The Heir and The Heiress - Chapter Six

258 8 0
                                    

Chapter Six - (My life isn't a mess after all)

(Lauren's POV)

Napabalikwas ako ng higa nang bigla akong may naisip.

"Ahhhhh!!!" Napasigaw ako ng malakas dahil although maganda ang naisip ko, hindi ko naman ito gusto. "Pano na 'to!!! Kailangan ko na ba talagang magpaalam sa inyo?" Tanong ko sa mga nananahimik kong mga gamit sa cabinet. "Parang hindi ko yata kaya 'to!!!"

Isa-isa kong kinuha yung mga designer bags, shoes and clothes sa cabinet at nilapag nang maingat sa kama. "Isipin nyo nalang, ipapahiram ko lang kayo. Mamimiss ko kayo!" Arggg, para na akong naloloka. But what can I do? I'm used to thinking out loud.

I took a picture of each item, and uploaded it to the internet. I can make money out of these precious things. Yung mga high heeled shoes ko, bags that I bought from Hongkong pa, and Singapore, even in London.

And after two hours, may tumawag na sa phone ko.

"Hello?" I answered the call.

"Hi, yung price ng Gucci bag mu, is that negotiable?" Woah, I got my first client!

"Oh, the brown one? Sorry, fixed na yung price, eh."

"Ganun ba? Well..." She paused. "Okay, I'll get it." Pakiramdam ko lumundag yung puso ko sa tuwa. Ganito pala pakiramdam ng magkakapera ka ng sarili, hindi yung nagmula sa magulang mu or guardian mu.

She transferred the money to my bank account. Pagcheck ko, nadeposit naman na. Kaya nagready na ako para i-ship yung bag sa kanya. Pagbukas ko ng pinto, napansin ko sa may fire exit si Tan na may kausap sa phone. Since isang likas na tsismosa ako, naki-eavesdrop muna ako sandali.

"Dad?... I don't like her...mmm... Hindi ko sya pwedeng pakasalan, I don't love her... Okay... Fine...bye."

Ikakasal na sya? Parang bigla akong nakaramdam ng lungkot sa narinig ko. Wala naman sa lugar 'tong pakiramdam na 'to.

"Kanina ka pa dyan?" I was startled nung nasa harap ko na pala sya. Nahuli nya ba akong nakikinig?

"A-ah, hindi. Actually kalalabas ko lang ng bahay...and...and naghihintay lang ng elevator." Gosh! Para akong pinagpawisan ng malamig.

"Elevator? Ayun yung elevator hindi dito." Tinuro nya yung kabilang side ng wall. Nakaramdam ako ng pagkapahiya.

"Well, masama bang sumandal dito habang nag-hihintay ng elevator? Grabe 'to!" Naglakad na ako palapit sa elevator. Naramdaman ko rin yung footsteps nya na tila sumunod sakin. Pero di ko sya nilingon, baka sabihin hinahanap ko sya. Tsura nya!

"Parang may lakad ka, ah." Tinuro nya yung parcel na bitbit ko.

"Ah, eto ba? Ishi-ship ko lang 'to sa client ko." I answered without looking at him.

"Client? I thought you're a bum." Napatingin ako sa kanya.

"What?! A bum? What made you think na bum ako?"

"I just figured. Seems like mali ako. Kailangan mu ba ng kasama?" Tiningnan ko sya, pero straight lang ang tingin nya. Wala sakin, kundi parang nasa kawalan ang tingin nya. Parang may malalim na iniisip.

"Why?" I looked away.

"Kasi ako...kailangan ko." Napatingin uli ako sa kanya. This time he's looking at me. Yung mata nya, parang may malalim na kahulugan. Parang sinasabi nyang kailangan ko syang samahan. And while looking at his eyes, I felt my heart pound.

"Ah..." Oh gosh, sinisinok ako! Nakakahiya! Ngayon lang ako sininok sa harap ng isang lalaki. "Ahg...s-sorry...ahg...gosh, water...ahg." Naghalungkat ako sa shoulder bag ko and took my bottled water para mainom at mawala ang sinok ko. Hooo! Nawala ang sinok ko, kasabay ng pagbukas ng pinto ng elevator.

"Okay ka na? Let's go." Hinawakan nya ako sa balikat at marahang tinulak papasok ng elevator. Nung makarating kami sa second floor, kung saan nakapark yung mga kotse namin, inagaw nya yung parcel na hawak ko. "Ako na magdadala."

"Ha? Okay lang, magaan naman, eh." Pilit kong inaagaw yung parcel sa kanya.

"Kaya mu bang bitbitin 'to habang nagdadrive?" Napangiwi ako. Kala ko naman mabait. Ako pa pala magdadrive. Kala ko dun kami sasakay sa kotse nya. Sayang ang gas! Kala ko pa naman, makakatipid na ako.

"Tss...okay fine." Magkatabing nakapark yung kotse namin. Nang makalapit na kami sa parking space namin, may hinagis sya. Buti nalang magaling yung reflex ko at nasalo ko ito. "Car key?" Taas kilay kong tanong.

"Drive my car. Hindi ako komportable sa kotse mu." Tss...sama nya, ah. Gawin ba akong driver?! Well, on second thought, okay na din 'to. At least makakatipid ako sa gas.

Pinagbigyan ko sya, ako ang nagdrive. After kong ma-ship yung item ko dun sa taong umorder, hindi ko na alam kung saan kami pupunta. "So, san na tayo pupunta ngayon?"

"Let's go somewhere far." Napanganga ako.

"What?! Far? How far?"

"Batangas?" Oh geez! I love beach! Pero hindi ako prepared! Hindi manlang ako nakapagpack ng beach outfit ko!

"Batangas? As in sa beach?"

"Yeah, my family own a resort there. Gusto kong makalanghap ng fresh air." Sumakay na sya sa passenger seat. Ako naman, sumakay na rin sa driver's seat.

"At kasama talaga ako sa paglanghap mu ng fresh air?" Hindi sya sumagot, at nagkaroon ng awkward silence sa loob ng sasakyan. "Ahm...Tan, seryoso ka bang sa Batangas tayo pupunta? Biglaan naman 'tong lakad natin. I mean...wala manlang tayong dalang bihisan."

"It's okay." Yun lang ang sagot nya?! Galing din ng taong 'to. Well, I might as well continue driving. I should trust him.

All throughout the travel, tahimik lang sya. Sobrang awkward talaga. Nakatingin lang sya sa bintana. Bakit kaya? May problema kaya sya? Parang nakakaawa sya. Hindi kaya may kinalaman 'to sa kausap nya kanina? Hindi pala lahat ng gwapo masaya ang buhay. Tsk.

The Heir and The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon