago ako nilamon ng kadiliman...

"Rih... Mahal ko... Naririto na ako... Mahal na mahal kita... Kaya lumaban ka... Mahal ko... "

Hindi ko alam kung totoo ba iyon ay parte lamang ng aking panaginip na ipinagkaloob sa akin bago ako mawala sa mundong ito.



"Erica Lovelace... Mahal na mahal kita... Huwag mo akong iiwanan... Pakiusap... Naririto na ako... Mahal ko... Naririto na si Gelo... Naririto na ako....."

Panaginip... Dahil kailan man .... Alam kong si Heaven pa rin ang kanyang mamahalin....



"Paalam ... Mahal ko." Bulong ko sa hangin bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.

Alam kong iyon na ang huli ...

Dahil hindi ko alam kung mabubuhay pa akong muli matapos ito. ...

Sucker's Love 3: Make Me Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon