Chapter Twenty Two - "Doubts"

177 7 4
                                    

A/N: I'm really really sorry for the long wait, guys! Here's the 22nd chapt for y'all.


Lauren's POV

Ang aga kong umalis. But I never expected this heavy traffic. Balak ko sanang igawa ng breakfast si Tan as part of my surprise for him. Diba, mas masusurprise sya kung sa paggising nya eh nakahanda na ang breakfast nya.

BEEP BEEP BEEP!!!!

Kabi-kabilang busina ang naririnig ko mula sa iba't ibang sasakyang kagaya ko ay naipit rin sa traffic. Alas otso y medya na. Maagang nagigising si Tan. Imposibleng magawa ko pa ang binalak kong surprise breakfast in bed nya. Haay!

Sinubukan kong tawagan ang phone ni Tan, pero busy tone lang ang narinig ko.

And after 45 minutes, finally, nakarating na rin ako sa rest house. Pagpasok ko, walang tao. May mga plates sa kitchen sink na hindi pa nahugasan. Umakyat ako sa kwarto ni Tan, pero wala sya. Nasaan kaya sya?

Bumaba na ako ng hagdan. Nakita ko si Manang Lita na papasok ng bahay.

"Manang Lita?!" nakangiting tawag ko sa kanya. Tumingin sya sa akin at tila nag-isip kung sino ako.

"Lauren?" finally, she remembered. "Ikaw ba yan?"

"Ako nga po. Kumusta po kayo?" lumapit ako sa kanya at kinuha ang dala nyang laundry basket. "Ako na po dyan."

"Naku, salamat. Aba'y mabuti naman ako. Ikaw? Kumusta? Nandito ka ba para magbakasyon, hija?"

"Sana po. Nandito po kasi ang pinsan ko sa Batangas. Sa Empire Hotel po sya tumutuloy. Si Tan po? Nasaan po sya?"

"Ay kanina iniwan ko lamang sila ng girlfriend nya ditong kumakain, eh. Baka sila'y lumabas."

"G-girlfriend po?" para akong nabuhusan isang baldeng tubig na may yelo sa narinig ko.

"Oo, yung girlfriend niya."

"P-pero ako po yung girlfriend ni Tan, Manang."

"Ano kamo? Ay naku pasensya na, akala ko kasi..." I know it was rude, pero tinalikuran ko si Manang Lita. Tumakbo ako palabas para hanapin si Tan. Narinig ko pa ang sigaw ni Manang Lita. "Lauren, sandali!"

Hindi ko alam kung bakit may kaba akong nararamdaman ngayon. I trust him. And Carrisa never mentioned anything about a girl to me. If she caught Tan cheating on me, she would have told me sooner. Pero wala.

Napahinto ako sa pagtakbo. Pakiramdam ko nanlalambot ang mga tuhod ko kaya dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila. I saw Tan giving that girl a hug. Tan's face looked so gloomy as if he's about to cry.

Slowly, I managed to walk towards them.

"Babe?"

Bumitaw si Tan sa pagkakayakap sa babae. Then I found out that it's Carissa. it's just Carissa, my cousin. At alam kong hindi nya gagawin ang iniisip ko. Somehow, nabunutan ako ng tinik sa dibdib. But why are they hugging each other. And Carissa was crying. If she's going through something, she should have told me. We're family. Tan and Carissa, they barely know each other.

"Babe...it's not what you think it is. I can ex..."

"Ano ka ba naman, Tan. Hindi naman ako nag-iisip ng masama. It's just a hug." humarap ako kay Carissa, pinupunasan nya yung luha sa pisngi nya. "Cous, are you okay? Hindi ko alam na may problema ka. I would've come here sooner, kung nalaman ko agad."

"I-I'm okay. Tristan and I...were..." she was trying to say something but Tristan cut her off.

"I was just trying to comfort your cousin."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Heir and The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon