NOTE: Ang digmaang naganap sa pagitan ng mga mangkukulam at bampira ay king Cielo Marie isasalaysay.
"Bakit hindi pa rin siya nagigising, Lindon? Bakit tila walang pagbabago sa kanyang kalagayan ? Pitong buwan na siyang ganyan?!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil sa sobrang pag-aalala para sa babaeng pinakamamahal ko...na ngayon ay kasalukuyang wala pa ring malay at nahihimbing sa kanyang higaan.
Namumutla ito at tila walang buhay roon...
Pitong buwan na ng mangayari ang lahat... Pitong buwan na ng makita kong halos wala ng buhay ang babaeng mahal ko... Sumuway ako kay Seth at sumunod sa kanila... Hindi ko kakayaning hindi sila sundan... Hindi ko kayang manatili sa palasyo habang nasa panganib ang mga mahal ko... Lalo na ang si Erica... Dahil ikamamatay ko kung mawala sya sa akin... At hindi ko pinagsisisihan na sumunod ako dahil doon ay nagawa kong tulungan sila... Dahil sa apoy ko at sa yelo ni Seth ay natalo namin ang mga kalaban... Jindi man namin sola napuksa ay ayos lamang dahil nailigtas naman namin ang mga kasamahan namin...
"Ayaw pa niyang magising, Worlf." Ani Lindon sa kalmadong tinig ...katabi nito ang kasintahang si Kia Aedi na kasamahan niya sa paggamot kay Rih.
"Hindi maaaring mangyari iyon?! Bakit ayaw nyang gumising?! Hindi magagawa ni Rih na iwanan ako ng matagal!" Sigaw kong muli sa kanila
Hindi gagawin iyon sa akin ni Rih... Mahal nya ako... At alam kong ramdam nyang mahal ko siya...
Kung hindi nga lang dahil sa kahilingan ni Seth na huwag munang sabihin dito na mahal ko ito upang hindi mahati ang atensyon ni Rih sa misyon ay nagtapat na ako..."Iyon ay desisyon ni Ate Rih ...Worlf. Siya mismo ang ayaw gumising... Siya mismo ang gustong manatili sa kanyang sariling mundo... Dahil doon masaya ito. Walang sakit at problema ang nararamdaman nya... Doon... Kontento siya at hindi masasaktan nino man." Paliwanag ni Lindon na tila sinasabi nitong sinasaktan ko lamang si Rih... Pero hindi totoo iyon... Mahal ko na ito...
Kinwelyohan ko siya at balayang isinandal sa pader ... Si Kia Aedi naman ay walang pakialam na pinanonood kami ...
"PAANO MO NASASABI ANG MGA BAGAY NA ITO!? SINABI BA NIYA IYON SAYO?HUH?! HINDI DI BA?! DAHIL HINDI NYA IYON GUSTO! MAHAL AKO NI ERICA. AT HINDI NYA AKO PAGAALALAHANIN SA KANYA! " singhal ko dito
Ngumiti ng nanguuyam si Lindon.
"Oo. Dahil kakayanan ng lahi namin na namana pa namin kay ina na pumasok sa panaginip ng iba! Nakausap ko siya! Siya mismo ang nagsabi sa aking hayaan muna siya roon...dahil pagid na pagod na siya .. Na ayaw na nyang masaktan... Na ayaw na nyang makita ka pang muli! Naririnig mo iyon?! Ayaw ka na nyang makita! ! " singhal nito at pjbalis ang kamay ko sa kwelyo nya matapos niyon ay lumapit kay Rih at hinagkan ang noo nito . "Aalis muna ako ate... Pupuntahan ko lamang si ina..." Humarap ito kay Kia Aedi. "Mahal ko... Ikaw na muna ang bahala rito. " sabay halik dito at tinapunan muna ako ng masamang tingin bago umalis"Totoo ang sinabi niya Worlf. At natatakot akong matagpuan si Erica ng Nightmare habang nasisiyahan siya sa panaginip nito... Kaya laging nakaantabay si Lindon sa kanya... At inaasikaso din nito si Cielo Marie na hangang ngayon ay wala pa ring pagbabago ang estado... Pagpasensyahan mo na si Lindon.... Mahirap ang mga nagaganap ngayon para sa kanya... Dahil dalawang kapatid niya ang maaaring mawala sa kanya anumang oras...at sa kaalaman ding buhay ang ina nila at isa pa itong mangkukulam... Hindi madali sa kanya ang lahat... " ani Kia Aedi.
Naiintindihan ko ang pinupunto nito... Ngunit hindi ko hahayaang mawala si Erica sa akin... Kailangan kong gumawa ng paraan... Ayokong makuha siya ng nIghtmare o nino man sa akin... Mahal ko siya... At ikamamatay ko kung mawala siya sa akin...
Kaya dali dali akong umalis sa silid na iyon at pumunta sa isang nilalang na makakatulong sa akin...
....
"TULUNGAN mo si Erica." Hiling ko rito.
"At bakit ko naman gagawin iyon?" Tila nangiinsultong tanong nito
Pinigilan ko ang sarili kong magalit... Siya ang makakatulong sa akin... Sa amin ni Rih.
Kailangan ko siya... Kaya hindi ko sya pwedeng galitin...
"Cardamon... Gagawin mo iyon kung gusto mong ipakita kong muli sa iyo ang kapatid ko. Kung gusto mo syang makasamang muli... Gagawin mo ang nais ko!" Sabi ko rito.
Nagkausap kami ni Angela Gabrielle ukol rito at sinabi nitong payag siya dahil matagal na rin siyang nananabik sa dating kasintahan...
Napansin kong natigilan ito sa narinig mula sa akin... Na pinagiisipang mabuti ang lahat... Alam kong wala itong tiwala sa akin...kaya naman ibinigay ko rito ang isang sulat mula kay Angela Gabrielle.
Binasa niti ang sulat.. At nakita kong nagiba ang expression nito...
Nagkuyom ang palad nito at tumingin sa akin...
"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong nito at napangiti ako dahil alam kong nagtagumpay ako.
Dahil mapapasok ko na ang panaginip ni Erica...
Makakausap ko ng personal ang mahal ko...sa tulong ng kakayanan ni Cardamon...na naman nito sa ina nitong isa ring bampira na pinaslang ng mga mangkukulam...
"Bumalik ka rito kasama ang walang malay na si Rih... Maging si Angela Gabrielle... Isasagawa ko ang ritwal... Siguraduhin mong hindi mo kong tatraydoring muli Worlf...dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin sa panaginip ninyong dalawa." Anito.
Tahimik lamang akong tumango dahil para ito sa aking pinakamamahal...
Para kay Rih...
BINABASA MO ANG
Sucker's Love 3: Make Me Love you
VampireI'm Erika Lovelace, one of the Guardian of the Seth Mistress...and my bestfriend Heaven. I used to be jolly, bubbly, nosy, and happy go lucky. I used to be a sunshine...I used to....but not until I fell in love and left broken by my own fiance.... A...