Drop 24

926 25 0
                                    

"Are you ready?"

Napatingin ako kay Cardamon natahimik na nakatayo sa harapan ko.
Sa tabi ko ay ang natutulog na si Erica ...

Tumango ako sa kanya bilang sagot.

"Nasaan si Angela Gabrielle?" Anito sa akin sa makailang ulit

I smirk at him

"Let's this be done. Then I'll bring her to you." Sabi ko.

Tuso si Cardamon tulad ko kaya kailangan kong laruin ang mga baraha ko ng maayos.

Ngumisi ito sa akin... "Subukan mo akong traydurin... Dahil kayang kaya kong patayin kayo sa inyong panaginip." Anito

Hindi ko pinansin ang binitawan nyang salita... Alam kong hindi nya gagawin iyon dahil kamumuhian siya ng Harah.

Pinahiga at inutusan akong matulog sa tabi ni Erica... Tila hipnotismong isinagawa sa akin ang bawat katagang banggitin nito...

"Lindon hindi ako sasama pabalik... " napatigil ako sa paglakad ng marinig ang pamilyar na tinigba iyon.

"Pero Ate Rih mapanganib kung dito ka mananatili! Anomang oras ay maaari kang makuha ng nightmare!" Giit ni Lindon.

Nagtago ako sa isang punong malapit roon...

Nasa isang napakagandang hardin kami ngayon... At nakikita ko lahat ng mga bagay na tanging gusto at ninanais ni Erica ... Mga bagay na nagpapasaya rito

"Hindi ako masasaktan ng nightmare. Alam nyong hindi ako mamamatay hanggat buhay sina Liant at ang Harah... Wag kang magalala" anito sa mababang tinig

"Hindi mo naiintindihan... Ate ang daming nagaalala at naghihintay sayo roon! At kailangan ni ate Cielo Marie ang tulong natin! Hindi pa rin siya bumabalik!" Ani Lindon

"Naroroon sina Ina at Eious... Maging si Dylord. Kaya nyo iyon kahit wala ako" ani Erica

"Ate..."

"Iwan mo na ako rito Lindon... Hindi pa ako handang harapin ang mundo... Ihalik mo na lamang ako kay ina at sabihin ditong wag ng magtangkang pasukin ang panaginip ko... Ayos lamang ako. " bilin nito sa kapatid.

Walang nagawa kundi tumango at hinagkan sa noo ang si Erica ni Lindon... Umalis ito at bakas ang kabiguan sa mukha... Napatingin pa ito sa gawi ko kaya mabilis akong nagkubli....

Tuluyan ng umalis ito sa panaginip namin ni Erica.

"Lumabas ka na riyan... Alam kong kanina ka pa nakapasok sa mundo ko...Gelo." Ani Erica na nakapagpagulat sa akin.

Lumabas ako sa pinagkukublihan ko...
At nilapitan ito...

Nakatingin siya sa malayo at ni hindi man lang ako magawang tapunan ng tingin... Gusto ko syang yakapin... Hagkan a damhin... Gusto kong sabihin sa kanya at iparamdam kung gaano ko sya kamahal... Akmang lalapitan ko siya ng...

"Diyan ka lang. Huwag mo akong lalapitan... " anito at malungkot akong nginitian .

Tila may kung anong nabasag sa aking pagkatao sa kanyang ginawi...

"Bakit ka naririto Angelo? Alam mo bang delikado ang pagtungo mo rito? Pinapunta ka ba nila rito para pilitin akong bumalik? " tanong nito

Hindi ako makapagsalita dahil sa ginawi nito...

Napakalungkot at lamig ng pakikitungo nya sa akin... Na tila ba wala lamang ako sa kanya ... Na tila ba isa lamang akong ordinaryong nilalang at hindi niya iniibig...

"Rih... Nandito ako para sunduin ka... Tayo na... Bumalik na tayo..." Anyaya ko rito

Tumingin ito sa akin...
Nakaramdam ako ng sakit sa uri ng tingin nya sa akin... Tila iyon ay nanunuya... Napakalamig... At salat sa pagmamahal...

"Hindi ako sasama sayo Angelo. Mananatili ako rito. Umalis ka na." Anito na tulad sa kanyang tingin ay napakalamig din niyon.

"Rih... Sumama kana... Bumalik na tayo.. Sige na naman..." Pakiusap ko rito

"Bigyan mo ko ng sapat na dahilan upang sumama sayo Angelo... " sabi nito sa akin na tila hinahamon ako.

Nabigla ako sa kanyang inaasta... Hindi ko alam kung anong nangyayari sa amin...

"Ibibigay ko ang gusto mo... Ibibigay ko lahat ng hihilingin mo sa akin... Rih... Lahat ... Basta bumalik ka lamang... Dahil maha---"

"Lahat?! Ibibigay mo ang lahat sa akin Angelo? Maipapangako mo bang ibibigay mo lahat ng nanaisin ko?" Putol nito sa akin.

Nakaramdam ako ng kaba at takot sa patutunguhan ng usapan naming ito.

Napalunok ako... "Oo. Lahat ng nanaisin mo ay ibibigay ko sa iyo...bumalik ka lamang." Sabi ko sa mababang tinig.

"Maaasahan ko bang tutuparin mo ang iyon sinabi?" Anito

"Oo. Ipinapangako ko." Sabi ko na may konbiksyon

Natahimik ito at pinagmasdan akong maigi...

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang akin mukha...

Napapikit ako upang damihin iyon
...

Ng huminto ang haplos niya ay napatingin ako sa mga mata nito...

Nakaramdam ako ng milyong milyong karayom na tumutusok sa aking puso ng makita ang puno ng luha nitong mga mata... Ang napakalungkot nitong tingin... Kahit na nakangiti ang kanyang mga labi....

"G-Gelo...naalala mo ba yung usapan natin noon? Nagawa ko na ba? " anito sa naoakalungkot na tinig.

Tila sinasakal ako sa tono nito.

Alam ko ang gusto niyang ipahiwatig...

"Nagawa ko na bang paibigin ka? Did I made you love me? Did You fall for me already?" Tanong niya sa akin .

Nabigla ako sa tanong nito...

Hindi ako makasagot dahil hindi sa ganitong paraan ko inaasahang masasabi ang nararamdaman ko sa kanya... Gusto ko ay sa espesyal na pamamaraan... Hindi sa ganito...

Ngumiti siya ng pagak... "What are you doing Erica? Why did you ask for impossible ? " bulong niya sa sarili nito.

Tumingin siyang muli sa akin at lumayo ng kaunti...

"I want you to let me go... I want to go far away from you... I want you to be out of my life. Angelo Worlf. I don't want to be your fucking fallback anymore. I want to be free from your shadow. I want to be free from my love for you. Because I am tired. I am tired of loving you. That's what I want... And I am expecting you to be a man of your words Angelo Worlf... " anya sa akin at tumalikod upang magtungo sa liwanag na nasa likuran niya...

"Good bye...Worlf." Anya at tuluyan na siyang nawala...

Naiwan ako sa panaginip namin na wasak na wasak ang pagkatao at puso...



Iniwan na na ako ng mahal ko...

Sumuko na ito...

Dahil napagod na siyang ipaglaban at mahalin ako...

Wala na...

Wala na si Erica ...

Wala na ang aking si Rih...

Sucker's Love 3: Make Me Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon