Drop 16

990 22 2
                                    

ERICA'S Thirst

"Hindi ko na hahayaang sumama sa misyong ito si Erica kuya! Hindi na sya maaaring sumama! Mananatili na lamang siya rito sa palasyo sa pangangalaga ninyo! " tila hindi mapakaling hayag ni Gelo. Halata sa kanyang mukha ang sobrang despirasyon

Kasalukuyang nasa loob na kami ng konseho... Nasa gitna ngayon si Eious na tila wala man lang sa kanya na napapalibutan siya ng konseho!

Nakaupo ako sa aming upuan katabi ng kay Gelo.

Hindi man kami kasal ni Gelo... Ay ako na ang hinirang na Worlf Mistress.

Pumayag ang konseho at ang society dahil nasa akin ang kakayanan na kailangan sa pamumuno.

"Pumayag ba ang Worlf Mistress,Worlf?" Tanong ni Dylord.

"Walang magagawa si Rih kung ito ang magiging pasya ng konseho at ng Seth! Mas makapangyarihan ang pasya mo!" Sabi pa ni Gelo na frustrated.

Naiikot ko na lamang ang mata ko... Super paranoid! Hindi pa ako mahal sa lagay na iyan!

"Bumalik ka na dito Gelo. Tigilan mo na iyan... Alam mong imposibleng hindi ako sumali sa misyong ito. Hindi ko pakikinggan ang utos ng Seth o ng konsehong ito dahil alam kong hiling mo lamang iyon... At hindi dahil wala akong maitutulong... Kaya bumalik ka rito at hayaan na matuloy na ito!" pinatatag ko ang aking tinig upang wala na itong magagawa.

"RIH ! KAILAN KA BA MAKIKINIG?!" anito sa akin

Napairap na lamang ako .. " Seth... Huwag nyong pakikinggan iyan. Alam ninyong malaki ang maaari kong itulong sa misyong ito... Lalo na't ako ang kukumpleto sa hangad ng mga kalaban... " napatiningin ang lahat sa akin na tila nagtataka sa pinupunto ko...

"ERICA! " Pagpipigil nito sa akin...

"Ang unang konseho ang kumuha kay Cielo Marie at maging sa akala nating namayapang si Angela Gabrielle ang kakambal ni Angelo." Pagpapatuloy ko.

Narinig kong nagkaroon ng bulung bulungan sa buong konseho... Naguguluhan ang lahat sa sinabi ko.. Alam ko...

Tahimik lang si Eious, Seth at si Gelo na tila hindi naguustuhan ang tinatakbo ng isipan ko... But I have to do this...

"Ako...at si Brilliant ang kulang para sa layunin ng mga ito... Hindi ko alam kung bakit pati ako ...sa aking pagkakaalam ay isa lamang akong Seth Mistress Guardian na itinakda bilang maging Worlf Mistress..." Napatingin ako kay Gelo na nagiwas ng tingin... Maging sina Seth at Eious... Alam kong may nalalaman sila...

Tahimik ang konseho...

"Ang alam nila ay patay na kaming tatlo... Ako ...si Gelo at si Eious... Kaya ang susunod na target nila ay si Liant....at ang aking kapatid na si Lindon... Alam kong may kinalaman sa blood line namin ito... Kaya gagamitin nating edge iyon... Alam kong may naiisip na ang Seth at ang ilang sa inyo kung paano... At alam kong malaki ang maituulong ko rito!" Sabi ko at naupo.

Walang nagawa kundi tumabi nalamang sa akin si Gelo.

Alam kong nagtatampo ito...

"Saan nyo nalaman ang mga iyan?" Takang tanongni ate Hope

"Nakaharap namin sina Rebecca... Narcisous at Matilde kanina... Mula sa unang konseho... " nabuo ang tensyon sa silid sa salaysay ni Eious... Alam ko... Wala silang tiwala sa mga ito. "Kaibigan sila. Sila ang tatlong mapagkakatiwalaan lamangboon sa unang konseho... Mga hindi uhaw sa kapangyarihan... " anito.

"Sino ka naman?" Tanong ni Kia Aedi.

Hindi na kasi niti naabutan si Eious noon... Dahil bago pa ikasal ang mga magulang niya ay lumisan na ito.

"Eious Victorious." Ani Seth. "Maligayang pagbabalik. Kaibigan"dagdag pa nito

Ngumisi lamang si Eious at nagbigay galang. Alam kong mula roon ay kinikilala na nya si Hell.

"Mamaya..pagkatapos nito...magkwentuhan tayo... Eious." Malambing na sabi ni Heaven.

"My pleasure.. Seth Mistress." Ani Eious.

"Dahil si Liant ay hantad na ang kanyang propesiya... Bilang Angel Vampire... At asawa na siya ni Dilunar... Hindi na sya maaaring mapabilang sa Konseho... Kaya ... Magkukulang tayo ng isa.. Kaya pinasundo ko ang isang natatangig kaibigan... Sa ating worlf at sa mistress nito... Upang humalili kay Liant. Siya ay walang iba kundi si Eious Victorious... " ani Seth

Ngumisi lamang si Eious...

"Umupo ka na ..kaibigan" ani Seth.

Si Liant ay tumayo at kinandong na kabiyak nito... Nakangiting hinagkan pa nuto si Dilunar na puno ng pagaalala dahil sa sinabi kong ito ay isa sa mga target...

Iniikot ko ang aking paningin...
Napansin kong wala si Deothorn sa kanyang upuan... Ang pangalawang. Panganay nina Dylord.

"Nasaan si Deothorn?" Takang tanong ko kay Gelo

"Misyon" anito sa tipid na tono.

Alam kong naiinis pa rin siya. Nginitian ko na lamang siya.

"Itutuloy nati ang naunang plano... Ngunit mababago lamang ito ng kaunti..." Panimula ni Seth... Napatingin ang lahat sa kanya

"... Ang mga lobo ay nakaantabay ri sa atin... Alam na rin nila ang plano... " dagdag pa ni Seth

"Wala akong tiwala sa mga aso kuya!" Ani Gelo

Alam kong di pa rin nagbabaho ang pananaw niya kina Dame

"Kaibigan sila Worlf." Ani Seth. Natahimik na lamang si Gelo.
"Ang pagbabago ay... Magiging pain natin si Lindon..." Napatayo ako at napasigaw sa pagtutol...ganun rin si Kia Aedi at ang iba

"Hindi ko mapapayagan ang kapatid ko Seth!" Bulalas ko

"No Seth... Not Lindon!" Ani Kia

"Mapanganib ang misyong ito Lindon! Bakit mo kinuha?!" Ani ate Hope.

"...siya mismo ang nagsabi sa akin nito kanina habang nagsasalita si Erica ... Buo ang loob niya" ani Seth


Nagkibit balikat lamang ang aking kapatid at hinalikan ang labi ni Kia Aedi na noo'y alalang alala.

"I want to save my sisters...and protect everyone...  Trust me on this Kia Aedi. Trust me o this."  Dinig kong bulong nito kay Kia Aedi na napipilitang tumango na lamang...kahit may pagaalinlangan... Malaki man ang tiwala nito sa kapatid ko ngunit iba ang haharapin namin ngayon... Ang unang konseho at ang mga sinasamba ng mga ito.... Na di namin alam ku sino o ano...

Nariyan pa ang mga mangkukulam na target rin si Liant... Mapakahirap ng sitwasyon naming ito...

"At ipapakita nati sa kanila na gumagawa tayo ng hakbang labang sa kanila... We will make sure that this will be a smooth one... Walang tunog..at buong pagiingat... Ngunit sasadyaing mahahalata nila..." Paliwanag ni Seth.

Nakita kong naguguluhan ang lahat... Tila diskumpyado sa planong ito...

"...at doon papasok ang mga inakalang patay na... At ang mga kaibigan nating mula sa lupon ng unang konseho...  Sila ang gagalaw upang makuha sina Cielo Marie at ang kapatid namin... At ako , si Eious, si Deothorn at si Dylord na ang bahala sa lahat. Kami na ang maglilinis ng kalat." Makahulugang sabi nito.

Hindi ko man masyadong maintindihan ang mga huling salitang sinabi ni Seth.. Alam kong madugo at matagumpay ang misyong ito... Alam kong magtatagumpay kami...

Sucker's Love 3: Make Me Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon