Drop 13

984 29 0
                                    

Erica's Thirst

Hindi na muling nagtanong si Gelo sa akin ng sabihin ko sa kanya na ayokong pagusapan iyon... pero tila ba mas naging maingat sya sa akin ngayon...

Hindi nya ako iniiwanan hangga't maaari... mas lalo syang nagiging protective sa akin... at lagi syang nakabantay sa akin...

Kasalukuyan kami ngayong nasa Calaguas Island na nasa Camarines Norte.... kung saan napagalaman naming naririto ang isang bampira na napapabilang sa mga mahuhusay at batikang guardian... nilisan niya ang palasyo noon dahil wala na iyong mapaglibangan roon...

kailangan namin siyang makausap at makumbinsing makipagtulungan sa amin... afterall...

Mahalaga naman sa kanya si Cielo Marie...

Kasalukuyan akong nakasuot ng isang itim na itim na summer dress at hat... na pinagtalunan pa namin ni Gelo dahil masyado daw akong nagpapakita ng pagaari nya... hindi ko na lang pinansin..kaya naman nakasimangot ito habang hindi tinatanggal ang kamay sa beywang ko.

Possessive.

"Can I kill those mortals who are lusting over what's mine?" Bulong nito na tila kinakausap ang sarili.

Napapangiti ako sa inaakto nya

"Stop throwing daggers to them Gelo... I am all yours ok?" malambing kong saad sa kanya

"I told you already not to wear those kind of clothes! Damn kung damit pa ang itatawag dyan! Naghihirap na ba ang mga Lovelace at hindi ka makabili ng matinong damit! You are showing too much of my property!" He hissed to me... I just roll my eyes at him.

"Gelo... this is the the best choice of clothes to wear here on the beach! Alangan namang magjacket ako at pantalon e beach nga ito!" Sabi ko sa kanya sa sarkastikong tono.

Tiningnan nya ako ng masama... "Damn! That's a better idea Rih! Let's go back at our cottage and you change your clothes... I saw a jacket and pants on your luggage earlier... " anya at inaakay ako pabalik.

Naiinis na kumawala ako sa kanya.

hindi ko sya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad...

I don't want to deal with his possessiveness.. and I won't give him the satisfaction na magmukha akong estupida sa pagpayag ko na magsuot ng jacket at maong! For freaking sake! nasa isa kaming island!

Naramdaman ko ang pagsunod nya sa akin..ngunit hindi ko sya pinansin! Bahala sya... nakakainis !

Ang dami nuang issues sa buhay!

"Rih... sorry na... hindi na ko mangungulit... promise... pansinin mo na ko..." ungot nya sa akin

Hindi ko pa rin sya pinansin...

Nagfocus ako sa paghahanap ng hinahanap namin...

Nakaramdam ako ng kakaibang init... hindi dahil sa panahon iyon... tila may nananadyang gawin iyon...

yung init na tila ba makakasunog sa mga tulad namin...

Naamoy ko ang pamilyar na dugo...

Alam kong malapit na dito ang hinahanap namin..

"Rih... please... wag kang ganyan..." sabi nya sa pagpapaawang tinig.

hindi ko parin siya pinapansin...

I need to concentrate...

I can't lose him...

mahibirapan kaming muli pagnatakasan nya kami ngayon..

"Rih..."

"Shut up... Gelo... he is around" sabi ko sa kanya

Tila ba naintindihan nya ako... kaya nanatiling tahimik siya at nagmamasid...

Sucker's Love 3: Make Me Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon