The Heir and The Heiress - Chapter Eleven

220 4 1
                                    

Chapter Eleven (I'll protect you, no matter what...)

(Lauren's POV)

"Pwede mong gamitin 'tong kwarto ng 'to." Nilapag nya sa kama yung duffel bag ko habang yung luggage ko isinandal nya lang sa gilid ng kama.

"Salamat." Humarap sya sakin at ngumiti.

"Ako ang dapat magpasalamat sa'yo." I frowned.

"Ha? Ang labo. Eh wala pa naman akong nagagawang pabor sa'yo para pasalamatan ako, ah. Ang labo mo." Umupo sya sa gilid ng kama ko.

"Hindi naman kailangang may magawa ka sa isang tao para pasalamatan ka. Sometimes, just your presence alone can make that person grateful." He threw a sweet smile at me. Tumigil ako sa paglabas ng mga damit ko mula sa bag, at nameywang sa harap nya.

"Are you flirting with me?" Biro ko. Jokes are always half meant, harhar.

"Why? Can't I flirt with you?" Ganting biro nya. Nahablot ko yung unan sa kama kaya hinagis ko iyon sa mukha nya. "Aray! Hahahaha....ang pikon mo!"

"Hindi ako pikon, noh!"

"O sya, hindi ka na pikon. Ipagluto mo nalang ako." Tumayo na ito at nag-umpisang maglakad palabas sana ng kwarto.

"Ay, sandali!" Umikot sya paharap sakin habang nakataas ang isang kilay. "Eh, kasi....ano..."

"Ano?"

"Eh...hindi kasi ako...marunong...magluto, hehe." Napangisi ako sa sarili kong kakulangan.

"Ano? Kababae mong tao, tumanda ka ng ganyan, hindi ka marunong magluto?! Basic lang yun sa mga babae!" Gulat nyang sabi.

"Wow, ah! Ang yabang mo! Eh sa hindi ako natutong magluto, eh. Anong magagawa ko!?" Inismidan ko yung kayabangan nya.

"Kaya pala, puro instant yung mga pagkaing binibili mo." Napapatango nyang sabi na tila may isa sa katanungan nya ang nasagot.

"Napaka-observant mo naman!"

"Okay, fine. Tuturuan kita magluto." Tumalikod ito at kinaway yung kamay nya hudyat na pinapasunod nya ako saka nya. "Dun tayo sa kitchen."

Sumunod naman ako sa kanya at pinanood nya habang nilalabas yung ingredients mula sa fridge.

"Ano yang mga yan?" Usisa ko sa mga nilabas nyang ingredients.

"Eto yung gagamitin natin for Menudo." Inisa-isa nya yung ingredients. He taught me how to cut the veggies. Hanggang sa ako nalang yung naghiwa. It was fun. "Ayan, dapat ganyan. Matuto ka sa pagluluto. Kasi gusto ko lutong bahay ang kinakain ko lagi."

Huminto ako sa paghiwa, "Umamin ka nga sakin, Tan. Pinatuloy mo ba ako dito para gawing cook mo?"

"Ha? Hindi noh. Malungkot lang talaga mag-isa. At least ngayon, may mauutusan na ako." Natatawa nyang sagot.

"Ikaw na dito!" Binitawan ko yung kutsilyo at nag-attempt magwalk out. Kunwari nagtatampo ako, haha.

"Uy, ang tampuhin naman nito." Parang na-shock yung nervous system ko nang bigla nya akong habulin at yakapin mula sa likod ko. "Joke lang yun. Pinatuloy kita dito para lagi kitang...makikita. Paggising ko, bago ako matulog, bago ako umalis papunta sa cafe, gusto ko ikaw yung una't huling babaeng makikita ko."

Ang bilis...sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba 'to? Is he confessing right now? "A-ano bang sinasabi mo?" Bigla syang bumitaw sa pagkakayakap sakin.

"P-para ka kasing clown ko. Nakakatawa ka. Gusto kita laging nakikita para matawa ako. Pampa-good vibes lang, ha...haha." Tumalikod sya at bumalik sa kitchen. Mula sa kitchen, sumigaw sya. "Ako na magtutuloy nito! Mag-shower ka nalang! Ang asim mo, eh!"

The Heir and The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon