Drop 21

978 23 0
                                    

Angelo 's Thirst

"Angelo... please save me...save us..m save Ate Cielo Marie... Save me... "

"RIH! WAIT FOR US... I WILL SAVE YOU..." hindi ko mapigilang sigaw sa loob ng council room.

Napaharap ang lahat sa akin... tila naiintindihan ang nagaganap sa paligid...

Narito kami ngayon sa council room upang mapagusapan ang bagong plano...

Sinira ni Erica ang unang plano kaya naman naging magulo ang lahat...

at ngayon ay nasa panganib ito...

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko...kaya naman napaangat ang tingin ko roon...

"Seth..." nagimbal kong tawag sa aking kuya ng mapagtanto ko kung sino ang nasa tabi ko...

"Panahon na Kuya Angelo para ipaalam sa kanila na buhay pa rin ako... at itinago at pinrotektahan mo sa lahat... upang mailigtas mula sa unang konseho at sa mga mangkukulam... " panimula ni Angela Gabrielle.

"Hindi ako pumapayag sa pinaplano mo Angela Gabrielle! Hinding hindi mo isusugal ang buhay mo at ang buhay ng lahat ng naririto! " singhal ko .

Hindi...

Ayoko...

Mapanganib para sa kapatid ko ang nais nito...

hindi lamang para sa kanya kundi pati sa buong lahi namin! .

"Kuya... ito lamang ang natitirang paraan... ako ang kailangan nila ...kaya ako ang magiging susi ninyo upang makapasok sa kanilang kuta." Paliwanag ng nakangiting si Angela Gabrielle.

"Anong ibig sabihin nito Seth at Worlf?! Ang akala namin ay patay na si Angela Gabrielle?! Ano ito?!" galit na tanong ni Eious Victorious.

Alam kong alam niya ang kayang idulot ng buhay ng kapatid ko...

"Itinago siya ni Angelo ...Eious... hindi nagtagumpay ang unang konseho sa pagkuha sa kanya o sa pagkitil ng buhay ng aming kapatid..." ani Seth

"Ngunit...nakita ko siya noon! Wala ng buhay... alam natin na mapanganib kung makuha sya ng kalaban!" Ani Eious.

"Hindi maaaring mamatay si Angela Gabrielle habang buhay si Liant at Cielo Marie... iyon ang dahilan... dahil ang tatlo ay isinailalim sa isang ritwal na isinagawa ng palihim ng mga Guardian noon...sa pamumuno ng ama ni Cielo Marie." Paliwanag ni Seth

Alam ko iyon...

Upang mapanatiling ligtas ang buhay tatlo ay isinagawa ang pagbibigkis ng buhay ng mga ito... kasabay niyon ang pagbibigay sa akin ng kakayanang maitago sa lahat ang mga taong nais kong protektahan... ibinasbas iyon sa akin ni Elliot at Veronica...

Sanggol pa lamang ay nakakaintindi na ako ng mga pangayari ss aking paligid...lingid iyon sa kaalaman ng lahat... walang sinuman ang may alam sa kakayanan kong iyon...

"Ang tatlo ay nakatakdang mabuhay at mamatay ng magkakasama... " ani Seth... "kaya kung nais ninyong mawala ang kapatid ko... pupuksain nyo muna ang mga mahal ninyo..." mapanguyam na sabi ni Seth.

Naging mabilis naman ang pagyakap ni Dilunar sa asawa nitong si Liant... habang ako naman ay niyakap ang aking kakambal...

Hindi ko man masabi ngunit natatakot ako sa maaaring mangyari...
alam kong kaya ginagawa ito ni Seth ay upang maprotektahan so Angela Gabrielle sa mga kapanalig namin... totoo ang sinabi nito na kailangang patayin muna nila ang dalawa baho mamatay si Angela Gabrielle... iyon ay sumpa at hindi proteksyon...

"Hindi namin kayang puksain ang sino man na naririto Seth... maging si Angela Gabrielle... masaya akong buhay pa ang nagiisang babae sa inyong magkakapatid. " ani ate Hope.

"Nagulat lamang kami dahil sa mahabang panahon ay pinaniwala nyo kaming patay na sya... nalungkot ang lahat noon...kaya natitiyak akong masaya ang mga kalahi natin...maging ang mga lobo dahil sa pagbabalik ng unang Harah ng ating lahi. " Ani Polt na syang pinuno ng konseho...

Harah babaeng anak ng Seth at Seth Mistress...

Si Lourde and Farista are the 2nd and 3rd Harah sa buong kasaysayan ng mga bampira... at ang kauna-unahan ay si Angela Gabrielle na inakala ng lahat na mapanganib.... ngunit tinanggap at minahal parin ng lahat...

"Ipagpaumanhin ninyong lahat kung ang inyong unang Harah ...ay nagpanggap na patay... dahil ako ay susi ng mga kalaban para sa katapusan ng ating lahi... kaya naman minabuti naming magkakapatid na ilihim na buhay pa ako... ngunit sa mga nagaganap sa kasalukuyan ay hindi na ako maaaring manatiling patay at tahimik... dahil kailangan ko ng ihantad ang sarili ko at ipain sa mga kalaban... ako ang inyong magiging susi sa kanila... kasama nyo akong magliligtas kina Erica at Cielo Marie... hindi nila makukumpleto ang orasyon kung naririto sa inyo at ligtas si Brilliant... itago ninyo ang Anghel ng ating lahi ... itago ninyo siya sa isla ni Eious Victorious... kung saan ay hindi makalalapit ang mga mangkukulam at unang konseho dahil sa orasyong iginawad ni Eious roon..." anang kapatid ko.

Naging tahimik ang buong council room dahil rito...

"Ihanda nyo ang paglikas ninyong magasawa Dilunar... isasama ninyo si Umbra at Penumbra ..." ani Seth.

Wala na kaming magawa dahil desisyon na iyon ni Seth. Niyakap kong muli si Angela Gabrielle... alam kong hindi ko na masisiguro kung magkikita pa kaming muli...

"Angelo... hindi mo na ako kailangang protektahan ... kaya ko na ang sarili ko ... " bulong nito sa akin.

"Kailan mo ba ako tatawaging kuya Angela Gabrielle?" Bulong ko sa kanya na ikinatawa nito.

"Angela Gabrielle... Unang Harah... ang aking kapatid ... titiyakin ko ang kaligtasan mo...dahil ako mismo ang sasama sa misyong ito... " ani Seth na ikinagulat ng lahat.

Dahil hindi umaalis si Seth sa palasyo para sa ganitong klase ng misyon...

Ngunit ngayon...

"Seth... mapanganib kung sasama ka... " ani Hermes

"Hindi ko hahayaang mapahamak ang kahit na sino sa inyo... alam ninyo ang kapasidad ng mga makakaharap natin doon... hindi ako mananahimik rito at maghihintay sa pagbabalik ninyo... lalaban akong kasama nyo.... poprotektahan at ililigtas ang ating mga kasamahan... " ani Seth

Sa paraan ng pananalita nito alam kong mapanganib talaga ang susuungin naming lahat...

"Angelo... hindi ka maaaring simama sa misyong ito." Nagulat ako sa sinabi nito.

"SETH! HINDI AKO MAKAKAPAYAG! SI ERICA ANG ISA SA MGA ILILIGTAS NATIN... IPAPAIN ANG KAKAMBAL KO.... TAPOS SUSUONG KAYO SA DIGMAAN... AT AKO ANG IIWANAN NINYO?! " histerika ko.

"Ang misyon mo ay manatili rito sa atin....para kung mawala man ako... ay may hahalili sa pwesto ko habang bata pa ang mga anak ko." Ani Seth.

"HELL THEO!" ani Heaven.

Ngumiti si Seth kay Heaven...

"Heaven... hindi natin makokontrol ang lahat... kapatid... kaibigan... kalahi ... pamilya ang nakasalalay rito... kaya sana Maintaindihan mo..." ani Seth...

Nakakaintinding tumango si Heaven at niyakap si Seth... alam kong nangangamba rin ito...

Ganito kapanganib ang misyong ito...

"Kuya... sasama ako." Pilit ko.

"Makinig ka sa akin Angelo... maiiwan ka rito... dahil ikaw ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat... ikaw ang poprotekta sa palasyo habang wala ako.... ikaw aking kapatid." Anya sa akin.

Hindi ko na alam... ngunit natatakot at kinakabahan ako sa mga nagaganap sa paligid ko...

Ano bang kaguluhan ang napasok naming ito?

Sucker's Love 3: Make Me Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon