The Heir and The Heiress

1.1K 12 3
                                    

PLOT:

Ako nga pala si Lauren Dionisio, bagong lipat sa Crowns Condominium, kung saan magiging next door neighbor ko si Tan Rodriguez. Isang businessman na napakasungit. Whom, eventually, I found out na protector ko pala, sandalan ko sa tuwing down ako.

--------------------------------

Chapter 1

At the age of 23, wala akong alam sa buhay kundi magshopping, gumimik kasama ang mga friends ko.

"Lauren, lahat ng gusto mu, ibinibigay ko sa'yo. Simpleng hiling ko lang sa'yo, di mu magawa?" Since last year kasi pinipilit ako ni Mamita na pumasok sa kompanya. At eversince din, I've been declining her offer, I mean, her order. Wala naman kasi talaga sa puso ko na pasukin ang mundo ng business.

"Mamita, ayoko nga pong magtrabaho sa kompanya. Please, let me just enjoy my life!" Napipikon kong sagot sa Lola ko. I didn't mean to be rude. Pero hate ko kasi yung pinipilit akong gawin ang isang bagay na ayoko.

"I've had enough of you, Lauren..." Bumuntong hininga si Mamita. At sa tuwing ganyan sya, kinakabahan ako. "Mula ngayon, aalis ka na sa pamamahay na 'to! Hangga't hindi mu natututunan ang kahalagahan ng buhay, hindi ka pwedeng bumalik dito!"

Naramdaman kong tumulo ang luha ko. So I walked out of her sight. Si Mamita ang nagpalaki sa akin. Nag-iisa nyang anak si Mommy, who died 8 years ago because of Leukemia. Kaya mula noon, si Mamita na ang tumayong magulang ko. Spoiled ako sa kanya, we never had a big fight until now. Madalas, sasabihin nya sakin na wala akong allowance for 1 week. Pero yung paalisin ako sa bahay? This is the first time! And I know Mamita very well. What she said is what you'd get.

So patakbo akong bumalik ng kwarto ko. Hindi ko namalayang nakasunod pala sakin si Carissa, the only cousin I know. Anak sya ng pamangkin ni Mamita who happened to be very close to our family.

Unlike me, napakamasunurin ni Carissa sa mga utos ni Mamita. She works as a Marketing Director ng company. Yun dapat ang magiging position ko pag pumasok ako sa company. And ang plano, magiging training ground ko DAW ang marketing department. Then into GA to CEO.

"Lauren, wait! Lauren." Tawag nya sakin habang isa-isa kong pinaglalagay yung mga gamit ko sa luggage ko. Habang yung mga designer bags ko, nakalagay sa duffel bag ko with bonggang pag-iingat.

"Carissa," I said while crying. "Ayoko na. Masyado nang controlling si Mamita."

"Lauren, hindi ka pwedeng umalis. Saan ka pupunta?" Napahinto ako sa pag-eempake. Saan nga ba ako pupunta? Wala akong alam na lugar na pwede kong puntahan. Pero dahil sa pride ko, tuloy parin ako sa pagempake ng mga gamit ko. Sinilid ko yung mga designer bags and clothes ko sa bag. Pati mga shoes ko.

"Ikaw na ang bahala kay Mamita. I'm leaving."

"Lauren! Hey, wait! You can't just leave us here!" Patuloy lang ako sa paglakad.

"Mang Ben, pabukas po ng gate." I drove my car away from home. Tuliro ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pinalayas lang naman ako ng nag-iisang pamilya ko noh.

I parked my car sa alloted parking lot ng cemetery. Naiinis ako, naaasar at nagagalit! Hindi na ba ako mahal ni Mamita para ganun-ganun lang eh, kaya nya akong paalisin?

I walked towards my Mom's grave then cried...as hard as I can.

"Mommy, saan ako pupunta? I have nowhere to go. Anong gagawin ko? Hindi ako pwedeng bumalik kay Mamita. I know her, pababalikin nya lang ako kapag pumayag na ako sa gusto nyang mangyari." I suddenly stopped nung biglang may naalala ako. Kinuha ko yung wallet ko sa bulsa. Found it. Yung spare key ng condo unit ni Jude, my bestfriend na nasa states ngayon. Hmmp...this is it. Hulog ka ng langit, Jude!

So I immediately made an international call to US. And fortunately, pumayag si Jude na patirahin ako sa condo nya for one month, since for sale na nga yun, baka nga in less than a month mabili na 😞 Pero saka ko na iisipin yun.

Nagpaalam na ako sa aking pinakamamahal na Mommy then head straight to Crowns Condominium. Pakiramdam ko ang saya-saya ko na makakawala na rin ako sa puder ni Mamita, finally! Pero on the other side of my brain, parang mas gusto ko parin makasama si Mamita 😞

Pagdating ko sa condo, wala palang food supplies na naiwan dito. Sabagay, almost a year na din namang bakante 'tong condo unit na 'to. Siguro kailangan kong maggrocery. Kaya nagmadali na naman akong lumabas, at nagdrive papuntang mall. Wooh! Kahapon lang ako huling nakatungtong ng mall, pakiramdam ko, isang taon na ang nakalipas!

Nag-ikot ikot muna ako. Bumili ng bagong shoes, bag, and dress. Buti nalang hindi naisip ni Mamita na i-cut yung credit card ko. Yey! I love shopping! ❤

Then after shopping, diretso na ako sa supermarket. Sa totoo lang, I only know how to shop clothes and accessories. Mga maids naman kasi ang naggo-grocery sa bahay, eh.

So I took a push cart, took 2 big boxes of cereals, lots of cup noodles, lots of instant coffee, instant foods na kailangan lang i-microwave. Buttered popcorn, microwaveable din. Paper plate, plastic cups. Pansin nyo, lahat ng kinuha ko puro instant at disposable? Anong magagawa ko, eh hindi naman ako marunong magluto at maghugas ng pinagkainan ko.

And as soon as makarating ako sa parking lot, nakakita ako ng magandang spot. Hmmp...that will be my spot from now on. Nice! Oohh...napadami yata yung napamili ko. Pano ko 'to dadalhin sa unit ko?! Haaay...minsan may disadvantage din ang pagiging shopaholic, eh.

Pinilit kong bitbitin yung mga shopping bags ko, pero ang hirap talaga. Pero kaya ko 'to! Nahulog yung isang shopping bag na hawak ko. Pinilit ko itong pulutin. Aba! Eh kamalas-malasan nga naman, naglaglagan ang iba pang shopping bags na dala ko. Nakita kong may lalaking napadaan at huminto pa sa harap ko. Matangkad ito, gwapo, mukhang nasa mid 20s yung edad.

"Excuse me, pwede mu ba akong tulungan?" Nakatingin lang sya sakin. Expressionless. "Ah, tulong, pwede?" Tumalikod na ito. Aba! Ang yabang! Kala mu kung sino! Tss.

Nung mapulot ko na lahat ng shopping bags ko, madaling pumasok na ako ng building at tinangkang habulin ang pasarang elevator. Haist, Lauren! Nasaan ang poise mu?!

"Wait!" Naiharang ko yung binti ko sa pasarang pinto ng elevator. And since may sensor ito, nagbukas naman sya, in fairness. Kamalas-malasan ulet, yung mayabang na lalaki pa ang makakasabay ko. "Tss."

Pipindutin ko sana yung 21, pero nakapindot na ito. Huh, don't tell me, neighbors kami?! Nauna akong lumabas ng elevator, pero bago pa sya makalabas, humarap ako sa kanya at sinabing... "Yabang!" Sabay takbo papunta sa unit ko.

The Heir and The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon