The Heir and The Heiress - Chapter Two

368 9 0
                                    

Chapter Two

(Tan's POV)

I think I haven't introduced myself yet. Ako si Tan Rodriguez, owner ng Tan's Cafe. I'm 27 years old, single. What else do you need to know about me? Wala namang interesting sa buhay ko, eh. Sabi nga ng girlfriend ko, I'm boring.

"Bye, Sir Tan." Wanna know how hardworking I am? Hinahayaan kong maunang umuwi ang mga empleyado ko bago ako.

"Ingat kayo." I said to my employees while watching them leave.

Tumingin ako sa wrist watch ko, 10PM na pala. Kinuha ko yung bag ko sa office, pati yung car key ko at nagdrive na pauwi. Siguro naman, may karapatan din magpahinga ang mga working bee na kagaya ko.

Ipapark ko na sana yung kotse ko, pero may nakapark nang pulang Mazda 3 sa nakasanayan kong pwesto. Geez. Whoever that is, I hate...her? Babae? Sus. At ang tindi rin mamili ng babaeng 'to. Mukhang hindi nya naman kayang bitbitin lahat ng napamili nya. Tss. Mga babae nga naman.

Naglalaglagan yung mga pinamili nya. Nilapitan ko sya para sana tulungan, pero...pero...ewan parang pakiramdam ko napako ako sa kinatatayuan ko sa hindi ko alam na dahilan.

"Excuse me, pwede mu ba akong tulungan?... Ah, tulong, pwede?" Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin, pero wala akong nagawa kundi titigan lang sya. There's something about her that makes my heart pound.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, napahawak ako sa dibdib ko. Mabilis na tumalikod na ako sa kanya at naglakad papasok ng building. Sandaling nag-antay pa ako sa pagbukas ng elevator. Hinihiling kong agad-agad eh magbukas na yung pinto ng elevator para hindi ko sya makasabay.

And finally, nagbukas din ang elevator. Pagpasok ko, agad kong pinindot yung 21st flr and close button. Pero habang pasara naman yung pinto, biglang may lumusot sa awang na binti. And since may sensor ang elevator, bumukas ito at tumambad ang isang babaeng maraming bitbit na shopping bags. Yeah, it's her.

"Wait!" Tumingin sya sakin ng masama. "Tss."

Habang paakyat yung elevator, pasimpleng sumusulyap ako sa kanya. Napansin kong mga instant food ang dala nya. And as I look into her face, I realized that she really look...angelic.

"Yabang!" Or maybe not. As soon as the elevator opened, yun talaga ang naisip nyang sabihin sakin? Huh! Kakaibang babae 'to. Tingin ng lahat sakin, mysterious at boring. Pero sya, mayabang?!

I noticed, dun sya pumasok sa unit na katabi ng sakin. Halos isang taon na ring bakante yun, ah. Ngayon lang ulit nagkatao? Ang balita ko, for sale ang unit na yun. May nakabili na pala.

Nagring yung cordless phone as soon as makapasok ako sa condo ko. So I took it and answered the call.

"Hello?"

"Tan," si Daddy pala. "When are you planning to visit your Mom in Korea?" Koreana nga pala ang Mommy ko, at purong Pilipino naman ang Daddy ko. Si Mommy, sya ang Chairwoman ng Empire Group sa Korea. Si Dad naman, nandito sa Pilipinas para sa expansion ng Empire Hotel. Si Kuya Terrence talaga ang in-charge sa Empire Hotel. And as a second, walang nakalaan sakin na pamamahalaan ko. I was born as a reserve in case Kuya couldn't manage the business. That is why I put up my own business. I wanna prove to them na kaya ko.

"I don't know yet, Dad. I'll be busy this coming weeks."

"Son, you're always busy. Na-mimiss ka na ng Mommy mu."

"Really? Bakit hindi nya ako matawagan?" Para kay Mommy, si Kuya Terrence lang ang mahalaga. She never called me eversince I moved out of our house.

"Intindihin mu nalang ang Mommy mu. She's too busy para pagtuunan ng pansin ang ibang bagay."

"Yeah, Dad. Ibang bagay lang ako sa kanya...ibababa ko. May kailangan pa akong gawin." I lied. Hindi ko lang matagalan na kausap sya. Alam kong nagsisinungaling sya sakin. My Mom never loved me.

The Heir and The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon